Friday, January 4, 2013
Kamatayang Namumulaklak
Kamatayang Namumulaklak
malayang salin ni Tilde Acuña
ng tula ni John Ashberry
Nagbabadya, nagsisimula sa malayong hilaga, gumagala ito.
Ang mabagsik na amoy ng usok nitong petrolyo ay maaaring
Kumapit sa uka ng iyong mga buto habang ika'y nasa malayo.
Kailangan mo itong maipahatid.
Umiiral ang mga bulaklak sa bingit ng hininga, nakabitin,
Matagal nang inilagay roon.
Nagbibigay ng paghinga ang isa sa iba,
O magkakaroon ng pagkakatumbas ang kanilang mga kilos
Kung saan inidibidwal din ang bawat isa.
Ang kanilang kolektibong kahungkagan, anupaman,
Ang nagtataksil sa pakiwari ng isang bagay na hindi mabubuwal.
Sa loob nito, ilang katotohanan na ang ating kinalas
At nananatiling umaandap-andap ang lumang prente,
Isang delusyon, ngunit permanente. Dapat muna nating isahan ang ideya
At lansihin ito sa pagiging, tsaka ito lansagin,
At isaboy sa hangin ang mga piraso,
Upang ang lumang galak, simpleng parang bibingka, alak at pagkakaibigan,
Ay manatili kasama natin hanggang dulo, inaalalayan ng gabi
Na siyang may bitag na nagbibigay rito ng ating huling pakahulugan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment