Tuesday, January 8, 2013

shameless plug: lita

since i had to revive a fleeting hologram of myself to do stuff, i also took a glimpse at the [link] i received in my mail box confirming that my translation of baudelaire's lethe would be published in Cavite Young Writers Association's Lita: Poems on Women. after the cut is the text in the link [i hope it is okay to plug and share the content of the link tho it is inaccessible if one doesnt have an active fb account]:

"AVAILABLE SOON. FROM CYWA. Cover art by Mary Ann Jimenez-Salvador. Layout by Heidi Sarno. Edited by Ronald Verzo. Works featured are from members of CYWA and international contributors.

===========================
Isang balong malalim ang usaping pangkababaihan.

Sa Pooc, Silang, Cavite matatagpuan ang isang malalim at hugis-wawang katawang-tubig. Ayon sa diksyonaryo, ang wawa ay bunganga ng ilog. May nagsasabing pook ito ng pinagtalakan ng dalawang babaeng nagtatalo. Walang detalye ukol sa pagkakakilalanlan ng dalawang babae at sa dahilan ng kanilang pag-aaway. Ngunit mula noon ay tinawag ang lugar na Pinagtalakan. May nagsasabing pinagbagsakan ang pook na ito ng bulalakaw kaya’t nalikha ang katawang-tubig. Ayon kay Aidel Paul Belamide, isang anthropologist na lumaki sa Pooc, nakatutuwa raw isiping ang pagtatatalak ng dalawa ang humukay sa lalim ng katawang-tubig. Wala pang nakapagsusukat nito.

Noong nag-uumpisa pa lamang ang Cavite Young Writers Association (CYWA) at pilit nitong idinudugtong ang sarili sa nalimutang kasaysayang pampanitikan ng Cavite, iisa lamang ang babae sa listahan ng mga manunulat ng bayan, batay ito sa pananaliksik ni Dr. Efren R. Abueg, ang punong tagapagpayo ng grupo. Naging palaisipan sa grupo kung bakit dahop sa mga babaeng manunulat ang kilalang ‘macho’ na probinsiya ng Cavite. Kaya bang iligtas ang reputasyong ito ni Darna na likhang-isip ng isang CaviteƱo, si Mars Ravelo? Sa pananaliksik at pakikisalamuha ng CYWA sa kanyang mga kababayan, nadagdagan nang nadagdagan ang mga babae sa listahan na ito. Natuklasan din ng grupo ang mga babaeng manunulat sa Cavite City na nagpalimbag ng kanilang aklat ng mga tula noong dekada 1980. Isa na lamang sa kanila ang nabubuhay pa rin sa ngayon. May humigit kumulang na labing-apat na ang napalista.

May nais sigurong buwagin sa kamalayan ng marami ang pagbibigay tuon ng CYWA sa kababaihan. Marahil may nais ding mabatid na rarom sa nasabing usapin. Ipinangalan ng grupo ang serye nito ng mga publikasyon tungkol at para sa mga babae sa pook na Pinagtalakan sapagkat ang kuwentong bayan sa pinagmulan ng pook ay isang nakaaantig na larawan ng talakayang pangkababaihan."

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]