nais kong magdagdag sa naispatang [
listahan] ng 11 na pinakakalunus-lunos na katotohanan ng UPCAT o University of the Philippines College Admission Test. ika-12: kahit lumusot ka, baka hindi ka pa rin makapasok dahil matindi maningil ng matrikula ang UP. malala pa sa private school. mas mahal pa ata sa USTe.
ang makasagot ng sumusunod na tanong (leakage sa UPCAT c/o Prop. Andrada via [
fb post]) nang komprehensibo, papasa ng UPCAT at gagraduate nang marangal at mahusay at tunay palaban makabayan at iskolarli na iskolar ng bayan (meron kasing mga hindi scholarly, yung maraming kacheapang nalalaman, scum ng sanlibutan):
MATH: Kung minimum wage earner ang mga magulang mo pero nalagay ka sa Bracket A at 15 units ang load mo at may miscellaneous fees pa, gastos sa xerox, pagkain, load, pamasahe, dorm, internet, tawas, at may iba ka pang kapatid na nag-aaral, magkano ang katinuan?
LANGUAGE: Bakit sinabihan ni Rizal ang CHED at gobyernong Aquino na: "Ang hindi magmahal sa sariling wika daig pa ang sangsang ng malansang isda?"
LOGICAL REASONING: Matapos ang 27 games, nakapanalo ng isa sa men's basketbol. Bonfire sa Sunken, hindi lang aprubado kundi dinaluhan pa ng Tsanselor Tan at President Pascual. Matapos ang mahabang panahon ng pagtatago ng berdugo at ulo ng pandurukot at pamamaslang na si Palparan, at hanggang ngayon ay nawawala pa rin ang UP students na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan, saan nakakuha ng antropolohikal na apog at kapal ng mukha ng neanderthal si Tsanselor Tan para ipatigil ang Bonfire for Justice sa Sunken?
READING COMPREHENSION: Sa kantang UP Naming Mahal, buti pa ang bulwagan, may dangal.
nais ko namang balikan ang graduating self kong galit sa mundo. may ipinost din ako sa lumang blog noong Agosto 2010, mga panahong pinapakshet din ako ng mga pakshet sa pamantasan, baka kaya ganito ang naisulat ng aking angry youthful self (unedited, pagbigyan ang nakababatang self ko, ok?):
"A Friendly Reminder to UPCAT takers and an ROTC commentary"GO HOME na lang. Alright?