Saturday, January 28, 2012

Pagpapanatiling Buo ng mga Bagay (Mark Strand)

Ang gusto ko sana yung Black Maps kaso masakit ata sa ulo. Pero susubukan ko. Ngayon din. As in, ngayon na. btw, si Camila nga pala ang dahilan ng 10K hits.

Pagpapanatiling Buo ng mga Bagay
ni Mark Strand, salin ni Tilde Acuña

Sa isang larangan
ako ang kawalan
ng larangan.
Ito ang
parating nangyayari.
Kung nasaan man ako
ako ang anumang pagkukulang.

Kapag naglalakad ako
hinahawi ko ang hangin
at parating
kumikilos ang hangin papasok
upang punuan ang mga espasyong
pinaroonan ng katawan ko.

Tayong lahat ay may mga dahilan
sa pagkilos.
Kumikilos ako
upang manatiling buo ang mga bagay.

Or? mas sakto ang "bagay" kaysa "bahagi"? 'No? Hm.. rerepasuhin pa this. After ilang pagmumuni-muni, nirepaso na this, "bagay" it is, imbis na "bahagi."

Saturday, January 21, 2012

Bitayin si Gloria + UP Forum


The BITAYIN SI GLORIA (roughly "EXECUTE GLORIA," dahil iba ang bigat ng "BITAY," I think!) chapbook is now downloadable. "Ang Panaginip mong Bangungot para sa Bayan" is included. You may don't give a fvck about it, but the poem was an IYAS piece written eons ago. Submitted the slightly revised version as I have not written anything yet because of some kinda drought if not self-censorship, or whatever the fvck is going on.

The November-December 2011 issue of the UP Forum is also off the press (pwede rin idownload kung walang maispatang copy). The abridged version of "The Fight For Education as a Dress Rehearsal" is included. Thinking of doing something about the full-length version since last year, but still, nothing comes up. Stamina's a motherfvcker these days. Given the chance, I'd dispose this body. Wish ghosts can really be contained in other shells. God, what I wouldn't give to have another body (or perhaps a machine, though the human body is kinda like a machine) to contain my consciousness. Fvck this. Fvck you all.

Sunday, January 15, 2012

Repeat until fade [ii]


"There is only one god. And his name is death. And there is only one thing we say to death: Not today." -Game of Thrones. Syrio Farel to Arya. I love you, Arya Stark. Does that make me kinda gay? And kinda pedo? And kinda troubled, too? Well, I am.

Friday, January 13, 2012

Thursday, January 12, 2012

Eksena sa kalye [iii]

Himalang maluwag ang mga sasakyan, nakasakay ako kaagad sa unang sasakyan, nakasakay rin agad sa sunod na sasakyan, nakababa sa babaan at hinintay ang hihintayin, at tulad nang nakasanayan, bumuklat ng bitbit na aklat, pero nagdalawang-isip sa pagkakataong ito, kaya lumibot-libot muna sa lugar hanggang may makitang tiangge-tiangge at sumipat-sipat sa mga pamagat, at nahihilo na ako sa mga pangalan ng mga libro at ng mga manunulat at inisip na masyado pa akong maraming librong biniling hindi pa rin nababasa, at nililimitahan ko ang sarili sa pagbili ng nobela, kung may kuleksyon ng maiikling kwento, o di kaya'y mga sanaysay, o di kaya'y mga tula ng tinatangkilik na mga kwentista, kritiko o makata, baka may tsansa pang umiskor, kaso, sa isang thrift shop, hindi na ako gaanong umaasa dahil mahirap yang umaasa, o, tinamad na lang talaga akong maghanap, tinamad din ako magbasa, kaya lumibot ako ulit, sumipat hanggang may maispatang ukay-ukay at dito ko natagpuan ang hinahanap, ang kaunaunahan kong ginastusan ngayong taon ng pagkawasak, at ang pinakahuling binili kong natatandaan kong binili ko nang walang gaanong pag-aalinlangan, walang pagsisisi, walang panghihinayang kahit na ngayong ilang oras na ang lumipas matapos ko itong bilhin, walang kahit anong pakiramdam na nalugi o naisahan dahil isang pares ng botang katad na sakto ang sukat ang nabili ko, yung tipong hindi mukang pormal, yung tipong panggasgasan, kaya ayus, dahil hindi ko na kailangang alalahanin ang sasabihin ng iba kapag sinuot ko ito, dahil hindi ako kumportableng magsuot ng mukhang bago, lalo at kadalasan, binabati itong, uy, bago, ha, at mga iba pang kahawig na ekspresyong ang sinasabi lang naman ay pabiro at mapagkapwang, uy, ayus ha, asenso ha, kumbaga, bumili ako ng komportableng botang komportable ko nang maisusuot kinabukasan o kung kailanman mapagpasyahang suotin, matapos bayaran ang ale, oo naman, nagbayad ako, umalis na ako at tumambay sa isang tabi upang magbasa ng mga kalutangan ng isang italyanong kwentistang isinalin sa ingles, at habang nagbabasa, nagmumuni kung ano ang hinithit ng italyanong ito at ano ang hinithit nung nagsalin at parang gusto ko rin atang testingin kung ano man iyon.

Wednesday, January 11, 2012

Pag-iiba-iba sa Salitang Pag-ibig (Margaret Atwood)

Burador, slashwrist. Kinda hard ito at yung esensya at tono na lang ang kinuha ko. Well, ganun naman ata talaga sa lahat. Yung "this word is not enought but it will have to do," nagpasya na lang akong gawing "hindi sapat ang salitang ito, ngunit mainam na ring katumbas," tas syempre lohikal lang namang baguhin yung love bilang four-letter word at pag-ibig bilang seven-letter word, at iba pang shit, daming shit, kainis.

Pumapag-ibig na rin lang, share ko na rin ang naispatang status update ni Prof. Gerry Lanuza: "Tanong ng aking estudyante: Kailan daw magkakaroon ng tunay at dalisay na pagmamahalan? Kapag nabuwag na ang sistemang nagtuturo sa atin na ang lahat ay may kapalit. Kapag nawala na ang presyong nakatatak sa ating mga kaluluwa. Kapag nagmahal na tayo hindi dahil sa pang ekonomiyang dahilan. Kapag nagmahal na tayo lagpas sa kagandahan, yaman, ugali o ano pa man. Hanggat hindi pa nabubuwag ang sistema ng pagmamay-ari patuloy pa rin akong magpupumilit na magmamahal ng walang presyo at kapalit! Habang dinudurog ang sistema ng palitan at presyuhan."

Tas dagdag ko na rin ang link sa Pag-ibig 101 (PDI) ni Anca Paje.

Pag-iiba-iba sa Salitang Pag-ibig
ni Margaret Atwood, salin ni Acuña

Isa itong salitang ginagamit natin upang pasakan
ang mga butas. Sakto ang sukat nito sa marubdob
na mga pagkukulang sa pananalita, para sa kanilang pulang hugis-
pusong mga bakante sa pahinang hindi kawangis
ng tunay na mga kasingkasing. Dagdagan ng binurdahang tela
at maibebenta mo
ito. Isingit din natin ito sa isang hungkag
na siwang sa nakaimprentang sulating
walang anumang panuto. May buong
mga babasahing walang gaanong laman
kundi ang salitang pag-ibig, maari mo
itong ipanghilod sa kabuuan ng iyong katawan at maari
mo rin itong lutuin. Paano namin malalamang
hindi ito ang nangyayari sa mga malalamig
na pagpapasasa ng mga linta sa ilalim ng mamasamasang
mga piraso ng karton? Maging ang mga binhi
ng damong pinangsusundot ang kanilang mga nguso
sa mga letsugas, ay ito ang hinihinyaw.
Pag-ibig! Pag-ibig! halinghing ng mga sundalo, tinataas
ang kumukutitap nilang mga kutsilyo sa pag-saludo.

At naririyan tayong
dalawa. Ang salitang ito
ay masyadong maikli para sa atin, mayroon lamang itong
pitong titik, masyadong malaki ang mga pagitan
upang punuan yaong malalim at hayag
na mga kahungkagan sa gitna ng mga bituing
sa atin ipinapasan ang kanilang mga taingang kawali.
Hindi pag-ibig ang hindi natin nais
kabagsakan, ngunit ang pangambang iyon.
Hindi sapat ang salitang ito, ngunit mainam
na ring katumbas. Tatlo ang mga
patinig nito dito sa tila bakal
na katahimikan, isang bibig na nagsasabing
O muli at muli sa hiwaga
at hapdi, isang hininga, isang daliring
nakasabit sa bingit. Maari kang
kumapit o bumitiw.


Yak tong post na to. Sarap sukahan.

Tuesday, January 10, 2012

Sa Putang Numakaw sa Mga Tula ko (Charles Bukowski)

Burador, as usual. Same sentiments. Dapat may someting na ko maya. Nga pala, di ko sure kung tama ang line cuts. Yung source text kasi e ewan kung kinulang sa espasyo o ganun talaga ang formatting kaya since adaptasyon naman madalas, at madalas ko naman nang nababastos ang mga makatang sinasalin at inaangkin ko at ninanakawan (at isasalin at aangkinin at nanakawan), dumepende na ako sa instinct sa isang ito. Matsala sa pagbisita. At, ngayon ko lang naisip, para pala ito sa isang tao. Tsaka sa kin. K. Hayun. Ayus.

Sa Putang Numakaw sa Mga Tula ko
ni Charles Bukowski salin ni Tilde Acuña

Sabi nila, dapat nating ilayo ang pansariling panghihinayang mula sa tula,
manatiling matalinghaga, at may ilang dahilan dito,
pero susmaryosep,
labindalawang tulang nilimas at hindi ako nagtatabi ng kopya at nasa iyo
pati ang aking mga pininta, mga obra maestra; nakakapanlumo:
pinagtatangkaan mo ba akong durugin tulad nilang lahat?
bakit hindi kwarta ko ang kinupit mo? madalas nila iyang kinukuha
mula sa lasing na natutulog sa mga suluk-sulok.
sa susunod kunin mo ang kaliwa kong braso o isang siento
pero huwag ang aking mga tula:
hindi ako si Balagtas
pero minsan basta na lang
biglang nauubusan, matalinghaga man o hindi;
parating may pera at mga puta at mga lasing
hanggang sa huling lintik,
pero winika nga ng Diyos,
dumedekwatro pa yan,
nakikita ko kung saan ako lumikha ng sangkatutak na makata
ngunit hindi gaanong marami
ang mga tula.

Saturday, January 7, 2012

Kung Dapat Tayong Mamatay (Claude McKay)

Burador, as usual. Sa wakas, medyo disente, ata, na adaptasyon. Ang pangunahing naging problema ko rito e kung 'tayo' o 'kami' ang gagamitin. Tsaka yung "Like men" at "cowardly," binalak kong isaling "lalaking tunay" at "babakla-bakla." Kidding lang. Nirepaso ko na rin ito nang kaunti. Hayun. Muli, mga bathala, gusto ko na pong makasulat, pero, sa ngayon, ito muna.

Kung Dapat Tayong Mamatay
ni Claude McKay [text], salin ni Acuña

Kung dapat tayong mamatay, huwag hayaang maging parang baboy
Tinutugis at kinukulong sa karumaldumal na kural,
Habang kumakahol sa atin ang mga asong ulol at hayok,
Sinasagawa ang kanilang panlilibak sa ating sinumpang uri.
Kung dapat tayong mamatay, O hayaan nila tayong mamatay nang marangal,
Upang ang dugo nating pinakaiingata'y hindi tumigis
Nang walang katuturan; maging ang mga nilalansag nating halimaw
Ay maoobligang magpugay sa atin, bagamat mga bangkay!
O mga kapatid! salubungin natin ang panlahatang katunggali!
Kahit lubos na kapos sa bilang, tayo nang ipakita ang tapang,
at tapatan ang sanlibo nilang dagok ng isang pangwakas na bigwas!
Ano naman kung nakaabang sa atin ang nakabukang hukay?
Buong-giting nating harapin ang malulupit na kamadang bahag ang buntot,
Kahit pilit sinasandal sa dingding, nalalagutan ng hininga, patuloy pa ring papalag!

Ang Paghikbi ng mga Kampana (Walt Whitman)

Burador, as always. At, mas maikli. Hay. At, nabastos ang line-cuts. Sorry. At, nga pala, may tinimpi na naman akong essay. Ewan ko ba, tulad nga ng nabasa ko sa isang status message, di ko alam kung mas maingat ako ngayon o mas tamad sa pagsusulat. Sana yung former. At, sana makapagsulat na ulit ng sariling akda. Sa ngayon, ito muna.

Ang Paghikbi ng mga Kampana
ni Walt Whitman [text], salin ni Acuña

Ang paghikbi ng mga kampana, ang mga balita ng kamatayan kahit saan,
Ang pag-antig ng mga nakahimlay, ang pakikipagkapwa ng Sambayanan,
(Lubos nilang nalalamanan ang mensahe sa dilim,
Lubos silang babalik, tutugon sa kaibuturan ng kanilang dibdib,
kanilang isip, ang hapis na
alingawnaw,)
Ang marubdob na kalembang at kalansing--sa kada siyudad, dumurugtong,
tumutunog, bumabagtas,
Yaong mga pintig ng puso ng isang Bansa sa gabi.

Friday, January 6, 2012

Scratches and Sketches: It's More Crabs in the Philippines? O R'lyeh?

I've been translating, since I feel like I cannot write anything decent recently, but that's really beside the point. Before anything else, let me just say that I am writing this, and the commentaries to come, out of the need to speak my mind regarding a lot of art-related issues--as I have been having sentiments that I'd rather not air because of a motherfucker named self-censorship. Take whatever assertions herein as inquiries. This particular column shall be commentaries on sociopolitical issues. "Scratches & Sketches" was first used in my column at the Makiling Views community newspaper, a class requirement, way back 2008 [?].

I would rather not comment on the plagiarism, originality, It's more fun in Switzerland, commotion, whether it is a tagline, a headline, a slogan, or whatever is not something that bothers me, and I have no issue as regards the creativity, artfulness, and anything involving the aesthetics, the form, (though as a friend remarked, it is jeje, and I have nothing against jeje) but I think the genius behind the idea of "It's more fun in the Philippines" is something that deserves recognition. Why?

I think the choice of words prepared the campaign (yun nga ba tawag dun? di ako sure) for probable, perceived attacks. Whoever shall dare diss the campaign may outright be labeled as any of the following: killjoy (KJ!), pessimist, cynical, anti-Filipino, and, of course, talangka, or crab, as in crab mentality--the favorite catch phrase used by apologists against those who challenge the status quo by airing out sentiments (fave din nila yung, "puro naman kayo reklamo!").

Sadly, we have different persepectives. We think different thoughts, and we can't just support something because it is conceived by a kapwa Pilipino. Joining such a bandwagon of faux nationalism seems naive, if not misinformed. Maybe we should ask ourselves again, what or who is the Bayan? We love the chunks of islands, since they are ours, and they are beautiful and we shall be proud of it? Is that it? Territorial? Do you believe that we really our in control of our natural resources? And, what does it mean to be Makabayan, roughly translated as Nationalist? Does living in a delusion count? That we, the 99%, are doing fine and having fun? The problem of this culture of being carefree is double-edged. It may help us cope, but it may also develop indifference.

Now, you may opt to leave as you are discerning (lantaran na nga!) that this entry is nega or bad vibes (terms these days, awkward gamitin!), and if you do, go on and leave and live in your comfort zones where everything is fun and free from crabs, but try to consider and ponder how the sentiments are genuine. If you are still with me at this point, despite my being KJ, let me suggest that criticism against the campaign are neither baseless, pessimist, cynical whims nor the Filipino people loathing themselves for the sake of it. And, no, they are not being crabs because, I think, if we can agree and meet half-way at some point, it is the unity that we have that nationalism in us, and we do not fail at being proud and associating our selves with renowned Filipinos, claiming their victories as our own, since we are brothers and all that kinship, support etc etc.

So, no, criticism does not necessarily mean crab mentality, especially if the sentiments are shared by a number of people who has nothing to do, or has no relation at all, or has no personal grudges against the minds behind the campaign. Sentiments questioning the truth in the claim that "It's more fun in the Philippines" are valid, objective, realistic, and down-to-earth. Well, you ask yourselves, is it really more fun in the Philippines? Well, it is. The government puts premium to corporate interests at the expense of the living conditions of its people, cares a hell lot more about what the tourists think at the expense of what the people feel, and accepts the destiny of this country to be a cash cow at the expense of genuine service to its people, among many other punchlines that are so fun they hurt.

It is fine to laugh things away by making fun of the campaign and turning it into a meme, but it is sad if it shall end there. It is up to us to make the Philippines more fun for the rest of us who felt that the campaign is misleading. Being drunk with happiness is different from having fun while coping with the times and pushing for change. The former discourages thinking--reacting against any critical thought, pushing any suggestion away, reeking of boundless, mindless liberty, while the latter opens the room for discourse--attempting to find certain truths, welcoming alternatives, and struggling to unite.

Quontextag [i]: It's more fun in the Philippines

Yeah, a new, uhm, label. Can't articulate my mind, so, I'd keep some musings short by mentioning something that's "trending," and lifting, and juxtaposing , and linking stuff, in an attempt to share my thoughts by lifting a chunk of text out of its context and in another context. Daming shit! Anyway, got this [link] from Sir Omeng Rodriquez.

#ItsMoreFunInThePhilippines

fun (n.) "diversion, amusement," 1727, earlier "a cheat, trick" (c.1700), from verb fun (1680s) "to cheat, hoax," of uncertain origin, probably a variant of M.E. fonnen "befool" (c.1400; see fond). Stigmatized by Johnson as "a low cant word." Older sense is preserved in phrase to make fun of (1737) and funny money "counterfeit bills" (1938, though this may be more for the sake of the rhyme). See also funny. -from the Online Etymology Dictionary.

Indeed. So fun. And yes, those bells you're hearing are of faux nationalism!

*update - 01072012 - 0840 - I was drafting some sorta essay about this, and as I've expected, it ended up as draft, unpublished, shelved, since I don't think I can write that well and other people are more able to articulate what I am trying to convey. So, I "share" a status update from Prof. Gerry Lanuza, taken out of the SNS context and into this context.*

Freud suggested that the jokework involved in successful aggressive jokes distracts the listeners so that they’re not fully aware of the aggressive content at which they are laughing. Laughter is totalitarian when it says: I can get away with it because I’m only joking! Postmodernism has transformed this TOTALITARIAN laughter into CYNICAL LAUGHTER: the laughter of ‘those in the know’ who understand the web of capitalist conspiracies that we are caught within yet incapable of escaping from. This critical distance from the reality of oppression does not result in collective action. It results in more isolation, or individual liberation through new age spirituality, virtual reality gaming, or the occasional work-place transgression. The CYNIC’S inside knowledge of oppression makes him superior, thus making him enjoy his political inaction! Wag tayong cynic jokers! Instead, let’s laugh with the workers.

There. God, I promise, I tried filling this space up with the gist of how I see this, say, trending phenomenon, but I just can't find the words. I can't write, thus the translations.

Thursday, January 5, 2012

Tulad ng isang nakikinig sa ulan (Octavio Paz)

Burador, as usual. Muli, natetempt na ko magdasal, god. Pa-rant--badtrip tong "what we are and are" na sinalin bilang "kung ano tayo at ang ating pag-iral," iniisip ko tuloy, ano kayang salin ng "I think, therefore I am," ubra ba'ng "Nag-iisip ako, kaya ako umiiral"?

Tulad ng isang nakikinig sa ulan
ni Octavio Paz, salin ni Tilde Acuña

Pakinggan mo ako tulad ng isang nakikinig sa ulan,
hindi nakatuon ang pansin, hindi nalilito,
marahang mga hakbang, mahinhing ambon,
yaong tubig na hangin, yaong hangin na oras,
lilisan pa rin ang araw,
parating pa lamang ang gabi,
mga balangkas ng hamog
sa pagpihit ng sulok,
mga balangkas ng oras
sa hilis ng paghimpil na ito,
pakinggan mo ako tulad ng isang nakikinig sa ulan,
nang hindi nakikinig, dinggin mo ang sasabihin ko
nang may mulat na mga mata ng isip, nakaidlip
nang malay ang lahat ng limang pandama,
umuulan, marahang mga hakbang, ungol ng mga usal,
hangin at tubig, mga salitang walang bigat:
kung ano tayo at ang ating pag-iral,
ang mga araw at mga taon, ang sandaling ito,
panahong walang timbang, masidhing hinagpis,
pakinggan mo ako tulad ng isang nakikinig sa ulan,
kumikinang ang basang aspalto,
tumataas ang usok at lumalakad palayo,
nagpapamalas ang gabi at tumititig sa akin,
ikaw ay ikaw at ang katawan mo ng usok,
ikaw at ang wangis mo ng dilim,
ikaw at ang buhok mo, ang di-nagmamadaling kidlat,
tumatawid ka sa lansangan at lumalagos sa aking noo,
mga hakbang ng tubig na bumabagtas sa aking mga mata,
pakinggan mo ako tulad ng isang nakikinig sa ulan,
kumikinang ang basang aspalto, tumatawid ka sa lansangan,
ito ang hamog, naglalagalag sa gabi,
ito ang gabi, natutulog sa iyong banig,
ito ang atikabo ng alon sa iyong hininga,
pinahihinay ang noo ko ng mga daliri mong taglay ng tubig,
tinutupok ang mga mata ko ng mga daliri mong taglay ng apoy,
minumulat ang mga talukap ng panahon ng mga daliri mong taglay ng hangin,
isang tagsibol ng mga pangitain at mga muling pagkabuhay,
pakinggan mo ako tulad ng isang nakikinig sa ulan,
lumilipas ang mga taon, bumabalik ang mga saglit,
naririnig mo ba ang mga yabag sa kabilang silid?
hindi rito, hindi roon: naririnig mo sila
sa ibang panahon na yun pala ay ngayon,
pakinggan mo ang yabag ng panahon,
manlilikha ng mga pook na walang bigat, wala kahit saan,
pakinggan mo ang bagyong kumakaripas sa bangkal,
mas gabi ngayon ang gabi sa kagubatan,
humimlay na ang kidlat sa kama ng kayakas,
isang tigalgal na bakuran ang inaanod paloob,
sumasaklob ang anino mo sa pahinang ito.

Monday, January 2, 2012

Eksena sa kalye [ii]


Hapung-hapo pa rin ako matapos tumakbo, tumakbo, tumakbo nang malayo palayo, palayo sa naniningil na drayber na masugid pa sa desperadong manliligaw, nakakura at sinisingil ako ng utang na singkwenta pesos na hindi ko naman napakinabangan kahit singko sentimos dahil, ganito ang nangyari: ang dyipni ni manong na nasa New Dorm, kung saan ako dating nanirahan, kung saan kagagaling ko lang at nalamang silid-aralan na ang dating mga silid-tulugan, at doon ko nakita si Regine na kasama ko sa isang grupo ng mga komikero at si Regine na mabuting kaibigang nagbigay sa akin ng dagang stuffed toy noong freshman pa ako, umakyat akong New Dorm dahil napadpad akong muli sa Pamantasang kumupkop sa akin sa loob ng anim na taon, at gusto kong malaman kung ano nang nangyari, umakyat ako sa New Dorm ngunit ilang saglet lang, may klase na si Regine na nalito kung siya ba ang tinawag kong Regine o yung isang Regine, lumabas ako sa Dormitoryong naging pang-akademiko na palang gusali, naghintay sa may kubo kung asan may mga estudyanteng nagtanong kung ano ako, at sinabi kong dati akong taga-New Dorm at tinanong ko na rin kung mga kasalukuyang mga residente lang ba ang pwede roon kapag open house, sinabi nilang hindi, welcome daw ako doon, etc etc, ano daw trabaho ko, sinagot ko naman, tinanong nila kung kami ba ang gumagawa ng mga ganito, ganyan, sinagot ko sila, tinanong nila kung rocker ako, tinanong ko sila, ano ba paano ba masasabi pag rocker, hindi sila nakasagot, nagpalawig ako, hindi ko naiintindihan ang tanong pero music enthusiast ako, malawak ang saklaw ng soundtrip ko, yung playlist ko nga bago matapos ang 2012, handpicked na mga album na mula sa iba't ibang genre* kaya hindi ko alam kung rocker ba ako o mahilig lang sa musika sa lahat ng hugis at laki, wika ko, at biglang dumating ang maraming estudyante, tila may ritwal silang hindi ko alam, humarap ang isang bulto sa isa pang bulto, at may chant chant na hindi ko maintindihan, at dahil hindi ko maintindihan, lumabas na lang ako sa kubo, tsinek ang bag ko para sa kwaderno at lapis, wala doon, naiwan ko ata noong tumambay ako kanina sa opisina ng pahayagan ng mga estudyante, kaya inisip ko kung bababa ba ako o hihintayin na lang matapos ang klase ni Regine na hindi tiyak kung siya ba o yung isang Regine ang hinihintay ko, pero ang tiyak, pareho ko silang matagal nang hindi nakikita, nagpasya akong antayin na lang, dahil bulubundukin ang New Dorm, malayo sa sibilisasyon talaga, tumambay muna ako sa dyipni tas umandar yung dyipning akala ko e paparada lang tas bumulusok ito pababa, sigaw ko para, dumaan sa kung anu-anong building, sigaw ko para, dumaan sa kung anu-anong bahay, tas nakailang sigaw pa ako nang para hanggang tumigil matapos kung saan saan magsusuot na lusutan, tas pagbaba ko, sumabit ang bag ko, paakyat na sana ako pabalik sa New Dorm, kaso kailangan ko tumakbo at sabayan yung bilis ng dyipni dahil kung hindi, makakaladkad ako nito, pag binitiwan ko naman yung bag ko, mamumulubi ako at magiging kawawa sa mahabang panahon, kaya tumakbo ako, kaalinsabay ng dyipni, tumakbo ako at nagsisigaw hanggang tumigil ang dyipni, nagsisigaw rin ang tsuper, ansimple simple daw bumaba at magkandado hindi ko raw magawa, korap daw ako, na hindi ko maintindihan ang pinagmulan, baka akala niya, nananadya ako para makadilihensya ng pampaospital kasi uso yatang modus iyon, pero hindi naman ako gago para isakripisyo ang katawan para sa iilang baryang gagastusin sa sinakripisyong katawan, binaba ako nung drayber, korap daw ako magbayad daw akong singkwenta pesos, binulyawan ako nung drayber at walang tigil ako sa pagpapaliwanag na malay ko bang bababa na yung dyipni niya (na sa panahong ito, may sarili atang drayber kasi wala na, humarurot na, labo), tas magbayad daw ako kahit singkwenta pesos, tas sabi ko, aakyat akong New Dorm ulit dahil hindi naman talaga ako bababa, malay ko bang bababa na yung dyipni niya, higit limang beses na akong pumara, hindi ninyo narinig, tas magbayad daw ako kahit singkwenta pesos, sabi ng maputlang drayber na nakakura, magbayad daw ako, singkwenta pesos daw, ganito ang eksena hanggang sumuot ako sa mga lusutan, at siyang humahabol sa akin, kahit naglalakad lamang siya inaabutan niya ako, ganito ang eksena, hapung-hapo ako, walang paglagyan ng hingal, natatanaw ko na ang New Dorm kung nasaan si Regine hanggang, nakakainis, oo, nakakainis, magising ako mula sa isang masamang bangungot kung saan nabitbit ko ang hilakbot, ang hapo at ang hingal hanggang sa pagkamulat sa katotohanang pinapasok maging ang panaginip ng krisis sa langis at badtrip sa road rage.

***

[screencap mula sa "Man Overboard" music vid ng Puscifer]

*Ibabahagi ko na rin ang soundtrip kong masarap kagabi, ha, baka gawin ko nang soundtrack ito ng buong 2012 sa maraming pagkakataon - Conditions of My Parole Puscifer - Opus Eponymus Ghost - Unearthing Alan Moore - Animals as Leaders Animals as Leaders - 7th Symphony Apocalyptica - Heligoland Massive Attack - Early Plague Years Thinking Plague - Heritage Opeth - Catch 33 Meshuggah - Disco Volante Mr. Bungle - Amputechture The Mars Volta - Machine Dreams Little Dragon - Album of the Year Faith No More - Let England Shake PJ Harvey - Trout Mask Replica Captain Beefheart - Sorry, hindi ko mahanap ang mga lokal musik shit na luma, malamang, wala na akong balita sa bago, sa top ng aking head, The Late Isabel, Brain Salad, Fuseboxx, Skychurch, Kadangyan, Pinikpikan, Kapatid, Greyhoundz, Queso, The Wuds. At, sumakto ata sa "Last Living Rose" ni PJ Harvey ang pagpatak ng alas doseng hatinggabi ng 2012. Hayun. Ayus.

Sunday, January 1, 2012

Litanya ng Matandang Ulupong

Sa inisyal, naisip kong gumawa ng the usual Bagong Taon post, reminiscing 2011. Pero, naisip ko, huwag na lang. Proprosepoetry attempt na lang ako, in Filipino. O prose na lang pero fiction, sakaling matatayang kulang ito sa pagiging poetic. Basta ayoko ng nonfiction. May inayos naman na akong lihim na blog para sa mga ganoon. Tas nanonfiction ako pero kaunti lang, yung nairehistro ko na rin sa facebook, and, I quote

"in sum, ang gusto ko lang naman irehistrong mga leksyon at realizationg pansarili ay ang tatlong ito: 1.) 2011 is the best teacher, kasi gago at kupal, to the point na gusto mo na lang siyang krowbarin at lumpuhin at ito, naghihingalo na ampota. 2.) madalas, wala kang maaasahan sa mga inaasahan mo at ang kind words e hindi magmumula sa mga inaakala mong pagmumulan nito; at 3.) hindi lang paghingi ng tawad at pagpapaabot ng pasasalamat ang kailangan kong matutunan--pati yung pageexpress nito, gaano man ka-dramashit. eto, papraktisin ko na: salamat sa kanilang mga naging katuwang at patawad sa kanilang mga napakyu ko noong 2011. no thanks and no apologies to you, IPBK. New Year's Revolution ko ay pagpapaigting sa pakikiisa sa pagpapabagsak sa inyo, guise. ♥ "

Apir. Prompt itong susunod. Burador as usual. Game.

Natatanaw ko pa sa kabilang dako ang nakaraang panahon. Ilang kaliskis ko ang nalagas sa pagtatangka kong lingkisin ang mga asno at tupang kailangan sagpangin upang maging sakrispisyo, sa ayaw man nila o gusto. Nasa rurok ng Zion ang mga tupa, may guya sa kaliwa yaong dating mga kambing, may asno sa kanan yaong dating mga kalabaw, kung hindi kabayo. Ang mga nanatiling hindi nagtataksil ay nanatili sa aking bisig at naging mga baphomet at mga tikbalang, mga hayop na nagkaroon

ng wangis, ng talino, ng puso ng tao ngunit nananatili ang bahid ng bangis ng mga isinumpang mga hayop upang maipagtanggaol ang sarili. Natatanaw ko pa sa kabilang dako ang nakaraang trono ng kapangyarihan kung saan nakadekwatro ang mga halimaw na nakabihis tupa, kaya nagmimistulang tupa. Suot nila ang kanilang mga nalinlang, ang mga naakit ng luntian nilang mga damuhan, ang mga nalansi ng pangako ng mga panaginip ng kaunlaran, ang mga tupang walang muwang na hinabi upang maging barong ng mga asong ulul at mga musang at mga papel na tigreng

unang tutupukin ng isusuka nating apoy, ang apoy na marapat humalik muna sa mga tupang mangmang, ang apoy na walang ibang magagawa kundi idamay ang nagtatanggol sa mga asong ulul, sa mga musang at sa mga tigreng papel, mga hayop na wala namang sapat na lakas ngunit tuso at gagawin ang lahat para mapanatili ang kanilang mga sariling lasing at bangag sa kapangyarihan. Naglalaho na ang kabilang dako at nalulunod sa usok at hamog at labi ng mga tingga, ng mga punglo, ng mga paputok kaya nilingon ko ang kabila ng kabilang dako at natanaw

ang iba't ibang hinaharap kung saan iba't ibang mukha ang may kani-kaniyang ginagampanang papel, iba't ibang tigreng papel ang dumarami ang lahi, ang nagiging bato, ang nagiging bakal, ang nagiging kambing, ang nagiging tikbalang, ang nagiging kapwa ulupong, ang nagiging kaliskis ng mga nabanggit na halimaw, ang nagiging mga tumor sa kung saan-saang bahagi ng nasabing mga hayop, ang nagiging diablo para sa iba't ibang paksyong nakadepende sa kani-kaniyang lente, ito ang nagbabadyang pagkagunaw upang ipanganak ang panibagong daigdig na siya rin nating gugunawin, walang katiyakan

maliban sa pagiging ganap ng walang hanggang hiyaw ng mga tagumpay at hikbi ng mga pagkawasak, paghalakhak sa bangkay ng mga kaaway at pagtangis sa mga sumakabilang mahal sa buhay, at lalo itong tiyak sa limitado nating sandali, ang oras kung kailan tayo pinakamabangis at pinakamalakas at pinakamarangal at pinakamakapangyarihan. Tayo na, mga matatandang ulupong! Humayo, magpakarami,

wasakin ang lahat, pandayin ang bawat pulgada ng panahon at espasyo tangan ang ating mga kukong lasing sa dugo, ang angil ng mga pangil nating uhaw sa kaluluwa at ang ating mga isusukang apoy na hayok sa paghahasik ng abo at kamatayan, pandayin ang lahat hanggang maging sandata ang mga ito upang gamitin laban sa atin, hanggang sa pagwawakas ng ating paghahari, hanggang sa pagbibigay-daan sa mga panibagong mamumunong babangon mula sa ating mga bangkay.

Let the drama shit commence: Salamat sa pagbisita. At, isa sa new year's resolution ko e huwag nang magpost sa social networking sites. Uunti-untiin ko ito. Ngayon, sa twitter na lang ako magsheshare since kakaunti ang tao doon. Dahil pakiramdam ko talaga e nagdaragdag lang akong clutter sa feed. Dumaan na lang dito sa carcosite yung mga interesado. Tas, yun nga, sana masolusyonan ng lihim na blog ang tangkang gawing as professional as possible itong munting pa-official kong espasyo sa pook-sapot!

Apir! Umabot sa 9k ang hits bago ang apokaliptik year, tengks, Camila, ha! Mag-iisang taon na pala ang carcosite sa Pebrero! Oo, isang taon, yung 2010 posts e imported from old blog. Manigong bagong taon!

PS! Ewan ko, mas gusto ko ang tunog ng "matandang ulupong" kaysa "dragon." Para kasing "lost cause" o "dead ideology" ang dating. PPS pa pala! Salamat sa mga nagpaabot ng appreciation o pagtangkilik sa mga shit ko, naappreciate ko kayo, salamat! Kahit mabibilang kayo sa daliri! At, sa totoo lang, hindi ko inasahan ang mga pagkausap at pagpapaabot ninyo!

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]