Thursday, January 12, 2012
Eksena sa kalye [iii]
Himalang maluwag ang mga sasakyan, nakasakay ako kaagad sa unang sasakyan, nakasakay rin agad sa sunod na sasakyan, nakababa sa babaan at hinintay ang hihintayin, at tulad nang nakasanayan, bumuklat ng bitbit na aklat, pero nagdalawang-isip sa pagkakataong ito, kaya lumibot-libot muna sa lugar hanggang may makitang tiangge-tiangge at sumipat-sipat sa mga pamagat, at nahihilo na ako sa mga pangalan ng mga libro at ng mga manunulat at inisip na masyado pa akong maraming librong biniling hindi pa rin nababasa, at nililimitahan ko ang sarili sa pagbili ng nobela, kung may kuleksyon ng maiikling kwento, o di kaya'y mga sanaysay, o di kaya'y mga tula ng tinatangkilik na mga kwentista, kritiko o makata, baka may tsansa pang umiskor, kaso, sa isang thrift shop, hindi na ako gaanong umaasa dahil mahirap yang umaasa, o, tinamad na lang talaga akong maghanap, tinamad din ako magbasa, kaya lumibot ako ulit, sumipat hanggang may maispatang ukay-ukay at dito ko natagpuan ang hinahanap, ang kaunaunahan kong ginastusan ngayong taon ng pagkawasak, at ang pinakahuling binili kong natatandaan kong binili ko nang walang gaanong pag-aalinlangan, walang pagsisisi, walang panghihinayang kahit na ngayong ilang oras na ang lumipas matapos ko itong bilhin, walang kahit anong pakiramdam na nalugi o naisahan dahil isang pares ng botang katad na sakto ang sukat ang nabili ko, yung tipong hindi mukang pormal, yung tipong panggasgasan, kaya ayus, dahil hindi ko na kailangang alalahanin ang sasabihin ng iba kapag sinuot ko ito, dahil hindi ako kumportableng magsuot ng mukhang bago, lalo at kadalasan, binabati itong, uy, bago, ha, at mga iba pang kahawig na ekspresyong ang sinasabi lang naman ay pabiro at mapagkapwang, uy, ayus ha, asenso ha, kumbaga, bumili ako ng komportableng botang komportable ko nang maisusuot kinabukasan o kung kailanman mapagpasyahang suotin, matapos bayaran ang ale, oo naman, nagbayad ako, umalis na ako at tumambay sa isang tabi upang magbasa ng mga kalutangan ng isang italyanong kwentistang isinalin sa ingles, at habang nagbabasa, nagmumuni kung ano ang hinithit ng italyanong ito at ano ang hinithit nung nagsalin at parang gusto ko rin atang testingin kung ano man iyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment