Sunday, January 1, 2012

Litanya ng Matandang Ulupong

Sa inisyal, naisip kong gumawa ng the usual Bagong Taon post, reminiscing 2011. Pero, naisip ko, huwag na lang. Proprosepoetry attempt na lang ako, in Filipino. O prose na lang pero fiction, sakaling matatayang kulang ito sa pagiging poetic. Basta ayoko ng nonfiction. May inayos naman na akong lihim na blog para sa mga ganoon. Tas nanonfiction ako pero kaunti lang, yung nairehistro ko na rin sa facebook, and, I quote

"in sum, ang gusto ko lang naman irehistrong mga leksyon at realizationg pansarili ay ang tatlong ito: 1.) 2011 is the best teacher, kasi gago at kupal, to the point na gusto mo na lang siyang krowbarin at lumpuhin at ito, naghihingalo na ampota. 2.) madalas, wala kang maaasahan sa mga inaasahan mo at ang kind words e hindi magmumula sa mga inaakala mong pagmumulan nito; at 3.) hindi lang paghingi ng tawad at pagpapaabot ng pasasalamat ang kailangan kong matutunan--pati yung pageexpress nito, gaano man ka-dramashit. eto, papraktisin ko na: salamat sa kanilang mga naging katuwang at patawad sa kanilang mga napakyu ko noong 2011. no thanks and no apologies to you, IPBK. New Year's Revolution ko ay pagpapaigting sa pakikiisa sa pagpapabagsak sa inyo, guise. ♥ "

Apir. Prompt itong susunod. Burador as usual. Game.

Natatanaw ko pa sa kabilang dako ang nakaraang panahon. Ilang kaliskis ko ang nalagas sa pagtatangka kong lingkisin ang mga asno at tupang kailangan sagpangin upang maging sakrispisyo, sa ayaw man nila o gusto. Nasa rurok ng Zion ang mga tupa, may guya sa kaliwa yaong dating mga kambing, may asno sa kanan yaong dating mga kalabaw, kung hindi kabayo. Ang mga nanatiling hindi nagtataksil ay nanatili sa aking bisig at naging mga baphomet at mga tikbalang, mga hayop na nagkaroon

ng wangis, ng talino, ng puso ng tao ngunit nananatili ang bahid ng bangis ng mga isinumpang mga hayop upang maipagtanggaol ang sarili. Natatanaw ko pa sa kabilang dako ang nakaraang trono ng kapangyarihan kung saan nakadekwatro ang mga halimaw na nakabihis tupa, kaya nagmimistulang tupa. Suot nila ang kanilang mga nalinlang, ang mga naakit ng luntian nilang mga damuhan, ang mga nalansi ng pangako ng mga panaginip ng kaunlaran, ang mga tupang walang muwang na hinabi upang maging barong ng mga asong ulul at mga musang at mga papel na tigreng

unang tutupukin ng isusuka nating apoy, ang apoy na marapat humalik muna sa mga tupang mangmang, ang apoy na walang ibang magagawa kundi idamay ang nagtatanggol sa mga asong ulul, sa mga musang at sa mga tigreng papel, mga hayop na wala namang sapat na lakas ngunit tuso at gagawin ang lahat para mapanatili ang kanilang mga sariling lasing at bangag sa kapangyarihan. Naglalaho na ang kabilang dako at nalulunod sa usok at hamog at labi ng mga tingga, ng mga punglo, ng mga paputok kaya nilingon ko ang kabila ng kabilang dako at natanaw

ang iba't ibang hinaharap kung saan iba't ibang mukha ang may kani-kaniyang ginagampanang papel, iba't ibang tigreng papel ang dumarami ang lahi, ang nagiging bato, ang nagiging bakal, ang nagiging kambing, ang nagiging tikbalang, ang nagiging kapwa ulupong, ang nagiging kaliskis ng mga nabanggit na halimaw, ang nagiging mga tumor sa kung saan-saang bahagi ng nasabing mga hayop, ang nagiging diablo para sa iba't ibang paksyong nakadepende sa kani-kaniyang lente, ito ang nagbabadyang pagkagunaw upang ipanganak ang panibagong daigdig na siya rin nating gugunawin, walang katiyakan

maliban sa pagiging ganap ng walang hanggang hiyaw ng mga tagumpay at hikbi ng mga pagkawasak, paghalakhak sa bangkay ng mga kaaway at pagtangis sa mga sumakabilang mahal sa buhay, at lalo itong tiyak sa limitado nating sandali, ang oras kung kailan tayo pinakamabangis at pinakamalakas at pinakamarangal at pinakamakapangyarihan. Tayo na, mga matatandang ulupong! Humayo, magpakarami,

wasakin ang lahat, pandayin ang bawat pulgada ng panahon at espasyo tangan ang ating mga kukong lasing sa dugo, ang angil ng mga pangil nating uhaw sa kaluluwa at ang ating mga isusukang apoy na hayok sa paghahasik ng abo at kamatayan, pandayin ang lahat hanggang maging sandata ang mga ito upang gamitin laban sa atin, hanggang sa pagwawakas ng ating paghahari, hanggang sa pagbibigay-daan sa mga panibagong mamumunong babangon mula sa ating mga bangkay.

Let the drama shit commence: Salamat sa pagbisita. At, isa sa new year's resolution ko e huwag nang magpost sa social networking sites. Uunti-untiin ko ito. Ngayon, sa twitter na lang ako magsheshare since kakaunti ang tao doon. Dahil pakiramdam ko talaga e nagdaragdag lang akong clutter sa feed. Dumaan na lang dito sa carcosite yung mga interesado. Tas, yun nga, sana masolusyonan ng lihim na blog ang tangkang gawing as professional as possible itong munting pa-official kong espasyo sa pook-sapot!

Apir! Umabot sa 9k ang hits bago ang apokaliptik year, tengks, Camila, ha! Mag-iisang taon na pala ang carcosite sa Pebrero! Oo, isang taon, yung 2010 posts e imported from old blog. Manigong bagong taon!

PS! Ewan ko, mas gusto ko ang tunog ng "matandang ulupong" kaysa "dragon." Para kasing "lost cause" o "dead ideology" ang dating. PPS pa pala! Salamat sa mga nagpaabot ng appreciation o pagtangkilik sa mga shit ko, naappreciate ko kayo, salamat! Kahit mabibilang kayo sa daliri! At, sa totoo lang, hindi ko inasahan ang mga pagkausap at pagpapaabot ninyo!

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]