Thursday, July 5, 2012

Kagitingan + Ang Tagumpay (Anna Akhmatova)

parang medyo awkward yung salin sa ingles, pero yan, malayang halaw lang. hebigat na araw this.

Kagitingan
hinalaw ni Tilde Acuña 
sa (medyo wasak na salin) ni Yevgeny Bonver
ng tula ni Anna Akhmatova

Alam natin kung ano ang ngayo'y nasa Timbangan.
Kung ano, sa sanlibutan, ang nangyayari ngayon.
Pinagtitibay ng mga kamay ng orasan ang panahon ng kagitingan.
Hindi kukunot ang noo ng kagitingan namin.
Walang takot na mamatay sa pangungubkob ng mga punglo.
Walang takot na mawalan dito ng tahanan,
At pangangalagaan namin kayo, O dakilang talumpati ng bayan,
O dakilang kataga ng bayan, na aming pinapasan.
Dadalahin namin kayo, maaliwalas at malaya, tulad ng isang daluyong,
Ibibigay kayo sa aming mga tagapagmana, at ililigtas sa pagkaalipin.
Sa lahat ng panahon!



Ang Tagumpay
hinalaw ni Tilde Acuña 
sa (medyo wasak na salin) ni Yevgeny Bonver
ng tula ni Anna Akhmatova

Doon sa may pantalan, sinindihan ang unang hudyat:
Ang unang larangan sa mga hanay ng mga hukbong-dagat;
Umiyak ang marino at tinanggal ang kanyang gora
Pumalaot siyang katabi ang kamatayan at sa unahan
Ang karagatang napupuno ng delubyong malulupit.

Sa aming mga pintuan nananatili ang Dakilang Tagumpay,
Ngunit paano sasapit ang kanyang kaluwalhatian?
Hayaan ang mga inang kargahin ang mga anak nila. Silang pinagpala
Ng buhay sa kabila ng libu-libong mga kamatayan,
Silang mga pinakatatanging pananagutan.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]