Thursday, July 12, 2012

Pananahimik (Neruda)

burador. may sablay, salamat sa enjambment. anyway, 
dahil 12.12.12 ngayon, magbilang na tayo.

Pananahimik
malayang salin ni Tilde Acuña ng salin ni 
Stephen Mitchell ng tula ni Pablo Neruda mula 
sa kuleksyong "Full Woman, Fleshly Apple, Hot Moon"

Magbibilang tayo ngayon hanggang labindalawa
at mananatili tayo sa kinalalagyan natin.

Sa tanging pagkakataong ito sa lupa,
huwag tayong magsalita sa anumang wika,
huminto tayo nang isang segundo,
at huwag gaanong igalaw ang mga bisig natin.

Magiging kasiya-siya itong sandali,
walang pagmamadali, walang paglalakbay,
magiging magkakasama tayong lahat
sa isang iglap ng pagkakatigalgal.

Walang gagawing pinsala sa mga butanding
ang mga mangingisdang nasa malupit na dagat
at titignan ng mga magbubukid na umaani
ng asin ang sugatan nilang mga kamay.

Magsusuot ng malinis na mga damit
ang mga naghahanda para sa mga gerang hilaw,
mga gera ng langis, mga gera ng apoy,
mga tagumpay na walang nakaliligtas
at maglalakad silang kasama ang mga kapatid
sa lilim, nang walang anumang gagawin.

Hindi dapat maipagkamali ang aking ninanais
sa pangwakas na pagkabinbin:
buhay lamang ang may katuturan,
ayokong magkaroon ng kinalaman sa kamatayan.

Kung hindi nagkakaisa ang ating pasyang
panatilihin ang mga buhay natin sa puspusang pag-inog,

kung wala tayong gagawin kahit minsan,
marahil magagambala itong dalamhati
ng mahabang katahimikan,
itong kawalan ng pag-unawa sa ating mga sarili
at pagbabanta sa ating sarili ng pagkamatay,
marahil nangangaral ang daigdig
kung kailan tila namatay na ang lahat
at nabubuhay kung gayon ang lahat.

Magbibilang ako ngayon hanggang labindalawa
at mananahimik ka at uuna na ako

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]