Thursday, July 19, 2012

Pasado Ala Una (Mayakovsky)

dahil kaarawan ng nagsabi ng, parang, ang sining ay hindi salaming nagpapakita kung ano ang lipunan kundi masong magpapanday at huhubog dito (isang quote na madalas naaattribute kay brecht, pero ang alam ko e kay mayakovsky nga ito), isang salin. may nauna na akong [dalawang salin] ng mga tula niya. kahapon, nagsalin ako ng ilang sipi dahil kaarawan ni [hunter s. thompson].

Pasado Ala Una
salin ni Tilde Acuña ng tula ni Vladimir Mayakovsky


Pasado ala una. Naroon ka na siguro sa iyong higaan.
Nagpapadaloy ng pilak ang Ariwanas sa gabi.
Hindi ako nagmamadali, kasama ang mga telegramang kidlat
Wala akong dahilan upang ika'y gisingin o abalahin.
At, sabi nga nila, nakapinid na ang insidente.
Winasak na ng binta ng pag-ibig ang pang-araw-araw na gawi.
Ngayon ikaw at ako'y tabla. Bakit mamumrublema
Sa pagtutumbas sa pinaghahatiang pighati, hinanakit at pinsala.
Masdan kung anong katahimikan ang nagpapalubag sa mundo.
Binabalot ng gabi ang langit ng pagpupugay mula sa mga tala.
Sa mga ganitong oras, may bumabangon upang kausapin
Ang mga kapanahunan, kasaysayan at ang lahat ng nilikha.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]