dahil kaarawan ngayon ng pauso ng gonzo journalism, kahit hindi gaanong maayos ang pakiramdam ko, ano ba naman ang ilang saglit ng pagsasalin? bagamat hindi ko tiyak kung paano niya ito pinagdiriwang, maligayang kaarawan na rin kay hunter s. thompson. hindi mapantayan ng sinumang peryodista sa panahong ito ang bakal niyang yagbols at ang pamamakyu niya sa lipunan. sa future, umaasa ako, may katapat na siya. sana. nga pala, nakuha ang kung anu-anong ito sa kung saan-saan. wala na akong pake kung hahanapin mo pa ito, pero imumungkahi kong halawan na lamang ng aral. pagkatapos ng cut, may mga salitang hindi angkop sa batang mambabasa, bagamat may nagamit na rin pala akong.. anyway, eto na:
"Maraming pamamaraan sa pagsasapraktika ng sining ng peryodismo, at isa sa mga ito ang paggamit ng sining mo na parang masong pambasag sa tamang mga tao — malamang sa hindi, mga kaaway mo sila, sa anumang dahilan, at, malamang sa hindi, dapat silang lumpuhin dahil mali sila. Delikado ang ganitong pakiwari, at iilang propesyunal na peryodista lamang ang magtataguyod nito — tinatawag itong "mapaghiganti" at "di-sibilisado" at "tampalasan" kahit pa baka ganito rin naman ang gawin nila kung may pagkakataon. "Opinyon ang tawag sa ganyan," sasabihin nila, "at dinaraya mo ang mambabasa kung hindi iyan tatawaging opinyon." Siguro, ganoon nga. Siguro dinaya ni Tom Paine ang mga mambabasa niya at tiwaling manloloko siguro si Mark Twain na walang modo at ang lahat na gumamit ng peryodismo sa marumi nilang pakay. At siguro dapat ikinalaboso si HL Mencken sa pagbabalatkayo niya ng opinyon bilang normal at "obhetibong" peryodismo sa mga utu-utong mambabasa. Naiintindihan ni Mencken na ang pulitika — sa pagkakagamit nito sa peryodismo — ay ang sining ng pagkontrol sa kapaligiran, at wala siyang pasintabi para rito. Sa kaso ko, gamit ang magalang nating tawaging "peryodismo ng adbokasiya," ginagamit ko ang pag-uulat bilang sandatang maaring makaapekto sa pulitikal na mga sitwasyong lumulusob sa kapaligiran ko."
"Tinuturing ko ang pagsusulat bilang pinaka-nakamumuhing gawain. Tinataya kong katulad ito ng pagkant*t — na katuwaan lamang sa mga baguhan. Hind na gaanong bumubungisngis ang matatandang p*ta. Wala nang nakakatuwa kapag kailangan mo itong gawin — nang ilang beses, nang paulit-ulit..."
"Naiintindihan kong kaibigan ko ang pangamba, ngunit hindi palagi. Huwag mong tatalikuran ang pangamba. Lagi dapat itong nasa harap mo, na tila isang bagay na dapat paslangin."
"Nagmumula ang lahat ng pampulitikang kapangyarihan sa mga kaha ng baril, pekp*k, o pipa ng opyo, at mukhang gusto ng mga tao manatiling ganoon."
"Sa saradong lipunan kung saan kasangkot ang lahat, ang mabisto lamang ang tanging krimen. Sa mundo ng mga kawatan, ang katangahan ang huling kasalanan."
Wednesday, July 18, 2012
shorts [ix]: hunter s. thompson sa peryodismo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment