walang katuturan ang araw na ito maliban sa isa na namang pamamaalam ng isang lingkod ng bayan. pakikiramay sa mga naulila, kamag-anak man o hindi ni Maita Gomez [balita]. at, e ano kung friday the 13? so, ano na? kumpara sa karanasang tanging sa atin lamang, ang mga bilang naman at mga petsa, kadalasan, kung hindi natin bibigyang-kahulugan, wala namang
Katuturan
malayang salin ni Tilde Acuña
ng tula ni Czeslaw Milosz
Kapag pumanaw ako, makikita ko ang banghay ng daigdig.
Ang kabilang panig, sa ibayong lugar, bundok, takipsilim.
Handa nang maunawaan ang tunay na kahulugan.
Mabibilang ang hindi kailanman mabibilang,
Maiintindihan ang hindi maintindihan.
At kung walang banghay sa daigdig?
Kung hindi pahiwatig ang pipit sa sanga,
Kundi pipit lamang sa sanga? Kung ang araw at gabi'y
Walang katwiran sa pagbuntot sa isa't isa?
At sa mundong ito walang anuman maliban sa mundong ito?
Kahit pa magkagayon, may mananatiling
Isang salitang ginising ng mga labing sinawimpalad,
Isang tagahatid-sulat na walang pagod nang kakatakbo
Sa mga larangang sumasaklaw sa mga bituing umiinog
At bumubulalas, tumututol, humihiyaw.
Friday, July 13, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment