sa panahong naghihingalo dahil di makapagsulat, magsalin.
Paghihingalo
malayang salin ni Tilde Acuna
ng salin ni Geoffrey Brock
ng tula ni Cesare Pavese
Maglalagalag ako sa mga lansangang ito hanggang mamatay ako sa pagod,
matututo ako kung paano mabuhay mag-isa, kung paano salubungin ang mga mata
ng bawat dumaraang mukha at manatiling ang babaeng walang pinagbago.
Ang tumitinding lamig na umaabot sa aking mga ugat
ay mas tunay pang pagkamulat sa anumang aking naramdaman
sa umaga: ang kaso lamang, nararamdaman kong mas malakas pa ako kaysa
sa aking katawan, at mas malamig kaysa dati ang bingit ng umaga.
Naglaho na ang mga umaga noong ako'y beinte anyos.
Kinabukasan, beinte uno: kinabukasan, maglalakad ako sa lansangan;
tatandaan ko ang bawat bato, ang bawat malapad na tipak ng himpapawid.
Makikipagkita ulit sa akin ang mga tao ng kinabukasan,
at mas magiging mataas ang ang tingin ko at maari pa nga akong huminto
upang sulyapan ang aking sarili sa mga bintana. Sa ibang mga umaga,
musmos ako nang hindi ko nalalaman, ni hindi malay
na ako ang napadaan, na ako ay babae,
ang angkin kong babae. Ang batang payat na ako'y
gumising mula sa ngalngal na tumagal nang maraming taon:
ngayon parang hindi kailanman nangyari ang pagngalngal na iyon.
At kulay ang tanging nais ko ngayon. Hindi umiiyak ang mga kulay,
tulad sila ng pag-gising: kinabukasan magbabalik
ang mga kulay. Maglalakad sa lansangan ang bawat babae,
iba ang kulay ng bawat katawan—kahit ng mga bata.
At muling makukuha ng katawan ko—na sinasaplutan ng nakalululang pula
matapos ang sobrang kaputlaan—ang buhay nito.
Mararamdaman ko ang mga titig ng ibang sumasalimbay sa paligid ko,
at malalaman kong ako ay ako. At sa pagsulyap ko sa paligid,
makikita ko ang sarili ko sa mga tao. Sa bawat bagong umaga
maglalakad ako sa lansangan, naghahanap ng mga kulay.
Saturday, July 28, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment