noong biyernes, sa parangal slash lunsad-aklat slash exhibit slash birthday bash ni [jun cruz reyes], nakaiskor ako ng Ka Amado at nagpa-autograph na rin at kumain na rin at kinuha na rin ang tatlong inorder na aklat ni [mark angeles aka makoy] (Patikim, Emotero, Threesome) at nabigyan na rin ng compli copies ng Kalas, literary folio ng Kalasag, ang opisyal na papel pampahayagan ng kolehiyo ng arte at literatura (kal, akala ko, letra? yun ang nasa nasabing publikasyon. anyway--) ng unbersidad ng pilipinas diliman. apat na araw bago ang biyernes, [wasakan sa SONA] at kinabukasan nitong martes, umiskor naman ako ng [La India or Island of the Disappeared] sa mismong lunsad-aklat ni rosario cruz-lucero, nakikain, nagpapirma, syempre naman. at, ayus dahil andami kong nakitang pamilyar na mga mukha sa dalawang lunsad-aklat sa katatapos na linggo.
sa Kalas, ilang akda ang inilimbag ng patnugutan ng Kalasag: mga tulang "Para sa ating mga Poncio Pilato," "Salusalungat na Piraso," "00 รด" na unang nilimbag bilang "[io]" sa [The Anthology of New Philippine Writing in English No .1 Spec. literary issue ng Kritika Kultura] ng ateneo de manila university; ang kuwentong "The Ouracle" na unang nilimbag sa Sunday Times Magazine; at ang mga dibuhong "Agricultural imperialism," "Error" na unang nilimbag sa UP Newsletter, at "Queen Inang Yellow" na unang nilimbag sa [Monstrous Memory Vol. 2 No. 1 May 2012 Special issue ng The Global Journal of Monsters and the Monstrous] ng the inter-disciplinary press (na hanggang ngayon yung compli ko e tila naligaw). muntik nang-- anyway, maraming matsala. at, nga pala, may nagrebyu ng ["Ang Sandatahang Banga (o Kung Bakit Maraming Banga sa Elbi)"], ngayon ko lang naalalang ibahagi. [naririto ang link sa rebyu]. that is all. i thank you.
No comments:
Post a Comment