Tuesday, July 31, 2012

Clotilde (Apollinaire)

burador. trip trip. bad trip.

Clotilde
salin ni Tilde Acuna
ng tula ni Guillaume Apollinaire

Anemona at kolumbina
Kung saan inilatag ng lungkot
Binuksan sa mga halamanan
Sa pagitan ng pag-ibig at pag-iring

Pinanlumo ng araw
Nagtagpo ang ating mga anino
Hanggang ang araw
Ay nilusaw ng gabi

Mga diwata ng tubig
Inilugay ang kanilang buhok
At ngayo'y dapat mong tuntunin
isang paghahangad sa takipsilim.

Monday, July 30, 2012

dagdag filipiniana section + kalas plug

kung makapanira ng schedule ang bagyo o. at ng momentum ang internet sa / suspension ng opisina o. at hindi pa nilubos. hindi man lang hinalf-day. thinree-fourths day pa o. at sa wakas, nakauwi na. at update lang sa buhay bukod sa SONA violence na gagawan ko, sana, ng kung anumang watsoeber na shit, oks, let the walangyang shameless plug galore slash groupie adventures commence:

noong biyernes, sa parangal slash lunsad-aklat slash exhibit slash birthday bash ni [jun cruz reyes], nakaiskor ako ng Ka Amado at nagpa-autograph na rin at kumain na rin at kinuha na rin ang tatlong inorder na aklat ni [mark angeles aka makoy] (Patikim, Emotero, Threesome) at nabigyan na rin ng compli copies ng Kalas, literary folio ng Kalasag, ang opisyal na papel pampahayagan ng kolehiyo ng arte at literatura (kal, akala ko, letra? yun ang nasa nasabing publikasyon. anyway--) ng unbersidad ng pilipinas diliman. apat na araw bago ang biyernes,  [wasakan sa SONA] at kinabukasan nitong martes, umiskor naman ako ng [La India or Island of the Disappeared] sa mismong lunsad-aklat ni rosario cruz-lucero, nakikain, nagpapirma, syempre naman. at, ayus dahil andami kong nakitang pamilyar na mga mukha sa dalawang lunsad-aklat sa katatapos na linggo.

sa Kalas, ilang akda ang inilimbag ng patnugutan ng Kalasag: mga tulang "Para sa ating mga Poncio Pilato," "Salusalungat na Piraso," "00 ô" na unang nilimbag bilang "[io]" sa [The Anthology of New Philippine Writing in English No .1 Spec. literary issue ng Kritika Kultura] ng ateneo de manila university; ang kuwentong "The Ouracle" na unang nilimbag sa Sunday Times Magazine; at ang mga dibuhong "Agricultural imperialism," "Error" na unang nilimbag sa UP Newsletter, at "Queen Inang Yellow" na unang nilimbag sa [Monstrous Memory Vol. 2 No. 1 May 2012 Special issue ng The Global Journal of Monsters and the Monstrous] ng the inter-disciplinary press (na hanggang ngayon yung compli ko e tila naligaw). muntik nang-- anyway, maraming matsala. at, nga pala, may nagrebyu ng ["Ang Sandatahang Banga (o Kung Bakit Maraming Banga sa Elbi)"], ngayon ko lang naalalang ibahagi. [naririto ang link sa rebyu]. that is all. i thank you.

Saturday, July 28, 2012

Paghihingalo (Pavese)

sa panahong naghihingalo dahil di makapagsulat, magsalin.

Paghihingalo
malayang salin ni Tilde Acuna
ng salin ni Geoffrey Brock
ng tula ni Cesare Pavese

Maglalagalag ako sa mga lansangang ito hanggang mamatay ako sa pagod,
matututo ako kung paano mabuhay mag-isa, kung paano salubungin ang mga mata
ng bawat dumaraang mukha at manatiling ang babaeng walang pinagbago.
Ang tumitinding lamig na umaabot sa aking mga ugat
ay mas tunay pang pagkamulat sa anumang aking naramdaman
sa umaga: ang kaso lamang, nararamdaman kong mas malakas pa ako kaysa
sa aking katawan, at mas malamig kaysa dati ang bingit ng umaga.

Saturday, July 21, 2012

Ang Taon ng Paggawa sa Pabrika

hindi ko alam kung paano maghihikayat dumalo sa SONA sa lunes. wala rin akong mailuwal na dibuho. ayoko rin tuwirang magsalin, kahit pa malaya. ito ang handog na halaw sa magtitiyaga at magbibigay ng oras. nasa pagitan ng mga linya ang kulo sa loob at pinagdaraanang hinagpis. yun lang. paumanhin sa drama shit. p.s. kung may kasalatan man, wala akong magagawa. paubos na load ng globe tattoo at hardkor sa kakupalan ang globe. wagas. makapwangwasak ng moment, hardkor.

Ang Taon ng Paggawa sa Pabrika
hinalaw ni Tilde Acuna sa tula ni Edward Hirsch

Thursday, July 19, 2012

Pasado Ala Una (Mayakovsky)

dahil kaarawan ng nagsabi ng, parang, ang sining ay hindi salaming nagpapakita kung ano ang lipunan kundi masong magpapanday at huhubog dito (isang quote na madalas naaattribute kay brecht, pero ang alam ko e kay mayakovsky nga ito), isang salin. may nauna na akong [dalawang salin] ng mga tula niya. kahapon, nagsalin ako ng ilang sipi dahil kaarawan ni [hunter s. thompson].

Pasado Ala Una
salin ni Tilde Acuña ng tula ni Vladimir Mayakovsky

Wednesday, July 18, 2012

shorts [ix]: hunter s. thompson sa peryodismo

dahil kaarawan ngayon ng pauso ng gonzo journalism, kahit hindi gaanong maayos ang pakiramdam ko, ano ba naman ang ilang saglit ng pagsasalin? bagamat hindi ko tiyak kung paano niya ito pinagdiriwang, maligayang kaarawan na rin kay hunter s. thompson. hindi mapantayan ng sinumang peryodista sa panahong ito ang bakal niyang yagbols at ang pamamakyu niya sa lipunan. sa future, umaasa ako, may katapat na siya. sana. nga pala, nakuha ang kung anu-anong ito sa kung saan-saan. wala na akong pake kung hahanapin mo pa ito, pero imumungkahi kong halawan na lamang ng aral. pagkatapos ng cut, may mga salitang hindi angkop sa batang mambabasa, bagamat may nagamit na rin pala akong.. anyway, eto na:

Saturday, July 14, 2012

Reverence [vii]: La India

oh, a book launch. i am not among those evil advertisers or marketers that bill hicks advised to go kill themselves, but let me share the details for the launch of this particular book: La India-Island of the Disappeared by Prof. Chari Lucero shall be launched on july 24, 4:00 p.m. at the u.p. faculty center conference hall. that's all. good day.


*About REVERENCE: Posts labeled with reverence are photographs or images or horrors the resident of the carcosite admires like a fangurl. Entries such as this shall have no caption or labels, besides this caption that shall blankly describe what REVERENCE is. So blank that all you can do is wander via google about the featured entity and wonder. Well, this is, simply, a facade for fangurling; and an attempt to pretend that the label REVERENCE means something. Yes, hollow words, I know. Good day. By the way, there is a good chance that I am preparing or planning some sort of (private) hagiography for revered entities featured herein.These images, just like most, if not all, images in previous REVERENCEs, are not mine.* Image lifted without permission from [tin's post.]

Friday, July 13, 2012

Katuturan (Czeslaw Milosz)

walang katuturan ang araw na ito maliban sa isa na namang pamamaalam ng isang lingkod ng bayan. pakikiramay sa mga naulila, kamag-anak man o hindi ni Maita Gomez [balita]. at, e ano kung friday the 13? so, ano na? kumpara sa karanasang tanging sa atin lamang, ang mga bilang naman at mga petsa, kadalasan, kung hindi natin bibigyang-kahulugan, wala namang

Katuturan
malayang salin ni Tilde Acuña
ng tula ni Czeslaw Milosz

Thursday, July 12, 2012

Pananahimik (Neruda)

burador. may sablay, salamat sa enjambment. anyway, 
dahil 12.12.12 ngayon, magbilang na tayo.

Pananahimik
malayang salin ni Tilde Acuña ng salin ni 
Stephen Mitchell ng tula ni Pablo Neruda mula 
sa kuleksyong "Full Woman, Fleshly Apple, Hot Moon"

Magbibilang tayo ngayon hanggang labindalawa
at mananatili tayo sa kinalalagyan natin.

Wednesday, July 11, 2012

shorts [viii]: bill hicks on advertising

besides the ex-girlfriend part, this is my favorite part, dora. wouldnt translate it. if i did, too much shall be lost in translation. plus, time constraints. from "american: the bill hicks story." reading tom kelly's "art of innovation" and "ten faces of innovation" reminded me of the weekend documentary i've watched. ladies and gentlemen, an influence to one i consider an influence, an influence to maynard james keenan, please welcome, bill hicks:

"By the way if anyone here is in advertising or marketing, kill yourself.

No, no, no it’s just a little thought. I’m just trying to plant seeds. Maybe one day, they’ll take root – I don’t know. You try, you do what you can. Kill yourself.

Seriously though, if you are, do.

Tuesday, July 10, 2012

shorts [vii]: nikola tesla

dolphy, pahinga na at pagkamulat mo kung nasaan ka man, pakibati si tesla ng maligayang kaarawan. sinipi at sinalin ko siya: "Kapag pinaguusapan natin ang tao, may disenyo tayo ng sangkatauhan sa pangkabuuan, at bago natin ilapat ang sayantipikong paraan sa imbestigasyon ng kanyang pagkilos, kailangan natin itong tanggapin bilang pisikal na katotohanan. Ngunit mayroon bang magdududa ngayon kung sasabihing bahagi ng iisang kabuuan ang milyun-milyong indibidwal at ang lahat ng di-mabilang na tipo at katangian? Bagamat malayang dumalumat at kumilos, magkakasama tayo tulad ng mga tala sa kalangitan, hindi napipigtal ang ugnayan. Hindi nakikita ang mga ugnayang ito, pero nadarama natin sila. Nasugatan ako sa daliri, at nasasaktan ako, bahagi ko ang daliring ito. Nakakita ako ng kaibigang nasaktan, at nasasaktan din ako: iisa ang aking kaibigan at ako. At ngayon, nakita kong tinamaan ang isang kaaway, isang bultong singaw na hindi ko inaalala sa lahat ng bultong singaw sa sanlibutan, pero nalulumbay pa rin ako. Hindi ba nito napapatunayan na bahagi lamang ng kabuuan ang bawat isa sa atin?"

Friday, July 6, 2012

At Hindi Mangingibabaw ang Kamatayan (Dylan Thomas)

bago ang lahat, isang paalala:

"Isang mapayapang pagbati po sa lahat! Ngayong gabi natin gaganapin ang isang luksang-parangal para kay Arman at Darwin na pangungunahan ng BAYAN.

4pm - pagpaparangal ng mga mamamayan ng Timog Katagalugan
7pm - pagpaparangal ng BAYAN national office

Ibigay natin ang ganang makakaya natin upang ipakita sa estado at sa mga berdugong militar na higit pa sa pagluluksa ang araw na ito. Ito ay ang araw na ganap nating idinedeklara ang kabayanihan nila Arman at Darwin, gayundin ang ating ganap na pagtataas ng antas ng ating pakikibaka upang puspusang ilantad at labanan ang maka-dayuhan, pasista at pyudal na rehimeng US-Aquino. Ipagpatuloy ang pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya!"


[artikulo ni kenneth guda mula sa pinoyweekly]

***

naririto ang munting handog:

At Hindi Mangingibabaw ang Kamatayan
hinalaw ni Tilde Acuña sa tula ni Dylan Thomas

Thursday, July 5, 2012

Kagitingan + Ang Tagumpay (Anna Akhmatova)

parang medyo awkward yung salin sa ingles, pero yan, malayang halaw lang. hebigat na araw this.

Kagitingan
hinalaw ni Tilde Acuña 
sa (medyo wasak na salin) ni Yevgeny Bonver
ng tula ni Anna Akhmatova

Alam natin kung ano ang ngayo'y nasa Timbangan.
Kung ano, sa sanlibutan, ang nangyayari ngayon.
Pinagtitibay ng mga kamay ng orasan ang panahon ng kagitingan.
Hindi kukunot ang noo ng kagitingan namin.
Walang takot na mamatay sa pangungubkob ng mga punglo.
Walang takot na mawalan dito ng tahanan,
At pangangalagaan namin kayo, O dakilang talumpati ng bayan,
O dakilang kataga ng bayan, na aming pinapasan.
Dadalahin namin kayo, maaliwalas at malaya, tulad ng isang daluyong,
Ibibigay kayo sa aming mga tagapagmana, at ililigtas sa pagkaalipin.
Sa lahat ng panahon!

Wednesday, July 4, 2012

Mga Kandila (halaw kay Sylvia Plath, alay sa mga lumisan)

muli akong humiram ng tula upang makiramay at magdalamhati para sa mga nagbalik ng hiniram nilang buhay. nitong nakaraang weekend, dalawa ang pumanaw. noong biyernes, si Lola Mameng, nanay ng nanay ko, at inilibing na siya kahapon. hindi ito gaanong naging mabigat (tulad ng ibang pagtawid sa kabilang buhay ng mga idolo sa sining at panitikan na nakapamuhay at nakapag-ambag nang sapat sa sangkatauhan at sa mga mahal nila sa buhay) dahil mas mainam ang kamatayan upang maibsan na ang hirap na pinagdaraanan niya. noong sabado, si Arman Albarillo naman, mass leader noon sa timog katagalugan habang nagsisimula pa lamang akong mag-aral ng lipunan, ang namatay sa engkwentro bilang gerilya ng bagong hukbong bayan. bago ang halaw na piyesa, naririto ang isang silip sa buhay ni Ka Arman, mula sa pahinang nagdiriwang ng kanyang kabayanihan:

"Kung Laya’y bihag ng Iilan, at ang Hustisya’y lukob ng Dilim, Paglaban ay Makatarungan! [mula sa Arman Albarillo: Bayani ng Sambayanan]
Si Arman Albarillo ay mula sa isang pamilyang magbubukid sa isla ng Mindoro Oriental. May asawa at mga anak, pangalawa sa kanilang 8 magkakapatid. Ang kanyang mga magulang na sina Expidito at Manuela Albarillo ay pinaslang noong Abril 8, 2002 sa San Teodoro Mindoro Oriental ng pinaghihinalaang mga militar sa pamumuno ni Ret Gen Jovito Palparan Jr. ng Philippine Army.

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]