ni Neruda, salin ni Acuña
May mga libingang inulila,
mga nitsong tigib sa mga tahimik na tadyang,
mga pusong sumusuot sa isang hukay,
isang napakadilim na hukay:
tulad ng pagkagunaw tayong nangangamatay sa kaibuturang
para bang nilulunod sa ubod ng damdamin
o paloob na gumuguho mula balat hanggang budhi.
May mga labi, mga bangkay,
mamamasamasang lapida ang mga paa,
may kamatayan sa mga kalansay,
tulad ng dalisay na tunog,
ang kahol na hiwalay sa kanyang aso,
nagmula sa mga kampana, sa mga puntod
na namamaga sa kahalumigmigang itong tila hikbi kundi anggi.
Natatanaw ko, sa mga panahon ng pag-iisa,
ang mga naglalayag na kabaong
na naglalakbay katuwang ang maputlang patay, mga babaeng nakatirintas,
mga panaderong singputi ng mga anghel,
mga maalalahaning binibining kinasal sa mga notaryo,
mga ataol na lumulutang sa nakatindig na ilog ng mga patay,
ilog na kasindilim ng alak na bumabalik sa bukal
kasama ang mga layag nilang namimintog sa tunog ng kamatayan,
hitik sa tahimik na pambubuliglig ng kamatayan.
Nahuhumaling ang kamatayan sa tunog
tulad ng panyapak na walang sasapinang paa,
ng traheng walang bibihisang katawan,
nauuwi sa katok na walang singsing, walang bato, walang daliri,
nauuwi sa sigaw na walang bibig, walang dila, walang lalamunan.
Bagamat may tunog ang mga hakbang nito
at may alingawngaw ang saplot nito, ay binuwal pa ring parang punongkahoy.
Hindi ko alam, wala akong muwang, hindi ko gaanong natatanaw
ngunit para sa akin ang awit nito ay may kulay ng winisikang gumamela,
mga gumamelang panatag na sa lupa,
dahil luntian ang mukha ng kamatayan,
at luntian ang titig ng kamatayan
kung saan may halumigmig na ikinintal ang dahon ng gumamela
at ng agawbuhay nitong pusyaw ng kunsumidong taglamig.
Ngunit lumilibot din ang kamatayan sa sanlibutan, lulan ng tambong
humihimod sa lupa sa tangkang magkakalkal ng mga namayapa -
nasa tambo ang kamatayan,
wika ng kamatayan ang siyang humahagilap ng patay,
ang karayom ng kamatayang ang sinulid ang hinahanap.
Nakahimlay sa ating mga papag ang kamatayan:
sa kumportableng kobrekama, sa itim na mga banig,
namumuhay nang nakahilata at papaspas bigla,
pumapaspas sa hindi mawaring huning lumalaganap sa mga kumot
at may mga silid-tulugang pumapalaot sa daungan
kung saan nag-aabang ang kamatayang nakabihis-heneral.
***ito ang orihinal na teksto***
Death Alone by Pablo Neruda
There are lone cemeteries,
tombs full of soundless bones,
the heart threading a tunnel,
a dark, dark tunnel :
like a wreck we die to the very core,
as if drowning at the heart
or collapsing inwards from skin to soul.
There are corpses,
clammy slabs for feet,
there is death in the bones,
like a pure sound,
a bark without its dog,
out of certain bells, certain tombs
swelling in this humidity like lament or rain.
I see, when alone at times,
coffins under sail
setting out with the pale dead, women in their dead braids,
bakers as white as angels,
thoughtful girls married to notaries,
coffins ascending the vertical river of the dead,
the wine-dark river to its source,
with their sails swollen with the sound of death,
filled with the silent noise of death.
Death is drawn to sound
like a slipper without a foot, a suit without its wearer,
comes to knock with a ring, stoneless and fingerless,
comes to shout without a mouth, a tongue, without a throat.
Nevertheless its footsteps sound
and its clothes echo, hushed like a tree.
I do not know, I am ignorant, I hardly see
but it seems to me that its song has the colour of wet violets,
violets well used to the earth,
since the face of death is green,
and the gaze of death green
with the etched moisture of a violet's leaf
and its grave colour of exasperated winter.
But death goes about the earth also, riding a broom
lapping the ground in search of the dead -
death is in the broom,
it is the tongue of death looking for the dead,
the needle of death looking for the thread.
Death lies in our beds:
in the lazy mattresses, the black blankets,
lives a full stretch and then suddenly blows,
blows sound unknown filling out the sheets
and there are beds sailing into a harbour
where death is waiting, dressed as an admiral.
No comments:
Post a Comment