Monday, December 19, 2011

Nang Humupa ... (Rimbaud)

Nang Humupa ang Baha
salin ni Acuña ng salin ni [hindi ko alam] ng tula ni Rimbaud

Matapos tumining ang ideya ng Delubyo,
Huminto ang kuneho sa mga kampanilyang umaalimbay,
at sumambit ng panalangin sa bahaghari,
gamit ang sapot ng gagamba.

Ay! mga mamahaling hiyas na nagsimulang magtago, —
at mga bulaklak na nauna nang luminga-linga.
Sa pangunahing kalsadang nanggigitata, itinirik ang mga kubol,
at tumulak ang mga lantsang pumalaot sa dagat,
matayog na magkakapatong na parang lumang imprenta.

Umagos ang dugo sa lungga ng Pirata, —
tagos sa mga katayan ng karne, sa mga perya,
kung saan mga bintana'y binanlian ng marka ng Maykapal.
Umagos ang dugo at gata. Nilikha ng mga pilandok.

Nanabako ang mga kopita sa munting mga rehas.
Sa palasyong kristal, patuloy na pumapatak-patak,
tumunghay ang mga nagluluksang musmos
sa nakamamanghang mga larawan.

Kumalabog ang pinto at sa liwasan ng baryo
kumakaway ang isang binatilyo,
dinalumat ng mga pulad ng panahon
at mga tandang sa tuktok ng mga simboryo sa lahat ng dako,
sa ambong sumasambulat.

Nagkabit si Ginang *** ng kulintang sa Bundok Apo.
Pinagdiwang ang misa at unang komunyon
sa daan-libong dambana ng simbahan.
Lumarga ang karaban. At tinatag ang Otel Maringal
sa salimuot ng yelo at ng iniinugang karimlan.

Narinig ng buwan ang alulong ng mga ulul na asong
bumabagtas sa disyerto ng bayabas,
pati ang awiting nakasuot ng kawayang panyapak doon sa taniman.
At, sa kulay ubeng kagubatang umuusbong,
inulat ng lingkod ng Nimpa ang pagsapit ng tagsibol.

Ragasa, lawa,— bula, tinangay sa tulay at sa kakahuyan;—
itim na mga ataol at mga piraso, kulog at kidlat, bangon at balumbon;—
muling ibinangon at inilunsad ng tubig at siphayo ang Pagkagunaw.
Dahil simula nang sila'y magpakasasa—
ay! mga inililibing na mamahaling hiyas at nakabukadkad na mga bulaklak!—
hindi matitiis! at ang Reyna, ang Bruha na nagsisindi ng kanyang alab
sa palayok ay hindi magbabahagi ng kanyang nalalaman,
at ng mga hindi natin mababatid.

***ito ang orihinal na teksto***

After The Flood by Arthur Rimbaud

As soon as the idea of the Deluge had subsided,
A hare stopped in the clover and swaying flowerbells,
and said a prayer to the rainbow,
through the spider's web.

Oh! the precious stones that began to hide,--
and the flowers that already looked around.
In the dirty main street, stalls were set up
and boats were hauled toward the sea,
high tiered as in old prints.

Blood flowed at Blue Beard's,--
through slaughterhouses, in circuses,
where the windows were blanched by God's seal.
Blood and milk flowed. Beavers built.

'Mazagrans' smoked in the little bars.
In the big glass house, still dripping,
children in mourning looked
at the marvelous pictures.

A door banged; and in the village square
the little boy waved his arms,
understood by weather vanes
and cocks on steeples everywhere,
in the bursting shower.

Madame *** installed a piano in the Alps.
Mass and first communions were celebrated
at the hundred thousand altars of the cathedral.
Caravans set out. And Hotel Splendid was built
in the chaos of ice and of the polar night.

Ever after the moon heard jackals howling
across the deserts of thyme,
and eclogues in wooden shoes growling in the orchard.
Then in the violet and budding forest,
Eucharis told me it was spring.

Gush, pond,-- Foam, roll on the bridge and over the woods;--
black palls and organs, lightening and thunder, rise and roll;--
waters and sorrows rise and launch the Floods again.
For since they have been dissipated--
oh! the precious stones being buried and the opened flowers!--
it's unbearable! and the Queen, the Witch who lights her fire
in the earthen pot will never tell us what she knows,
and what we do not know.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]