salin ni Acuña ng salin ni Oliver Bernard ng tula ni Rimbaud
Habang hindi pa pinipigtal
ng punyal yaong utak,
Iyang kulay bulak, berde at matabang tipak
na kailanma'y hindi sariwa ang singaw,
Ay! Kailangan niyang pigtalin ang kanyang
ilong, kanyang mga labi, kanyang mga tainga,
Kanyang tiyan! At talikdan
Pero hindi, tunay nga, naniniwala akong habang
ang talim sa kanyang ulo,
at ang bato sa kanyang tagiliran,
at ang alab sa kanyang dibdib
ay hindi pa pinaiiral, ang nangangawit
na yagit, ang hayop na nakababagot,
ay hindi dapat kailanman tumigil sa isang iglap
Na manlinlang at magtaksil
At tulad ng mga kuting sa kabundukan;
Upang gawing maalingasaw ang lahat ng pook!
Ngunit, gayunpaman, sa kanyang kamatayan,
D'yos ko po! Nawa'y may sumungaw na mga panalangin!
***ito ang orihinal na teksto***
Shame by Arthur Rimbaud
So long as the blade has not
Cut off that brain,
That white, green and fatty parcel,
Whose steam is never fresh,
(Ah! He, should cut off his
Nose, his lips, his ears,
His belly! And abandon
But no, truly,I believe that so long as
The blade to his head,
And the stone to his side,
And the flame to his guts
Have not done execution, the tiresome
Child, the so stupid animal,
Must never for an instant cease
To cheat and betray
And like a Rocky Mountain cat;
To make all places stink!
But still when he dies, O my God!
May there rise up some prayer!
No comments:
Post a Comment