Tuesday, December 20, 2011

Kinahinatnan (Salin - Plath)

[Pasensya na, ituring itong burador.]

Aftermath
by Sylvia Plath

Compelled by calamity's magnet
They loiter and stare as if the house
Burnt-out were theirs, or as if they thought
Some scandal might any minute ooze
From a smoke-choked closet into light;
No deaths, no prodigious injuries
Glut these hunters after an old meat,
Blood-spoor of the austere tragedies.

Mother Medea in a green smock
Moves humbly as any housewife through
Her ruined apartments, taking stock
Of charred shoes, the sodden upholstery:
Cheated of the pyre and the rack,
The crowd sucks her last tear and turns away.

Kinahinatnan
ni Plath, salin ni Acuña

Nang itulak ng batubalani ng sakuna
Sila'y gumala at nandilat na para bang ang kubong
Tinupok ay kanila, o para bang nagninilay na
Baka may ilang alingasngas na tumagas
Mula sa kasilyas na nasulasok sa usok ng liwanag;
Walang pagkamatay, walang matinding latay
Ang bumundat sa mga nangangaso ng sinaunang laman,
Duguang bakas ng mabagsik na pinsala.

Ang inang Medeang luntiang tapis ang saplot
Tulad ng sinumang maybahay, mabini siyang kumikilos palagos
Sa kanyang mga nasalantang silid, tinitipon
Ang mga nag-uling na panyapak, ang tapeteng tigmak:
Habang ginagago sa panggatong ng patay at sa estante,
Sinisipsip ng madla ang nalalabi niyang luha at lumilisan.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]