Burador, as usual, pauunlarin balang araw. Sakit mo sa ulo, Arthur:
Ang mga Tulayni Rimbaud, salin ni AcuñaAbuhing kalangitan ng mga bubog. Isang kakatwang disenyo ng mga tulay, tuwid ngayon, baluktot ngayon, samantalang pabulusok ang iba sa pahilig na mga anggulo upang katagpuin ang huli, at inuulit ng mga padrong ito ang kanilang mga sarili sa iba pang pakiwal-kiwal ng kanal na natatapunan ng liwanag, ngunit lubos ang haba at kawalan ng bigat ng lahat hanggang sa puntong lumubog at umurong ang mga pampang, na pinabibigatan ng mga simboryo. Ang ilan sa mga tulay na ito ay balot sa barungbarong. Ang iba ay mayroong mga poste ng layag, mga sagisag, mga mahihinang pananggalang. Nagsasala-salabat at naglalaho ang mabababang mga bagting; bumabangon ang mga lubid mula sa mga baybay. Matutukoy mo ang pulang abrigo, ang ibang damit marahil at ang mga kagamitan ng musikero. Hindi ba iyon ang mga sikat na pagsasahimpapawid sa radyo, mga sandali mula sa mga dakilang konsiyerto, mga labi ng mga himnong bayan? Kulay abo at asul ang tubig, sinlawak ng bisig ng dagat.Nilalansag ang komedyang ito ng isang puting sinag na dumadausdos mula sa kaitaasan.
Nasa ibaba ang orihinal na teksto. BTW, di ko pa rin alam mag-indent, kinginang yan. At ayun, as usual, parang pagtataksil sa may-akda. Hirap kasi, yung "airs" ay hindi naman pwedeng simpleng "hangin" o "ere" o pwede bang "pagsasa-ere"? Ugh. Sakit sa ulo. Sana lang matapos ko na yung iba pang gagawing hindi magawa sa di malamang dahilan, o baka alam ko ang dahilan ayoko lang aminin, hay, pakalungkot, di bale, aasa at paninindigan ko na lang ang sumpa at banta at biyaya at anuman ng susunod na taon--taon naming mga matatandang ulupong, taon na diumano e magugunaw ang daigdig. Daigdig kaya nino? Abangan. Anyway, ito na yung teksto ni Rimbaud, dami ko na namang pasubaling shit. Salamat muli sa pagbisita. Sisimulan ko nang manahimik. Wateber da fuck that means.
The Bridges(Illuminations XIV: Les Ponts)Grey skies of crystal. A bizarre design of bridges, now straight, now curved, and others descending in oblique angles to meet the former, and these patterns repeating themselves in other well-lit windings of canal, but all so long and weightless that the shores, weighted with domes, sink and contract. Some of these bridges are still covered with hovels. Others bear masts, signals, frail parapets. Minor chords interlace, and fade; ropes rise from the banks. You distinguish a red coat, other clothes perhaps and musical instruments. Are those popular airs, snatches from noble concerts, the remains of public anthems? The water is grey and blue, wide as an arm of the sea.A white ray, falling from on high, annihilates this comedy.
Apir.
No comments:
Post a Comment