Monday, December 19, 2011
Eksena Sa Kalye [i]
Nagkukumahog ako parati sa pagbabyahe dahil puno't dulo ang pagitan ng opisina at ng kuta, kaya't parating nagmamadali at manipis ang tsansang walang makaligtaan, kung hindi man maiwala, at mataas ang tsansang sira ang araw bago pa man magsimula ang pag-iral sa opisina tulad nitong eksenang huli sa philcoa, kung saan wala akong barya kaya isandaan ang ibinayad ko sa dispatser na nag-aabang at nagtatawag ng mga kapwa nagmamadaling pasahero sa dyipning mainit ang ulo at nagmamadali tulad ng pagtaas ng presyo ng gasolinang dahilan kung bakit kailangan nilang makakuha nang kikitain o pamboundary man lamang, kung bakit nila kailangang magmadali, sadya man o hindi, upang, sadya man o hindi, kulang ang isukli sa aking isandaang pisong ibinayad ko nang nagmamadali at dahil sila rin ay nagmamadali, humarurot na ang dyipni bago ko pa malamang kulang ang sukli at nang irehistro ko sa tsuper na kulang ito, agad itong buong galit na naglabas ng sama ng loob na sana raw ay binilang ko noong nandoon pa sa terminal dahil may kinakaltas daw, krudo pa, sana, dapat, ganito ganyan, at etsetera etseterang hindi ko maintindihan, kanina pa raw ako nakaupo (na hindi naman dahil ako ang huling pasaherong sumakay kaya hindi ko rin agad nabilang ang sukli), marami daw siyang inaabono, at lahat ng siphayo niya sa buhay ay binulalas na niya sa simpleng paghingi ko ng beinte pesos na kulang na sukli na tatangkain kong kunin mamaya sa terminal tulad ng pasigaw na mungkahi ng nakakabadtrip na tsuper na kapwa badtrip rin, badtrip rin marahil sa krisis, sambit ko sa sarili upang kumalma hanggang lalong kumalma dahil pagdating ko sa opisina, natagpuan ko ang nobelang inakala (at tinanggap ko nang) nawala habang nagbibyahe pauwi noong Biyernes.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment