(Bago mo simulan, sasabihin ko na ngayon pa lang na bargas ang post na ito. Huwag asahang magpapa-academic ako o anumang parang ganoon. Okay? Apir.)
"Kaisa po ako ng sambayanang Pilipino sa pagdiriwang nang pagbangon ng Panginoon mula sa kamatayan, nang tubusin Niya ang sangkatauhan sa kasalanan.
(Kaisa siya o! Digs? Joke lang. Pero, okay ha. Pa-messiah ka sa issue ng RH Bill. Kahit ma-excommunicate and shit. Feeling ko, roleplaying lang yan! Pero, feeling ko lang naman yun. Tsaka hindi naman ito baseless. Kahit sino namang naghuhudas sa mga constituents eh ginagamit ang Panginoon mara mag-appeal sa mga pinamumunuan o inaakala niyang pinamumunuan niya. AT, tubusin mo mukha mo.)
"Sa pagwawakas ng Semana Santa, hindi sana magtapos dito ang ating taimtim na pananalig sa Panginoon. Ipagpatuloy natin ang pagtupad sa Kaniyang mga aral at lalo pa nating paigtingin ang ating pagkakawanggawa.
(Sana rin lang, kahit hindi Semana Santa, taimtim ang pananalig mo sa Panginoon. AT ikaw ang magpatupad ng Kaniyang mga aral. Alalahanin mong bukod sa pakikipamuhay sa mga latak ng lipunan, tinuligsa din ni Kristo ang mga Pariseo at ang iba pang ipokritong gusto daw mailigtas ang kaluluwa ng mga tao pero ang ginagawa lang naman e panatilihin ang impluwensya nila. Therefore, tuligsain mo rin ang sarili mo!)
"Ito ang unang Pasko ng Pagkabuhay na ipinagdiriwang ng ating bagong administrasyon. Gaano man kadilim ang kabanatang ating dinaanan, ang pagsusulong ng tapat at mabuting pamamahala, kaakibat ang matibay na pagtitiwala at pagkakaisa, ang pundasyon natin upang malampasan ang kalbaryong ating dinatnan.
(Zzzzzz... May sinasabi ka? Eto, kalbaryo. Nagpapasaring ka na naman sa madilim na nakaraan, ha. Naipakulong mo na ba sina Arroyo? Eh yung mga Ampatuan? Eh yung paglilibing kay Marcos--na dumeadshit sa ama mo--sa libingan ng mga bayani? Eh yung mga namatay na journalist at advocates ng human rights at maging ng kalikasan? Eh yung mining sa iba't ibang panig ng bansa na nakakahasel sa mga katutubo, at di magtatagal eh eepekto nang malupet sa buong bansa? Tingin mo, may tiwala pa sa yo ang mamamayan? Just asking!)
"Patuloy nating alalahanin ang tunay na diwa ng Kaniyang dakilang sakripisyo. Bawat isa sa atin ay may maiaambag sa pagtuldok sa katiwalian upang maisalba sa hirap at pasakit ang marami nating kababayan. Sa pamamagitan lamang nito, mararamdaman ng bawat Pilipino ang tunay na liwanag ng pagbabago.
(Alalahanin mo ang tunay na diwa ng sakripisyo. AT, liwanag ng pagbabago mo mukha mo. Ang mga pinaka-recent na pagbabago? Wala. Walang mabuti. Palala. Latest na mga balita na lang! Dito sa bulatlat. Labor issue. Media killings. At environmental. Siyempre, sa pinoyweekly din meron. Oil price hike. Balikatan exercises. At mining. More mining.)
"Isang mapayapa at mapagpalang pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay sa ating lahat."
(Ayan, andami nang nabuhay na isyu ngayong linggo ng pagkabuhay. Payapa? Walang ceasefire, ata? Kahit anniv nila? Tama ba? Kaya mister president, ceasefire mo mukha mo. Ayusin mo muna ang mga isyung matagal naman nang buhay. Init init, nagpapainit ka pa ng ulo sa mga shit mo. Piprituhin ka ng taong bayan sa mayo uno. Happy easter. PS pala, AFP. Gasgas na gasgas na yung pamagat ng concert na "Himigsikan." Try something else nextime!)
No comments:
Post a Comment