burador, as useless. sori, nasa recurring phase.
Kundiman ng Hibang
sobrang layang salin ni tilde acuña
ng tula ni sylvia plath
Pumikit ako at nasawi ang buong daigdig;
Dumilat at muling nabuhay ang lahat.
(Kinatha lang yata kita sa aking isip.)
Bughaw at pulang nagsingkil ang mga bituin,
At nanghimasok ang arbitraryong dilim:
Pumikit ako at nasawi ang buong daigdig.
Nanaginip na inengkanto mo ako tungo sa banig
At inawitan, hinagkang parang nasisiraan ng bait.
(Kinatha lang yata kita sa aking isip.)
Kumupas ang impyerno, nahulog ang Poon sa langit:
Lumikas ang mga kampon ni Satanas at mga serafim:
Pumikit ako at nasawi ang buong daigdig.
Inakala kong magbabalik ka sa paraang iyong sinabi,
Ngunit tumanda ako at nakaligtaan ang iyong puri.
(Kinatha lang yata kita sa aking isip.)
Sana waling-waling na lamang ang aking inibig;
Dahil tiyak, sa taglamig, sisibol silang muli.
Pumikit ako at nasawi ang buong daigdig.
(Kinatha lang yata kita sa aking isip.)
Wednesday, March 27, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment