Saturday, January 28, 2012

Pagpapanatiling Buo ng mga Bagay (Mark Strand)

Ang gusto ko sana yung Black Maps kaso masakit ata sa ulo. Pero susubukan ko. Ngayon din. As in, ngayon na. btw, si Camila nga pala ang dahilan ng 10K hits.

Pagpapanatiling Buo ng mga Bagay
ni Mark Strand, salin ni Tilde Acuña

Sa isang larangan
ako ang kawalan
ng larangan.
Ito ang
parating nangyayari.
Kung nasaan man ako
ako ang anumang pagkukulang.

Kapag naglalakad ako
hinahawi ko ang hangin
at parating
kumikilos ang hangin papasok
upang punuan ang mga espasyong
pinaroonan ng katawan ko.

Tayong lahat ay may mga dahilan
sa pagkilos.
Kumikilos ako
upang manatiling buo ang mga bagay.

Or? mas sakto ang "bagay" kaysa "bahagi"? 'No? Hm.. rerepasuhin pa this. After ilang pagmumuni-muni, nirepaso na this, "bagay" it is, imbis na "bahagi."

Saturday, January 21, 2012

Bitayin si Gloria + UP Forum


The BITAYIN SI GLORIA (roughly "EXECUTE GLORIA," dahil iba ang bigat ng "BITAY," I think!) chapbook is now downloadable. "Ang Panaginip mong Bangungot para sa Bayan" is included. You may don't give a fvck about it, but the poem was an IYAS piece written eons ago. Submitted the slightly revised version as I have not written anything yet because of some kinda drought if not self-censorship, or whatever the fvck is going on.

The November-December 2011 issue of the UP Forum is also off the press (pwede rin idownload kung walang maispatang copy). The abridged version of "The Fight For Education as a Dress Rehearsal" is included. Thinking of doing something about the full-length version since last year, but still, nothing comes up. Stamina's a motherfvcker these days. Given the chance, I'd dispose this body. Wish ghosts can really be contained in other shells. God, what I wouldn't give to have another body (or perhaps a machine, though the human body is kinda like a machine) to contain my consciousness. Fvck this. Fvck you all.

Sunday, January 15, 2012

Repeat until fade [ii]


"There is only one god. And his name is death. And there is only one thing we say to death: Not today." -Game of Thrones. Syrio Farel to Arya. I love you, Arya Stark. Does that make me kinda gay? And kinda pedo? And kinda troubled, too? Well, I am.

Friday, January 13, 2012

Thursday, January 12, 2012

Eksena sa kalye [iii]

Himalang maluwag ang mga sasakyan, nakasakay ako kaagad sa unang sasakyan, nakasakay rin agad sa sunod na sasakyan, nakababa sa babaan at hinintay ang hihintayin, at tulad nang nakasanayan, bumuklat ng bitbit na aklat, pero nagdalawang-isip sa pagkakataong ito, kaya lumibot-libot muna sa lugar hanggang may makitang tiangge-tiangge at sumipat-sipat sa mga pamagat, at nahihilo na ako sa mga pangalan ng mga libro at ng mga manunulat at inisip na masyado pa akong maraming librong biniling hindi pa rin nababasa, at nililimitahan ko ang sarili sa pagbili ng nobela, kung may kuleksyon ng maiikling kwento, o di kaya'y mga sanaysay, o di kaya'y mga tula ng tinatangkilik na mga kwentista, kritiko o makata, baka may tsansa pang umiskor, kaso, sa isang thrift shop, hindi na ako gaanong umaasa dahil mahirap yang umaasa, o, tinamad na lang talaga akong maghanap, tinamad din ako magbasa, kaya lumibot ako ulit, sumipat hanggang may maispatang ukay-ukay at dito ko natagpuan ang hinahanap, ang kaunaunahan kong ginastusan ngayong taon ng pagkawasak, at ang pinakahuling binili kong natatandaan kong binili ko nang walang gaanong pag-aalinlangan, walang pagsisisi, walang panghihinayang kahit na ngayong ilang oras na ang lumipas matapos ko itong bilhin, walang kahit anong pakiramdam na nalugi o naisahan dahil isang pares ng botang katad na sakto ang sukat ang nabili ko, yung tipong hindi mukang pormal, yung tipong panggasgasan, kaya ayus, dahil hindi ko na kailangang alalahanin ang sasabihin ng iba kapag sinuot ko ito, dahil hindi ako kumportableng magsuot ng mukhang bago, lalo at kadalasan, binabati itong, uy, bago, ha, at mga iba pang kahawig na ekspresyong ang sinasabi lang naman ay pabiro at mapagkapwang, uy, ayus ha, asenso ha, kumbaga, bumili ako ng komportableng botang komportable ko nang maisusuot kinabukasan o kung kailanman mapagpasyahang suotin, matapos bayaran ang ale, oo naman, nagbayad ako, umalis na ako at tumambay sa isang tabi upang magbasa ng mga kalutangan ng isang italyanong kwentistang isinalin sa ingles, at habang nagbabasa, nagmumuni kung ano ang hinithit ng italyanong ito at ano ang hinithit nung nagsalin at parang gusto ko rin atang testingin kung ano man iyon.

Wednesday, January 11, 2012

Pag-iiba-iba sa Salitang Pag-ibig (Margaret Atwood)

Burador, slashwrist. Kinda hard ito at yung esensya at tono na lang ang kinuha ko. Well, ganun naman ata talaga sa lahat. Yung "this word is not enought but it will have to do," nagpasya na lang akong gawing "hindi sapat ang salitang ito, ngunit mainam na ring katumbas," tas syempre lohikal lang namang baguhin yung love bilang four-letter word at pag-ibig bilang seven-letter word, at iba pang shit, daming shit, kainis.

Pumapag-ibig na rin lang, share ko na rin ang naispatang status update ni Prof. Gerry Lanuza: "Tanong ng aking estudyante: Kailan daw magkakaroon ng tunay at dalisay na pagmamahalan? Kapag nabuwag na ang sistemang nagtuturo sa atin na ang lahat ay may kapalit. Kapag nawala na ang presyong nakatatak sa ating mga kaluluwa. Kapag nagmahal na tayo hindi dahil sa pang ekonomiyang dahilan. Kapag nagmahal na tayo lagpas sa kagandahan, yaman, ugali o ano pa man. Hanggat hindi pa nabubuwag ang sistema ng pagmamay-ari patuloy pa rin akong magpupumilit na magmamahal ng walang presyo at kapalit! Habang dinudurog ang sistema ng palitan at presyuhan."

Tas dagdag ko na rin ang link sa Pag-ibig 101 (PDI) ni Anca Paje.

Pag-iiba-iba sa Salitang Pag-ibig
ni Margaret Atwood, salin ni Acuña

Isa itong salitang ginagamit natin upang pasakan
ang mga butas. Sakto ang sukat nito sa marubdob
na mga pagkukulang sa pananalita, para sa kanilang pulang hugis-
pusong mga bakante sa pahinang hindi kawangis
ng tunay na mga kasingkasing. Dagdagan ng binurdahang tela
at maibebenta mo
ito. Isingit din natin ito sa isang hungkag
na siwang sa nakaimprentang sulating
walang anumang panuto. May buong
mga babasahing walang gaanong laman
kundi ang salitang pag-ibig, maari mo
itong ipanghilod sa kabuuan ng iyong katawan at maari
mo rin itong lutuin. Paano namin malalamang
hindi ito ang nangyayari sa mga malalamig
na pagpapasasa ng mga linta sa ilalim ng mamasamasang
mga piraso ng karton? Maging ang mga binhi
ng damong pinangsusundot ang kanilang mga nguso
sa mga letsugas, ay ito ang hinihinyaw.
Pag-ibig! Pag-ibig! halinghing ng mga sundalo, tinataas
ang kumukutitap nilang mga kutsilyo sa pag-saludo.

At naririyan tayong
dalawa. Ang salitang ito
ay masyadong maikli para sa atin, mayroon lamang itong
pitong titik, masyadong malaki ang mga pagitan
upang punuan yaong malalim at hayag
na mga kahungkagan sa gitna ng mga bituing
sa atin ipinapasan ang kanilang mga taingang kawali.
Hindi pag-ibig ang hindi natin nais
kabagsakan, ngunit ang pangambang iyon.
Hindi sapat ang salitang ito, ngunit mainam
na ring katumbas. Tatlo ang mga
patinig nito dito sa tila bakal
na katahimikan, isang bibig na nagsasabing
O muli at muli sa hiwaga
at hapdi, isang hininga, isang daliring
nakasabit sa bingit. Maari kang
kumapit o bumitiw.


Yak tong post na to. Sarap sukahan.

Tuesday, January 10, 2012

Sa Putang Numakaw sa Mga Tula ko (Charles Bukowski)

Burador, as usual. Same sentiments. Dapat may someting na ko maya. Nga pala, di ko sure kung tama ang line cuts. Yung source text kasi e ewan kung kinulang sa espasyo o ganun talaga ang formatting kaya since adaptasyon naman madalas, at madalas ko naman nang nababastos ang mga makatang sinasalin at inaangkin ko at ninanakawan (at isasalin at aangkinin at nanakawan), dumepende na ako sa instinct sa isang ito. Matsala sa pagbisita. At, ngayon ko lang naisip, para pala ito sa isang tao. Tsaka sa kin. K. Hayun. Ayus.

Sa Putang Numakaw sa Mga Tula ko
ni Charles Bukowski salin ni Tilde Acuña

Sabi nila, dapat nating ilayo ang pansariling panghihinayang mula sa tula,
manatiling matalinghaga, at may ilang dahilan dito,
pero susmaryosep,
labindalawang tulang nilimas at hindi ako nagtatabi ng kopya at nasa iyo
pati ang aking mga pininta, mga obra maestra; nakakapanlumo:
pinagtatangkaan mo ba akong durugin tulad nilang lahat?
bakit hindi kwarta ko ang kinupit mo? madalas nila iyang kinukuha
mula sa lasing na natutulog sa mga suluk-sulok.
sa susunod kunin mo ang kaliwa kong braso o isang siento
pero huwag ang aking mga tula:
hindi ako si Balagtas
pero minsan basta na lang
biglang nauubusan, matalinghaga man o hindi;
parating may pera at mga puta at mga lasing
hanggang sa huling lintik,
pero winika nga ng Diyos,
dumedekwatro pa yan,
nakikita ko kung saan ako lumikha ng sangkatutak na makata
ngunit hindi gaanong marami
ang mga tula.

Saturday, January 7, 2012

Kung Dapat Tayong Mamatay (Claude McKay)

Burador, as usual. Sa wakas, medyo disente, ata, na adaptasyon. Ang pangunahing naging problema ko rito e kung 'tayo' o 'kami' ang gagamitin. Tsaka yung "Like men" at "cowardly," binalak kong isaling "lalaking tunay" at "babakla-bakla." Kidding lang. Nirepaso ko na rin ito nang kaunti. Hayun. Muli, mga bathala, gusto ko na pong makasulat, pero, sa ngayon, ito muna.

Kung Dapat Tayong Mamatay
ni Claude McKay [text], salin ni Acuña

Kung dapat tayong mamatay, huwag hayaang maging parang baboy
Tinutugis at kinukulong sa karumaldumal na kural,
Habang kumakahol sa atin ang mga asong ulol at hayok,
Sinasagawa ang kanilang panlilibak sa ating sinumpang uri.
Kung dapat tayong mamatay, O hayaan nila tayong mamatay nang marangal,
Upang ang dugo nating pinakaiingata'y hindi tumigis
Nang walang katuturan; maging ang mga nilalansag nating halimaw
Ay maoobligang magpugay sa atin, bagamat mga bangkay!
O mga kapatid! salubungin natin ang panlahatang katunggali!
Kahit lubos na kapos sa bilang, tayo nang ipakita ang tapang,
at tapatan ang sanlibo nilang dagok ng isang pangwakas na bigwas!
Ano naman kung nakaabang sa atin ang nakabukang hukay?
Buong-giting nating harapin ang malulupit na kamadang bahag ang buntot,
Kahit pilit sinasandal sa dingding, nalalagutan ng hininga, patuloy pa ring papalag!

Ang Paghikbi ng mga Kampana (Walt Whitman)

Burador, as always. At, mas maikli. Hay. At, nabastos ang line-cuts. Sorry. At, nga pala, may tinimpi na naman akong essay. Ewan ko ba, tulad nga ng nabasa ko sa isang status message, di ko alam kung mas maingat ako ngayon o mas tamad sa pagsusulat. Sana yung former. At, sana makapagsulat na ulit ng sariling akda. Sa ngayon, ito muna.

Ang Paghikbi ng mga Kampana
ni Walt Whitman [text], salin ni Acuña

Ang paghikbi ng mga kampana, ang mga balita ng kamatayan kahit saan,
Ang pag-antig ng mga nakahimlay, ang pakikipagkapwa ng Sambayanan,
(Lubos nilang nalalamanan ang mensahe sa dilim,
Lubos silang babalik, tutugon sa kaibuturan ng kanilang dibdib,
kanilang isip, ang hapis na
alingawnaw,)
Ang marubdob na kalembang at kalansing--sa kada siyudad, dumurugtong,
tumutunog, bumabagtas,
Yaong mga pintig ng puso ng isang Bansa sa gabi.

Friday, January 6, 2012

Scratches and Sketches: It's More Crabs in the Philippines? O R'lyeh?

I've been translating, since I feel like I cannot write anything decent recently, but that's really beside the point. Before anything else, let me just say that I am writing this, and the commentaries to come, out of the need to speak my mind regarding a lot of art-related issues--as I have been having sentiments that I'd rather not air because of a motherfucker named self-censorship. Take whatever assertions herein as inquiries. This particular column shall be commentaries on sociopolitical issues. "Scratches & Sketches" was first used in my column at the Makiling Views community newspaper, a class requirement, way back 2008 [?].

I would rather not comment on the plagiarism, originality, It's more fun in Switzerland, commotion, whether it is a tagline, a headline, a slogan, or whatever is not something that bothers me, and I have no issue as regards the creativity, artfulness, and anything involving the aesthetics, the form, (though as a friend remarked, it is jeje, and I have nothing against jeje) but I think the genius behind the idea of "It's more fun in the Philippines" is something that deserves recognition. Why?

I think the choice of words prepared the campaign (yun nga ba tawag dun? di ako sure) for probable, perceived attacks. Whoever shall dare diss the campaign may outright be labeled as any of the following: killjoy (KJ!), pessimist, cynical, anti-Filipino, and, of course, talangka, or crab, as in crab mentality--the favorite catch phrase used by apologists against those who challenge the status quo by airing out sentiments (fave din nila yung, "puro naman kayo reklamo!").

Sadly, we have different persepectives. We think different thoughts, and we can't just support something because it is conceived by a kapwa Pilipino. Joining such a bandwagon of faux nationalism seems naive, if not misinformed. Maybe we should ask ourselves again, what or who is the Bayan? We love the chunks of islands, since they are ours, and they are beautiful and we shall be proud of it? Is that it? Territorial? Do you believe that we really our in control of our natural resources? And, what does it mean to be Makabayan, roughly translated as Nationalist? Does living in a delusion count? That we, the 99%, are doing fine and having fun? The problem of this culture of being carefree is double-edged. It may help us cope, but it may also develop indifference.

Now, you may opt to leave as you are discerning (lantaran na nga!) that this entry is nega or bad vibes (terms these days, awkward gamitin!), and if you do, go on and leave and live in your comfort zones where everything is fun and free from crabs, but try to consider and ponder how the sentiments are genuine. If you are still with me at this point, despite my being KJ, let me suggest that criticism against the campaign are neither baseless, pessimist, cynical whims nor the Filipino people loathing themselves for the sake of it. And, no, they are not being crabs because, I think, if we can agree and meet half-way at some point, it is the unity that we have that nationalism in us, and we do not fail at being proud and associating our selves with renowned Filipinos, claiming their victories as our own, since we are brothers and all that kinship, support etc etc.

So, no, criticism does not necessarily mean crab mentality, especially if the sentiments are shared by a number of people who has nothing to do, or has no relation at all, or has no personal grudges against the minds behind the campaign. Sentiments questioning the truth in the claim that "It's more fun in the Philippines" are valid, objective, realistic, and down-to-earth. Well, you ask yourselves, is it really more fun in the Philippines? Well, it is. The government puts premium to corporate interests at the expense of the living conditions of its people, cares a hell lot more about what the tourists think at the expense of what the people feel, and accepts the destiny of this country to be a cash cow at the expense of genuine service to its people, among many other punchlines that are so fun they hurt.

It is fine to laugh things away by making fun of the campaign and turning it into a meme, but it is sad if it shall end there. It is up to us to make the Philippines more fun for the rest of us who felt that the campaign is misleading. Being drunk with happiness is different from having fun while coping with the times and pushing for change. The former discourages thinking--reacting against any critical thought, pushing any suggestion away, reeking of boundless, mindless liberty, while the latter opens the room for discourse--attempting to find certain truths, welcoming alternatives, and struggling to unite.

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]