Tuesday, September 30, 2014

setyembre at ilang katapusan

ilang yugto ang nagwakas bagamat hindi pa napopormal. sa aba kong tantsa, huling mga linya (dibuho at salita) ko na ito sa isang publikasyon. ganoon talaga. nagwawakas ang mga bagay. wala namang hindi natatapos. narito ang dalawang huling dibuho, lumabas at nailimbag ang una, hindi ang ikalawa.





narito naman ang ilang simula. maganda ang weekend dahil may dumating na mga aklat. gulok pa ang pa-epek na ginamit kong pangbukas. wala rin kasing malapit na gunting o cutter.






nariyan naman pagkatapos ng cut ang huling ambag na artikulo hinggil sa filipino bilang asignatura. samantalang may inaantay pang alternatibong midyang pumayag na maglabas ng [ilang] shit ko. update: bago matapos ang araw, up na ang artikulong "Ang Walang Modo at ang Walang Galos: Hinggil sa Collection ni Abad." hanggang dito muna at apir. hanggang sa muli. ihahabol ko ang bagong disenyo ng aking tumblr (hindi tumblog ok?), kasi wakas ito ng simula ng wakas ng simula wateber da fvck dat means. kbye.





***

General Education at Globalisasyon:
Isip, Salita at Gawa Para Kanino?*

Sunday, September 21, 2014

marca demonio martial law

imao's installation captured by de leon's photograph grayscaled by ~, sourced from [gmanetwork]. in line with this, contend-up released a martial law commemoration statement, its filipino translation, and another statement issued supporting the "hooligans" aka "enemies of the university" as labeled by certain student "leaders" and "teachers" from the up school of economics.

Wednesday, September 17, 2014

Huling tula ni Victor Jara

isinulat daw ito sa concentration camp, kinabisa at itinakas ng ibang bilanggong pulitikal; isinulat ng makatang Chileanong si Victor Jara ilang saglit bago siya paslangin noong Setyembre 17, 1973; aking isinalin sa parehong petsa, makalipas ang 41 taon. pasintabi na lamang kung may nauna na.

Limanlibo kaming
Nakakulong dito sa sulok ng bayan
Limanlibo kami
Ilan sa amin dito ang nagkalat sa bansa?

Monday, September 15, 2014

graduate colloquium weekend, erasure presentation

as mentioned [earlier], i discuss [Nihil Vers: ode to deCo] this coming weekend, sept 20, at the cal graduate colloquium. book of abstracts with programme schedule, [downloadable]. after the *** is the abstract with the necessary hyperlinks (the abstract is included in the linked pdf file, pero, of course, no links sa stuff). also, an announcement: five three copies of nihil vers left, for those who reserved a copy, please drop me an email, an sms, a pm, or communicate in whatever manner, if you are still interested, so i keep a copy for you. i might print another batch, emphasis on *might*, but the next batch of copies might be cheaper and, what, uglier, than the first edition. kidding aside, i am uncertain whether i'll print another batch because the prints are limited: 40 copies, 20 different prints, only 2 copies per print. and i have to fund other projects and, again, produce limited copies, so i that they're out there, for whatever purpose they may serve. also, i *might* bring a print of the set of the recent Kritika Kultura collab, but i won't sell it, i'll just show it for the benefit of those who haven't seen it yet, since, as of the moment, the kk site is having some sorta problem. so, please drop by and try to [pre-register], kasi limited ata ang lunch or something. thank you. see you.

***

Omitted Texts, Overwritten Codes and E-rased Works: A Cutback
by Tilde Acuña

Three years may be too short a time since my first venture into erasure, but I think it merits introspection as much has changed in my manner of engagement. In 2011, “eraserase002” was published in Under the Storm: Anthology of Contemporary Philippine Poetry. Admittedly, I responded to the call for submissions with drafts that I consider in-progress, since editors Khavn dela Cruz and Joel Toledo say they look for “wasak” poems.
     In 2012, a set with the aforementioned work came out in the erasures anthology but the words get in the way, assembled by Adam David. I thought I made a naïve mistake by erasing Brecht, but on hindsight, I re-think and re-consider that the project somewhat puts into practice his verfremdungseffekt. Only, it does not and I am making excuses for youthful forays I enjoyed.
     Kritika Kultura No. 23 includes “Madrid 1884” and “Tondo 1892,” collaborative works with Dennis Aguinaldo. Preceding the aforesaid sets are entries in a picture dictionary, a larger work-in-progress with Aguinaldo: “bookworm two,” “flog two” and “workhorse two,” published in the online journal transit. The “eraserase” set and these recent works differ in execution, as the latter makes use of webpages as source text and of digitally rendered drawings as liquid paper (whiteout) or pentel pen (black out).
     Finally, a project—building on insights from previous ones—attempts to enact violence on something I deem violent. In Nihil Vers: ode to deCo, I censor a document that aims to censor expression and suppress basic rights, in the fashion of industrial band Laibach's strategy that Zizek calls “over-identification,” which exaggerates dominant ideologies as a means of exposition.
     Thus, my practice of obliterating texts evolved from an ekphrastic, quasi-artistic play; to a collaborative reflection on layers of meaning-making; and finally to a critical interrogation and outright mockery of ridiculously repressive policies, censored and pushed to its extremes through defacement via erasure.

Friday, September 12, 2014

Thursday, September 11, 2014

Huwag Hayaang Mapawi ang Sandaling Maaliwalas

Huwag Hayaang Mapawi ang Sandaling Maaliwalas
aking malayang salin ng tula ni Adam Zagajewski

Huwag hayaang mapawi ang sandaling maaliwalas
Pabayaang tumagal ang matingkad na kuru-kuro
kahit halos puno na ang pahina ng umaandap na liyab
Hindi pa natin napapantayan ang ating mga sarili
Mabagal lumago ang kaalaman tulad ng ngipin
Sungki pa rin ang tayog ng sangkatauhan
sa itaas ng puting pinto
Mula sa malayo, ang masiglang tinig ng trumpeta
at ng awiting tulad ng kuting kung tumiklop
Hindi nahuhulog sa kawalan ang anumang lumilipas
Ipinalalamon pa rin ng hurnero ang uling sa apoy
Huwag hayaang mapawi ang sandaling maaliwalas
Sa matigas at tigang na bagay
Kailangan mong lilukin ang katotohanan

Tuesday, September 9, 2014

apatalastas* - sept events

*yes the pun sux, ok, i know. here are the details, reminders, and shit, since some of the events were mentioned earlier:


doppelganger appears during at least two of these four events, most probably the asterisked ones: doble katha* (upd, cmc or maskom, thursday, sept 11, 4-6 pm), wisik (uplb, dl umali, sept 12-14, whole day), amalgam: unauthorized introduction to contemporary visual surplus (artery, sept 13, 3pm?), cal graduate colloquium* (upd, cal or fc, sept 20, whole day)---where i present a paper about my most recent work, how it came about, and other previous works it has built on; i shall post the abstract of the paper "Omitted Texts, Overwritten Codes and E-rased Works: A Cutback" soon.

Monday, September 8, 2014

Monocultural Manic Monday Mechanicality VI

generic post: ngayong araw, muling napatunayang tulad ng napatunayan at mapapatunayan sa mga susunod pang mga araw  na nais, fetish, kaligayahan ng mga utak-makina at ahente ng makinang umiiral ang panghahawa (kahit contagious na nga ito kahit hindi tahasang manghawa) sa lahat ng tao ng pagiging makina nila. sa ganang akin, at sa relasyon sa ganitong kairalang nagaganap sa loob ng mapagpanggap na bastion of democracy, ang akademya, gagawin ko na ring mekanikal ang paglabas ng mga piyesang nabuo sa ngayo'y tuluyan nang naging mekanikal na ring espasyo. makina ang manggagawa. dapat sumunod sa batas. may takdang oras. takdang anumang shit. dapat ipatupad ng manager ang mga batas. pero hindi nangangahulugang dapat din silang sumunod dito. sa kasamaang palad, napapaligiran ka ng mga ganitong magugulang na nilalang. pakikibaka na ata ang pagpapanatili ng bait, pero hindi sapat ang ganitong tipo ng pakikibakang maintenance shit lang ng sanity. anyway, scheduled ang mga post ng blog entries. kung nakapagpost ako rito, hindi nangangahulugang nag-online ako, dahil naka-iskedyul nga ang mga post (kaya walang tampo mode pag hindi ako nakatugon sa email pero nakapag-blog ako, ganyan, anyway, eto na da list!):

[X] "Agrobiodiversity and Monoculture Homogenization in Agri/Culture" (UP Forum, 2011). [X] "The Fight for Education as Dress Rehearsal" (UP Forum, 2011). [X] "Community Sterilization and the Cataclysm" (UP Forum, 2012). [X] "Pamana at Pagkalinga ng mga Inang Makabayan" (UP Forum, 2012). [X] "Beyond the Bark: Reexamining our Roots" (UP Forum, 2012).  [X] "Enabling Law Disabling 'Small Dictatorships'" (UP Forum, 2013). [X] "Power Switch: Reconsidering Renewable Energy" (UP Forum, 2013). [X] "Indigenous Research: Settle to Unsettle, Learn to Unlearn" (UP Forum, 2014). [X] "Fortun, Forensics and the Yolanda Aftermath: Recovery, Storage, System Restore, Repeat" (UP Forum, 2014). "General Education at Globalisasyon: Isip, Salita at Gawa Para Kanino?" (UP Forum, 2014)

magbabago ang listahan sa bawat post. simulan na natin.


Fortun, Forensics and the Yolanda Aftermath
Recovery, Storage, System Restore, Repeat


Sunday, September 7, 2014

MAYNILA NILA*

*bahagi ng work-in-progress na tentatibong pinamagatang TETANO na dagdag sa sandamakmak na work-in-progress. zine ito siyempre. hindi naman ako magsasapubliko ng stuff na hindi zine material o diyaryo material. yung mga panlibro, ay nasa kani-kanilang pahina sa, well, libro o publikasyon.

sikip ng dibdib,
awa ng putang

walang sasakyang
tambutso,
ang hudyat
sa pagtakbo at pagtigil
ng eksena

Tuesday, September 2, 2014

Basag Trip: Krus na Gilas

Ayaw n'yo bang tantanan
ang palakasan? Gan'to
naman lagi sa dulo:
inuman at uwian.

Monday, September 1, 2014

Monocultural Manic Monday Mechanicality V

generic post: ngayong araw, muling napatunayang tulad ng napatunayan at mapapatunayan sa mga susunod pang mga araw  na nais, fetish, kaligayahan ng mga utak-makina at ahente ng makinang umiiral ang panghahawa (kahit contagious na nga ito kahit hindi tahasang manghawa) sa lahat ng tao ng pagiging makina nila. sa ganang akin, at sa relasyon sa ganitong kairalang nagaganap sa loob ng mapagpanggap na bastion of democracy, ang akademya, gagawin ko na ring mekanikal ang paglabas ng mga piyesang nabuo sa ngayo'y tuluyan nang naging mekanikal na ring espasyo. makina ang manggagawa. dapat sumunod sa batas. may takdang oras. takdang anumang shit. dapat ipatupad ng manager ang mga batas. pero hindi nangangahulugang dapat din silang sumunod dito. sa kasamaang palad, napapaligiran ka ng mga ganitong magugulang na nilalang. pakikibaka na ata ang pagpapanatili ng bait, pero hindi sapat ang ganitong tipo ng pakikibakang maintenance shit lang ng sanity. anyway, scheduled ang mga post ng blog entries. kung nakapagpost ako rito, hindi nangangahulugang nag-online ako, dahil naka-iskedyul nga ang mga post (kaya walang tampo mode pag hindi ako nakatugon sa email pero nakapag-blog ako, ganyan, anyway, eto na da list!):

[X] "Agrobiodiversity and Monoculture Homogenization in Agri/Culture" (UP Forum, 2011). [X] "The Fight for Education as Dress Rehearsal" (UP Forum, 2011). [--] "Community Sterilization and the Cataclysm" (UP Forum, 2012). [X] "Pamana at Pagkalinga ng mga Inang Makabayan" (UP Forum, 2012). [X] "Beyond the Bark: Reexamining our Roots" (UP Forum, 2012).  [--] "Enabling Law Disabling 'Small Dictatorships'" (UP Forum, 2013). [--] "Power Switch: Reconsidering Renewable Energy" (UP Forum, 2013). "Indigenous Research: Settle to Unsettle, Learn to Unlearn" (UP Forum, 2014). "Fortun, Forensics and the Yolanda Aftermath: Recovery, Storage, System Restore, Repeat" (UP Forum, 2014). "General Education at Globalisasyon: Isip, Salita at Gawa Para Kanino?" (UP Forum, 2014)

magbabago ang listahan sa bawat post. simulan na natin.


Indigenous Research: Settle to Unsettle, Learn to Unlearn


Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]