isinulat daw ito sa concentration camp, kinabisa at itinakas ng ibang bilanggong pulitikal; isinulat ng makatang Chileanong si Victor Jara ilang saglit bago siya paslangin noong Setyembre 17, 1973; aking isinalin sa parehong petsa, makalipas ang 41 taon. pasintabi na lamang kung may nauna na.
Limanlibo kaming
Nakakulong dito sa sulok ng bayan
Limanlibo kami
Ilan sa amin dito ang nagkalat sa bansa?
Ganyan kalaking bahagi ng sangkatauhang
ginugutom, giniginaw, sinisindak at sinasaktan
Anim na sa amin ang tuluyan nang nawala
At sumama na sa mga bituin sa langit.
Isang pinatay, mayroon pang ginulpi
Tulad ng taong hindi ko lubos-maisip
kung paano ginulpi
Nais na lang wakasan ng apat
ang pinagdaraanang lagim
Lumundag sa kanyang kamatayan ang isa
Dinurog ng isa ang kanyang bungo sa dingding
Ngunit lahat sila'y
Nakatitig nang tapat sa mata ng kamatayan.
Sampunlibo kaming kamay
Na hindi na makagawa
Ilan sa amin dito
Ang nagkalat sa bansa?
Ang dugong pinadanak ng kasama n'yong Pangulo'y
Higit pang nakapangyayari kaysa bomba at masinggan
Sa katulad na lakas ang sama-sama nating kamao'y
Muling lulusob balang araw.
Awit, anong kasalatan mo!
Kung kailan kailangan kong umawit, hindi maaari
Hindi maaari dahil ako ay buhay pa
Hindi maaari dahil ako ay namamatay na
Natatakot akong matagpuan ang sariling
Naliligaw sa walang hanggang sandali
Kung saan katahimikan at mga sigawan
Ang mga layunin ng aking awit
Kung anong nakikita ko ngayon, hindi ko pa nakikita
Kung anong nadarama ko at kung anong aking nadama'y
magagawang bukal muli ang sandali.
Wednesday, September 17, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment