Saturday, January 27, 2018

mediocrity at mocha uson fiction (at hiatus again)

kailan pa naging brilliant ang naive? apparently, last week at sa previous years and decades na binibinyagan ng godfathers bilang brilliant ang mga akda ng mga godchildren nila.

bilang lurker sa social media, may nadiscover akong disturbing. may kumakalat palang piyesang awfully familiar. reminiscent of "Apo sa Ika-22 Siglo" (nasa INWW 2016 proceedings, 2017?) at "Mga Abstrak na Parangal" (nasa Entrada, 2016; print version this 2018?) at "Apo sa Ika-22 Siglo: Mga Abstrak" (2017; zine). ibinahagi ko ang mixed feelings sa ilang kaibigan, at na-validate naman (haha) as kauna-unawa ang discomfort. may basbas ang mocha-fiction ng mga nagfifeeling na new protest literature pioneers, pero walang kakayanang mag-define at mag-historicize.

kung may joy kang nadarama sa superficial gazette, baka magustuhan mo ang piyesang bina-blind-item dito. para sa akin true to its name ang superficial gazette. pero popular.

may mga hilaw talagang kapag inilalako, bumebenta. sapat at masarap na ito para sa mga hindi sopistikado ang panlasa. hindi ako nangmamaliit. hindi kasalanan ninuman, maliban ng sistemang edukasyon.

puwede na iyong hilaw, kung makakapawi ng takam sa "bago," kahit bigo at mediocre at inferior at walang vision. may mga lason nga ang inilalako, hindi lang bumebenta, yumayaman pa.

ang clone, dapat superior sa orihinal. enhanced. hindi clone ang nakita ko. borador na pinuri ng mga ninong ng panitikang nananalampalataya sa bagong kritisismo. kinilig ang naglako. nasa yugto ng boyhood. wag lang humantong sa pagsusulat nito at pag-aastang CV. dapat tantanan ko na ang lurker mode. para mahinog na yung mga tinatapos na inaakala kong makabuluhan at ipinapalagay kong makakapag-ambag kung aabangan ang pagkakayari. uulitin ko na lang dito bilang pagwawakas ang huling post (at sana manatiling huli!) sa aking tanging social media account:

patalastas: bawas Materials, for Preposterity. wala muna ngayon. sana makaisa man lang kada buwan. bawas social media rin, kung madidisiplina ang sarili. dapat. may kailangan ma[g]tapos this sem. kung may kailangan kayo sa akin, o ako sa inyo, email. sa ngayon, iwan ko muna rito ang mga salita ng nang-iwang si Ursula K. Le Guin. mula sa "The Birthday of the World":


No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]