Sunday, April 21, 2019

itineraryo, kahit saan

perpektong excuse itong linggo ng pagkabuhay para sa tila nekromantikong reanimation sa espasyong ito at magbahagi ng repleksyon. ewan e, biglang natulak na isuma ang pag-iral sa daigdig sa simpleng paglabas kanina sa lungga upang bumili ng pagkain sa labas. sa panahong patay ang anak ng dios, nabuhay ako sa tinapay, granola, tubig, gatas, kape, at pana-panahong alak. kung ikukumpara sa kinahantungan ang balak kanina sa unang hapunan ko matapos ang Huling Hapunan Niya , may aral ng buhay at muling-pagkabuhay:

natagalan bago ako lumabas ng bahay dahil nakakatamad, nagupo na naman ako sa pagtingin sa mga online bookshop at pumili ng mga librong hindi ko naman agad mababasa, at iba pang kaululan, nagmuni, ano bang gusto kong kainin, hanggang magpasya: plan (a): aroy mak: thai food, sa ikatlong pagkakataon, nung lunesanto at martesanto (o miyerkulesanto ba?), dito rin ako e, gusto ko ng shrimp tom yum at extra rice sa aroy mak (mas oks rice dito e); else, plan (b) ministop uncle john's chicken, at extra rice sa may malapit sa amin (mas mura kasi at mas marami). game na, game na. along the way, sa mas malapit, nakakita ako ng shawarma. ignore. may plans a at b na ako, e. nakarating sa aroy mak. walang ilaw. huhu. oks, kaya nga may plan b e. so ministop, pero nagpasyang sumugal, mas mahal extra rice kaso, ewan, by any chance, baka pahinga mode pa ang kapit-bahay tindahan? tinignan ko ang inignore na shawarma rice, shet, mukhang mas mura at solb, sayang, dapat hindi na ako nagpakalayu-layo. buntong-hininga pero along the way pauwi, kalma naman na. tas mas napanatag dahil panalo sa mini-sugal sa mas-mahal-nang-kaunting kanin sa ministop kasi: sarado ang secret garden sa malapet. sa dulo ng kuwento, moral lesson: may mga tama at maling pasya tas sa dulo oks lang ang lahat, ganda pa ng full moon. bahagi ng pinned tweet: magugunaw / gunaw na ang mundo, ano pang inaalala natin? (fatalistik ba ito? hindi. maipapaliwanag ko ba ngayon? hindi rin)

wala pang materials, for preposterity bagamat andami nang napag-interesang paksain, pero habang wala pa, narito ang ambag sa debasement. in a few days, baka magbahagi rin ng ilang bagay, aktibidad, kuru-kuro, sa absens ng kolum articles at presens ng tweets. possibly, arkibo ng tweets na handang isapubliko? kung may mga follower rekwes na di ko pa natugunan, pasensya na. pa-safe space (delusion, i know) ko ang twitter, so pag approved kayo, baka tsamba lang, pag hindi, baka hindi ko kilala ang twitter handle ninyo. mauugnayan naman ako sa ibang paraan, at makikita kung saan.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]