Friday, January 31, 2020

re: flex on 2020

antagal nang walang update bagamat wala namang humihiling, pero palagay ko mainam itala ang mga hindi naitala dahil andali nang makalimot at dahil malapit na ata ang wakas. ano ba naman yung alalahanin at itala ang mga bagay-bagay. after ng cut, mas mga ganap o timeline ov sorts after april 2019 siguro? klik mo na lang kung tutuloy ka, walang kaso kung hinde


pasakalye shit: hinggil sa entry na ito: proof of life marahil at pag-keep-track sa ilang marapat konsiderahing tagumpay para hindi malugmok. andalas na ring malugmok. huwag na lamang idetalye. hinggil sa litrato: gusto ko i-joke sa mga klase kaso hindi naideliver na fidel starter pack ang banggles; sana naman dapat naman siya ang piliing tsanselor pero sa lunes pa magkakaalaman; latest manga, nakaplastic pa, bubuksan lamang kapag nakabalik sa pagbu-bullet journal. hinggil sa entry at litrato: sabi ni k na nagbigay ng banggles hindi raw ako cat person (wala rin naman akong alagang pusa) cat daw ako mismo



akademik shit: sa wakas nakapagtapos ng MA noong midyear, may oks at hindi oks na idinulot, sana dapat marebisa para sa anumang anyo ng (mga) publikasyon ang output sa endeavour na ito. related but not quite, ang kaka-upload last year na "Balagtas's Fourth Revolt in Dead Balagtas" at ang nabanggit sa ibang blog entry na ilustraxon. fiction shit: noong 2018 pa lumabas ang "Sa Kabihasnan," pero mabuti at maaari nang maaccess online. sana rin, mailathala na ang Sigwa: Anthology of Climate Fiction na inedit nina pem & kom, kung saan kasama ang "Postscript to a Transmutation." essay shit: "Zine qua non: malversations" (thnx avs & dv) sa jacket2 at "Hulaw" (kasama sina cdv at ro) sa banwa at "Perya at Protesta sa Pebrero" (lapit na feb fair!) sa the basement at ilang artikulo sa CCP Encyclopedia of Philippine Art 2nd edition. tula shit: "Kasa Saka Iba Pang Tula." marami pa akong tinayp ditong binura rin. next time na lang. sa wakas, update, entry, 2020!

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]