Tunay ngang sandata ng walang kapangyarihan ang satire, pero nagagamit ito minsan ng mga makapangyarihan para lalong gipitin ang mga api [1]. Bilang dibuhista, muntik na rin akong mahulog sa bitag ng mabilis na pag-husga sa karahasan pero may nabasang nakapagpakunot-noo [2]. Mali ang pumatay. Dapat ipaglaban ang karapatan ng LAHAT sa pamamahayag. Walang debate rito. Kaso, sa aktwal, ang pagpatay sa mga gitnang-uring dibuhista at ang pagkundena rito ang tanging nabibigyan ng espasyo. Pinalalampas ang pagpatay sa mabababang-uring walang trabaho--sibilyan man o ang mga walang ibang pagpipilian kundi ang mag-armas tulad ng mga Muslim sa Pransya. Pero iba at mahaba pa itong usapin.
Ang punto: kalayaan sa pamamayahag ang anumang kritisismo tulad nitong aking isinulat at ng ginawa ng Charlie Hebdo [3]. Bukod sa bakit sila pinaslang, sino nga ba ang pumaslang sa kanila? Sino ang makikinabang? Ang aping mamamayang Muslim ba talaga? Mukhang hindi, lalo at hindi rin nila ito ginusto [4].
ni josel nicolas











