Wednesday, March 25, 2015

prompt thought balloon

thought repaso will sort of, really, revise and/or perhaps rectify how things are meant to be received. what to give and when to give in and how to grieve or perhaps how to gracefully proceed toward the yearned entropy--these are recurring questions begging for answers, no matter how inept.

Saturday, February 28, 2015

KK reading this March

in "Flatter, Flatten: Erasure as a Political Gesture," a paper i am working on, i will be discussing about previous and forthcoming projects. the reading and craft talk will be this coming March 2, 4:30 pm, 4/f Rizal Library at Ateneo de Manila University. Raymond de Borja's talk is titled "A Possible Line." more details [here]. i shall also sell zines. this is the last of the kritika kultura reading series this academic school year. that is all, i thank you, see you there, bye

Friday, January 23, 2015

events etc as enero ends

 
as of the moment, two (2) things in the past: 1) yesterday january 22 we commemorate the 28th year of mendiola massacre, rushed the second [salungguhit] for the year, the first one being a [pakyu] about the fare hike; and 2) a discussion posted january 14 about monico atienza's kaibigan poem [up at tektstong bopis], with the comedian, as the [charlie hebdo incident] still gives me and friends some kinda heartache and headache. two (2) forthcoming things: 1) [the cabinet] [revives] itself tomorrow january 24 530pm at [bltx 6 once more with feelings], and the journal will feature our work; and 2) [contend]'s first critical pedagogy series this year "Mula sa Papa Tungo sa Masa: Pope Francis and the Politics of Religion in the Philippines" this coming january 28 at cm recto hall CAL UP Diliman, 9am to 12nn, more images after the cut

Sunday, January 11, 2015

enero event exhibit



1) mula college of arts and letters, nailipat na sa college of mass comm ang condemned exhibit at matutunghayan pa rin ito ngayong linggo; 2) bltx sa parating na weekend, pero wala ako dun, pero maraming panalong publikasyong magiging available doon; at 3) kinalas na sa lucban quezon ang factsheet exhibit, at dadalhin ito sa maynila: FACTSHEET 7 | MANILA LEG / Exhibit Schedule: Jan.21-22: Street Exhibit | Mendiola / Jan.27-Feb.7: School of Fine Arts and Design (SFAD) Gallery, PWU MANILA / Jan.27: Exhibit Opening | 5-8pm / Feb.4: ART Talk & Human Rights Discussion X Artists' Walkthrough | 1-5pm / hanggang dito muna okbye

Friday, January 9, 2015

Pagtalak at Pagpapatahimik: Kuro-kuro sa "Komedya" at sa Charlie Hebdo

(May disclaimer ako sa ibaba. Nasa ibaba dahil ayokong nasa itaas dahil baka makaantala sa mambabasa. Burador ito.)

Tunay ngang sandata ng walang kapangyarihan ang satire, pero nagagamit ito minsan ng mga makapangyarihan para lalong gipitin ang mga api [1]. Bilang dibuhista, muntik na rin akong mahulog sa bitag ng mabilis na pag-husga sa karahasan pero may nabasang nakapagpakunot-noo [2]. Mali ang pumatay. Dapat ipaglaban ang karapatan ng LAHAT sa pamamahayag. Walang debate rito. Kaso, sa aktwal, ang pagpatay sa mga gitnang-uring dibuhista at ang pagkundena rito ang tanging nabibigyan ng espasyo. Pinalalampas ang pagpatay sa mabababang-uring walang trabaho--sibilyan man o ang mga walang ibang pagpipilian kundi ang mag-armas tulad ng mga Muslim sa Pransya. Pero iba at mahaba pa itong usapin.

Ang punto: kalayaan sa pamamayahag ang anumang kritisismo tulad nitong aking isinulat at ng ginawa ng Charlie Hebdo [3]. Bukod sa bakit sila pinaslang, sino nga ba ang pumaslang sa kanila? Sino ang makikinabang? Ang aping mamamayang Muslim ba talaga? Mukhang hindi, lalo at hindi rin nila ito ginusto [4].

ni josel nicolas

Wednesday, December 31, 2014

bago dumating ang kambing

sa taong naghihingalong ito, 2014, ata pinakakaunti ang mga naipaskil kong update sa buhay. itinuturing ko itong tagumpay dahil pagbabawas ito ng pagbabahagi ng sarili, na tingin ko, mabuting disiplina sa panahong nalululong sa sarili ang lahat ng may kakayanang mag-ere ng sarili, sa henerasyong selfie ang validation ng existence. nabanggit ko sa social media account kong ayoko mag-account ng 2014 sa venue na iyon, pero sa venue na ito, mapagbibigyan naman siguro ako dahil hindi naman mapupunta rito ang mambabasa kung hindi niya ninais mapadpad dito.


ito ang huling dibuho ko sa taong ito. nabanggit ko na ito sa social media. na "ito na sana ang kailangang buwelo para matapos ang mga gawaing nakabinbin pa rin. may mga panahon ata talagang mas masayang gumawa ng hindi nakaplano at nauuna pa ito sa mga nasa to-do list. ayoko nang i-account dito, pero naging mabuti ang 2014. medyo mataas ang aasahan sa 2015, dahil taon ito ng mga kambing. ya know, goat, isa sa mga paboritong hayop. happy new year sa lahat. tribute kay fritz lang ang drawing." hayaan na ninyo akong mag-indulge. after ng pangungusap na ito ang accounting bago dumating ang kambing, isa sa paboritong hayop maliban sa matandang ulupong ng 2012:

Thursday, December 25, 2014

Mga Salita* (Garcellano) ++

Mga Salita
malayang salin ni Tilde Acuna
ng tula ni Edel Garcellano

Ipinapalagay ng salita ang isang katahimikang
sa katunaya'y batbat ng mga salitang
nangangahulugan ng ganito & ng ganoon
& wala nang iba.
Oo, tila kinakapos ang lahat
sa totoong pag-uusap
dahil binibigo tayo ng mga salita.
Pero nalulunod tayo sa ilog ng mga salita
na tila kabulaanan ang binibigkas,
isang pagtataksil sa inaakalang kahulugan.
Walang kaligtasan sa pagwiwika ng mga salita--
Pero anong sandata ang gagamitin natin
laban sa mga naniniil & nananakal?
Nananakmal ang katahimikan
pero kailangang patuloy tayong lumikha ng salitang
babasag
sa makapal na salaming namamagitan sa atin.
Dakila ang tungkulin.
Balewala ang panulaan.

Saturday, December 6, 2014

laban sa pandarambong

ha'yan na ang hagupit
ng uring haciendero:
matalinghagang tangke
ang panlaban sa Bagyo.

Friday, December 5, 2014

"splitting the atom" ++

from the college of fine arts, the CONDEMNED exhibit is now at hardin ng mga diwata of the college of arts and letters. if things go well, a print edition of our komix "Die Philosophen" (a slightly different version from the one that appeared in highchair 18: poetry comics issue) shall be available at BLTX VI (makiki-squat ata ako sa may bandang Cabinet). following* "Nang Mag-agaw-dilim ang mga Kabataang Mangangaso sa Majayjay" of Factsheet 6, is my contribution to Fact Sheet 7 / Down the Drain: The Wasted State of Human Rights under the Aquino Regime, "Splitting the Atom," which is about the illegal detention case of physicist, environmentalist, activist, professor Kim Gargar:



let us brace ourselves for Hagupit and bear with the crap that is the Aquino regime, so we have enough strength for vigilance and for mass action. taas kamaong solidarity sa panawagan para sa climate justice at para sa karapatang pantao!

Friday, November 21, 2014

CONDEMNED installation

list of participating artists
[SOS statement of CONTEND-UP]
 [save our schools page link]
 poster, channeling david mazzucchelli
 detail of "blackout / video home studies"
and of "whiteout / bandage solutions"
by yours truly
w artworx from jose ardivilla / mitzi reyes / romanlito austria / ninel constantino / rita gudiño / ruben de jesus /  marc san valentin / leonilo doloricon / cesar hernando / jamel obnamia / manolo sicat / tilde acuña / august patacsil / brisa dominguez / mich barcenas / kean barrameda / deo cuerdo / patricia non / nat dagmang / janine dimaranan, exhibit runs until november 28

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]