After the cut are translations (of translations?) of poems originally written by two favorite Polish poets, next, of course, to dear Szymborska. "Try to Praise the Mutilated World" by Adam Zagajewski; and "Faith" by Czeslaw Milosz.
Subukang Purihin ang Mundong Pinira-piraso
malayang salin ni Tilde Acuña (ng salin ng?)
tula ni Adam Zagajewski
Subukang purihin ang mundong pinira-piraso.
Alalahanin ang mahahabang araw ng Hunyo,
at ang mga ligaw na aratilis, ang mga patak ng alak, ang hamog.
Ang mga damong madiskarteng lumalago at sumasapaw
sa mga inabandonang bahay ng mga dinistiyero.
Dapat mong purihin ang mundong pinira-piraso.
Umantabay ka sa nauusong mga yate at mga bapor;
isa sa mga ito ang bumiyahe nang matagal at nauna,
habang maalat na pagkalimot ang naghihintay sa iba pa.
Nakita mong walang mapupuntahan ang mga bakwit,
narinig mong maligayang umaawit ang mga berdugo.
Dapat mong purihin ang mundong pinira-piraso.
Alalahanin ang mga saglit na magkasama tayo
sa isang puting silid at humahayuhay ang kurtina.
Ibalik sa isip ang konsiyerto kung saan sumiklab ang musika.
Namitas ka ng mga bunga sa liwasan noong taglagas
at umalimpuyo ang mga dahon sa mga pilat ng daigdig.
Purihin ang mundong pinira-piraso
at ang abuhing balahibong naiwala ng maya,
at ang banayad na ilaw na nawawalay at nagmamaliw
at nagbabalik.
Pananalig
malayang salin ni Tilde Acuña (ng salin ng?)
tula ni Czeslaw Milosz
Ang salitang Pananalig ay nangangahulugang kapag may nakitang
Isang patak ng hamog o isang dahong lumulutang, at nalalamang
sila ay gayon, sapagkat dapat silang maging.
At kahit pa ika'y nanaginip, o nagpinid ng mga mata
At humiling, mananatili ang daigdig sa kung ano ito noon,
At ang dahon ay maaanod pa rin at magpapadala sa ilog.
Nangangahulugan itong kapag nasaktan ang isang paa
Ng isang matalas na bato, nalalaman ding ang mga bato
Ay naririto upang makapanakit ng ating mga paa.
Pagmasdan, tignan ang mahabang aninong nagmumula sa mga puno;
At ang mga bulaklak at mga taong nagtatapon ng anino sa lupa:
Anumang walang taglay na anino ay walang lakas manatiling buhay.
Saturday, October 27, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment