Friday, May 31, 2013

plug + tulang walang tuldok

hindi na marahil mapepreempt at hindi na siguro kalabisang ianunsyo nang maaga na may aanihing dalawang tanim (tho, ewan ko, yung ibang "in press," nananatiling "in press," at hindi pala kami nag-iisa sa LLAB na nagkakahasel sa paglalabas ng antho): isa sa [antolohiya ng iyas] ("binhi," aking banggit sa [sinaunang blog entry]) na inaasahan kong bumibiyahe na mula bacolod patungong kamaynilaan, at isa sa [antolohiya ng querida] ("mistress," malamang, obyus) na inaasahan kong nasa palimbagan na at lalabas bago matapos itong taon. pasasalamat sa u.s.l.s at anvil; at magpopost ako ng update kapag mayroon nang anuman tulad nito: may write-up hinggil sa iyas antho sa [balay sugidanun]. salamat mam gen. isang piyesa ang ibabahagi ko bago ang finale sa sinimulang pag-intindi sa bunganga ng [buwaya]:

tulang walang tuldok
hinalaw ni tilde acuña
sa salin ni chana bloch
ng tula ni yehuda amichai

nasa loob ng museong bagong-tatag
ang isang sinaunang templo,
nasa loob ng templo
ang aking sarili,
nasa loob ng aking sarili
ang aking puso,
nasa loob ng aking puso
ang isang museo,
nasa loob ng museo
ang isang templo,
nasa loob nito
ako,
nasa loob ko
ang aking puso,
nasa loob ng aking puso
ang isang museo

No comments:

Post a Comment

There was an error in this gadget

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
There was an error in this gadget