mula ang teksto sa nagluluto ng bopis, na baka maghain din ng anotasyon tungkol sa kolaborasyong ito. mula ang guhit sa inyong lingkod na magbabahagi ng ilang tala, post-process realization shiz, hinggil sa paglalapat ng imahe:
- pahinga ito sa horror vacui na tripping, deviation sa nakasanayang paninibugho sa espasyo. tulad ito marahil ng 'origin of the leech' komix, na isang paghinga, pahinga, intermission sa serye ng paggalugad sa kung anu-ano nitong phenomena ng omaca-an;
- sa relaxed mode o supposed na pagpapahingang ito gayong araw ng paggawa, tila nasa mga tumutunghay o bumabasa rin ang 'trabaho' dahil marami at mayaman ang piyesa sa references, sa kapwa titik o sa guhit na umangkop. ang saysay ng mga ginagayon ay wala lamang sa mismong hinabing mga salita at nabuong mga hugis, nasa pagitan din ito ng mga linya. at sa kasong ito, kung saan may aspetong biswal, may mahihinuha rin sa mga gutter na siyang namamagitan, nag-uugnay sa mga panel;
- nag-uusisa ang pyesa, at naglalatag ng mga posibilidad sa kabila ng pagtitipid (pagtitimpi?) ng mga salita na siyang tinangkang paigtingin ng minimalist na atake sa paggawa ng mga imaheng tinuturing na mas mga 'icon' kaysa 'illustration,' subalit piniling umiwas ng mga naturang imaheng ito sa pagsagot sa mga ihinaing tanong ng teksto at ipaubaya, ipagkatiwala ito sa mga mambabasa, tagatunghay; at
- tinangka ring tapatan ng mga panel ang pagkakaroon ng constraint ng tula, kaya nagpasyang sa 5 x 5 ilagay, ikahon ang mga salita, bagamat binasag din sa huli ng pamagat at bylines ang self-imposed constraint na ito. naririto ang piyesa sa orihinal na pagkakahati nito sa mga taludtod:
Kay Amang Jose ba itong araw
O sa banal na Santa Walpurga?
Sa obrero, o sa mangkukulam?
May kinalaman rito ang uri
Ng indayog, ang hugis ng usal,
Ang pamumugad sa mga binti
Ng hilot. Saan ba ilalagak
Ang turnilyo: kung mananatili
Sa besagra, o magiging sangkap—
Kaninong sopas ito? At ano
Ang timpla? Ngayong uhaw sa patak,
O patikim, sa iyong delubyo.
[ uy, may labor day logo shiz ang google o]
No comments:
Post a Comment