Tuesday, August 12, 2014

Takbo ng Kaayusan

Takbo ng Kaayusan
malayang salin ni Tilde Acuna
ng tula ni Lena Khalaf Tuffaha


"Tinatawagan nila kami ngayon.
Bago nila ilaglag ang mga bomba.
Kumuliling ang telepono
at isang nakakaalam ng palayaw ko
ang tumawag at nagwika sa perpektong Arabe
"Si David ito."
Sa pagkagulantang ko sa mga sonikong dagundong at mga himig ng salaming nababasag
na nadudurog pa rin sa paligid ng aking isipan
inalala ko "May kakilala ba akong kung sinong David sa Gaza?"
Tinatawagan nila kami ngayon upang sabihing
Takbo na.

Monday, August 11, 2014

Monocultural Manic Monday Mechanicality II

generic post: ngayong araw, muling napatunayang tulad ng napatunayan at mapapatunayan sa mga susunod pang mga araw  na nais, fetish, kaligayahan ng mga utak-makina at ahente ng makinang umiiral ang panghahawa (kahit contagious na nga ito kahit hindi tahasang manghawa) sa lahat ng tao ng pagiging makina nila. sa ganang akin, at sa relasyon sa ganitong kairalang nagaganap sa loob ng mapagpanggap na bastion of democracy, ang akademya, gagawin ko na ring mekanikal ang paglabas ng mga piyesang nabuo sa ngayo'y tuluyan nang naging mekanikal na ring espasyo. makina ang manggagawa. dapat sumunod sa batas. may takdang oras. takdang anumang shit. dapat ipatupad ng manager ang mga batas. pero hindi nangangahulugang dapat din silang sumunod dito. sa kasamaang palad, napapaligiran ka ng mga ganitong magugulang na nilalang. pakikibaka na ata ang pagpapanatili ng bait, pero hindi sapat ang ganitong tipo ng pakikibakang maintenance shit lang ng sanity. anyway, scheduled ang mga post ng blog entries. kung nakapagpost ako rito, hindi nangangahulugang nag-online ako, dahil naka-iskedyul nga ang mga post (kaya walang tampo mode pag hindi ako nakatugon sa email pero nakapag-blog ako, ganyan, anyway, eto na da list!):


[X] "Agrobiodiversity and Monoculture Homogenization in Agri/Culture" (UP Forum, 2011). [X] "The Fight for Education as Dress Rehearsal" (UP Forum, 2011). [X] "Community Sterilization and the Cataclysm" (UP Forum, 2012). [X] "Pamana at Pagkalinga ng mga Inang Makabayan" (UP Forum, 2012). [X] "Beyond the Bark: Reexamining our Roots" (UP Forum, 2012).  [--] "Enabling Law Disabling 'Small Dictatorships'" (UP Forum, 2013). [--] "Power Switch: Reconsidering Renewable Energy" (UP Forum, 2013). "Fortun, Forensics and the Yolanda Aftermath: Recovery, Storage, System Restore, Repeat" (UP Forum, 2014). "General Education at Globalisasyon: Isip, Salita at Gawa Para Kanino?" (UP Forum, 2014)

magbabago ang listahan sa bawat post. simulan na natin.

Community Sterilization and the Cataclysm

Thursday, August 7, 2014

Operation Pakawalang Tingga

*hindi ko direktang masipi ang salin sa ingles dahil tila may kaunting mga sabit, pero pasasalamat kay Rizzo at naging accessible ang napapanahong komentaryo ni Galeano hinggil sa pananalakay (hindi pa nga ata matatawag na "giyera" dahil hindi naman patas ang laban, ika nga ni Edel Garcellano somewhere sa Knife's Edge) ng Israel sa Palestine*

Operation Pakawalang Tingga (Galeano)
malayang salin ng [salin] ni Mary Rizzo
ng [artikulo] ni Eduardo Galeano

Upang mapawalang-sala nito ang sarili, lumilikha ang terorismo ng estado ng mga terorista: naghahasik ito ng matinding galit at gumagapas ng mga pangangatwiran.

Monday, August 4, 2014

Monocultural Manic Monday Mechanicality I

sa kasamaang palad hindi ko na matutupad ang [panata]. ngayong araw, muling napatunayang nais, fetish, kaligayahan ng mga utak-makina at ahente ng makinang umiiral ang panghahawa (kahit contagious na nga ito kahit hindi tahasang manghawa) sa lahat ng tao ng pagiging makina nila. sa ganang akin, at sa relasyon sa ganitong kairalang nagaganap sa loob ng mapagpanggap na bastion of democracy, ang akademya, gagawin ko na ring mekanikal ang paglabas ng mga piyesang nabuo sa ngayo'y tuluyan nang naging mekanikal na ring espasyo. makina ang manggagawa. dapat sumunod sa batas. may takdang oras. takdang anumang shit. dapat ipatupad ng manager ang mga batas. pero hindi nangangahulugang dapat din silang sumunod dito. sa kasamaang palad, napapaligiran ka ng mga ganitong magugulang na nilalang. pakikibaka na ata ang pagpapanatili ng bait, pero hindi sapat ang ganitong tipo ng pakikibakang maintenance shit lang ng sanity. anyway, scheduled ang mga post ng blog entries. kung nakapagpost ako rito, hindi nangangahulugang nag-online ako, dahil naka-iskedyul nga ang mga post (kaya walang tampo mode pag hindi ako nakatugon sa email pero nakapag-blog ako, ganyan, anyway, eto na da list!):

[X] "Agrobiodiversity and Monoculture Homogenization in Agri/Culture" (UP Forum, 2011). [X] "The Fight for Education as Dress Rehearsal" (UP Forum, 2011). [--] "Community Sterilization and the Cataclysm" (UP Forum, 2012). [X] "Pamana at Pagkalinga ng mga Inang Makabayan" (UP Forum, 2012). [X] "Beyond the Bark: Reexamining our Roots" (UP Forum, 2012).  [--] "Enabling Law Disabling 'Small Dictatorships'" (UP Forum, 2013). [--] "Power Switch: Reconsidering Renewable Energy" (UP Forum, 2013). "Fortun, Forensics and the Yolanda Aftermath: Recovery, Storage, System Restore, Repeat" (UP Forum, 2014). "General Education at Globalisasyon: Isip, Salita at Gawa Para Kanino?" (UP Forum, 2014)

magbabago ang listahan sa bawat post. simulan na natin.

Agrobiodiversity and Monoculture Homogenization in Agri/Culture

Saturday, August 2, 2014

Panahon (na naman) ng Wika

Mas konserbatibo ang hamon sa sarili sa Buwan ng Wika ng taong ito, kumpara sa aking [pagtatangka noong una pang panahon]. Pagsasalin muna ang nais kong tuunan ng pansin, at sa tantsa, hindi ko kakayanin itong araw-arawin. [Noon], nahuli na akong nagsimula pero nagawa pang makahabol at dumoble triple mag-maraming piyesa sa isang araw, pero hindi na ito posible ngayon  Lingguhan na lang siguro? Hindi. Minimum ng tatlo kada lingo. Tignan natin kung kakayanin. Dadayain ko rin ito. Baka mag-re-post ako ng mga artikulong nalathala sa UP Forum, dahil mukhang pahinga na muna ako sa pagsusulat sa publikasyon. Nagkataong ang huli kong artikulo, na malathala sana nang buo, ay tungkol sa globalisasyon edukasyon wika, ganyan. Tama na ang satsat, ito na ang una.

***

Pulitika at Panahon (mula sa “Sa Dibdib ng Dibdib ng Bayan”)
malayang salin ni Tilde ng piling sipi sa kwento ni William Gass

Para sa mga hindi umiibig may batas: ang maghari ... ang mag-areglo ... ang mag-wasto. Hindi ako makasusulat ng panulaan ng ganoong mga panukala, ang panulaan ng pulitika, pero minsan—madalas—ngayon parati—naroroon ako sa nakakabagabag na kapayapaan ng patas na kapangyarihang bumubuo sa Estado; tapos nakikipag-usap ako sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga dokumento, mga proklamasyon, mga kautusang lumalagos sa aking bituka.

Sunday, July 27, 2014

post-event post event

a realization after every, er, after: the struggle for a better world, buying then consuming books, creating then selling books and updating a personal blog. these, er, things have something in common: i told my self a thousand times that this is the last mass action that i will attend, this is the last book i will buy or read because i have no space for new books, this is the last project i will release because i question the relevance of my creative or critical work and this is the last entry up my personal blog because who the fvck cares anyway and whoever gives that fvck i don't think i deserve will end up not giving a fvck after, in the belief that people in the same cirumstance/s that i am in shouldn't act this way, shouldn't think of how alone we all are in the end, really, or maybe i am the only one alone. yet, i continue with the struggle, consumption, production and publication of realizations such as this post. yet, i thank the comrades, customers, collaborators and spaces such as this to say things such as these that shall end in a manner so abrupt that

Saturday, July 19, 2014

being laibach through xeroxography, bltxv resched


due to glendamage, havoc wreaked by the weather disturbance, disturbing images and thoughts shall be brought to you by pseudocuments two, gastronomical visions, baby love, and nihil vers, as enumerated in a previous post, next saturday, july 26. same venue, same peers, pedantic pedestrians will also sell their stuff at my spot. see you there! also considering selling prints, related, or not, to nihil vers. if you can't make it tho, we can meet-up. the four aforementioned zines are ready. that is all for now, i thank you! update: dark chapel of ssm compiles event posters [here].

Tuesday, July 15, 2014

forthcoming: nihil vers: ode to deCo - art - app

as [aforementioned], here's the cover. get a copy
of  NIHIL VERSE: ode to deCo (Art + App) 
and other zines and stuff this july 19 at BLTXV


Thursday, July 10, 2014

BLTXVOLTESV


tentative list of kalakal sa mesa: Pseudocuments Two: Files & Facts & Figures (2013) - P70; gastronomical visions (2013) - P70; Baby Love: Understanding Bestiality & Zoophilia (with Janine Dimaranan, 2014 pero tinatapos pa, TBA ang presyo!); NIHIL VERS: ode to deCo (Art. 1-3 + App. A & B) (2014 pero tinatapos pa, tinatapos pa, TBA ang presyo); stuff from Pedantic Pedestrians: Vandalisms w/ Citation (2014, TBA); Torture: A Manual (2014, TBA). BLTXV (Better Living Through Xeroxography 5), a small press expo / Uno Morato (Morato cor. E. Rodriguez, sa likod ng Sabroso Lechon) / 3 pm to sawa July 19 / takits

Tuesday, July 1, 2014

Leksyon ng Bomba

Leksyon ng Bomba
malayang salin ng sipi mula sa Ang Hari (The King) ni Donald Barthelme

Pero ipagpalagay mo ang lohika. Noong unang panahon, may layuning militar ang pambobomba o iba pa —paglusob sa looban ng riles, pagdurog sa mga pabrika ng kaaway, pagsara sa mga pantalan, mga gano'ng shit. Ngayon, hindi na gano'n. Ngayon, ginagawa ang pambobomba upang maging karanasang pang-edukasyon. Para sa mga binomba. Pedagohiya ang pambobomba. Sa bubungan, isang sibilyang may patpat ng puting posporus ang malalim na nag-iisip kung gaano katagal niya pang nais magpatuloy ang giyera.

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]