Takbo ng Kaayusan
malayang salin ni Tilde Acuna
ng tula ni Lena Khalaf Tuffaha
"Tinatawagan nila kami ngayon.
Bago nila ilaglag ang mga bomba.
Kumuliling ang telepono
at isang nakakaalam ng palayaw ko
ang tumawag at nagwika sa perpektong Arabe
"Si David ito."
Sa pagkagulantang ko sa mga sonikong dagundong at mga himig ng salaming nababasag
na nadudurog pa rin sa paligid ng aking isipan
inalala ko "May kakilala ba akong kung sinong David sa Gaza?"
Tinatawagan nila kami ngayon upang sabihing
Takbo na.
May 58 segundo mula sa pagtatapos nitong mensahe.
Bahay mo na ang susunod.
Tingin nila isa itong tipo
ng kagandahang loob sa panahon ng digma.
Hindi katwirang
wala nang tatakbuhan.
Walang kahulugan kung isinara na ang mga border
at walang halaga ang inyong mga papeles
at minamarkahan lang kayo ng sentensiyang panghabambuhay
sa bilangguang itong nasa tabing-dagat
at makitid ang eskinita
at maraming buhay ng taong
isinisiksik laban sa iba pa
higit pa saanmang lugar sa daigdig.
Basta't tumakbo na.
Hindi namin pinagtatangkaan ang buhay ninyo.
Hindi katwirang
hindi ninyo kami matatawagan upang sabihin sa amin
na wala sa bahay n'yo ang mga taong sinasabi naming kailangan namin
na walang ibang naririto
kundi kayo at ang inyong mga anak
silang mga pumapalakpak para sa Argentina
nagsasalu-salo sa huling tinapay para sa linggong ito
nagbibilang ng natitirang kandila, sakaling mawalan ng kuryente.
Hindi katwirang mayroong mga bata.
Naninirahan kayo sa maling lugar
at ngayon na ang pagkakataon ninyong tumakbo
sa kawalaan.
Hindi katwirang
kulang ang 58 segundo
upang hanapin ang album ng inyong kasal
o ang paboritong kumot ng inyong binata
o ang halos tapos nang aplikasyon sa kolehiyo ng inyong dalaga
o ang inyong mga panyapak
o ang pagtitipon ng bawat kasama ninyo sa bahay.
Hindi katwiran kung anumang inyong plano.
Hindi katwiran kung sino kayo
Patunayan ninyong tao kayo.
Patunayan ninyong sa dalawang binti kayo tumitindig.
Takbo na."
Tuesday, August 12, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment