nais kong magdagdag sa naispatang [listahan] ng 11 na pinakakalunus-lunos na katotohanan ng UPCAT o University of the Philippines College Admission Test. ika-12: kahit lumusot ka, baka hindi ka pa rin makapasok dahil matindi maningil ng matrikula ang UP. malala pa sa private school. mas mahal pa ata sa USTe.
ang makasagot ng sumusunod na tanong (leakage sa UPCAT c/o Prop. Andrada via [fb post]) nang komprehensibo, papasa ng UPCAT at gagraduate nang marangal at mahusay at tunay palaban makabayan at iskolarli na iskolar ng bayan (meron kasing mga hindi scholarly, yung maraming kacheapang nalalaman, scum ng sanlibutan):
MATH: Kung minimum wage earner ang mga magulang mo pero nalagay ka sa Bracket A at 15 units ang load mo at may miscellaneous fees pa, gastos sa xerox, pagkain, load, pamasahe, dorm, internet, tawas, at may iba ka pang kapatid na nag-aaral, magkano ang katinuan?
LANGUAGE: Bakit sinabihan ni Rizal ang CHED at gobyernong Aquino na: "Ang hindi magmahal sa sariling wika daig pa ang sangsang ng malansang isda?"
LOGICAL REASONING: Matapos ang 27 games, nakapanalo ng isa sa men's basketbol. Bonfire sa Sunken, hindi lang aprubado kundi dinaluhan pa ng Tsanselor Tan at President Pascual. Matapos ang mahabang panahon ng pagtatago ng berdugo at ulo ng pandurukot at pamamaslang na si Palparan, at hanggang ngayon ay nawawala pa rin ang UP students na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan, saan nakakuha ng antropolohikal na apog at kapal ng mukha ng neanderthal si Tsanselor Tan para ipatigil ang Bonfire for Justice sa Sunken?
READING COMPREHENSION: Sa kantang UP Naming Mahal, buti pa ang bulwagan, may dangal.
nais ko namang balikan ang graduating self kong galit sa mundo. may ipinost din ako sa lumang blog noong Agosto 2010, mga panahong pinapakshet din ako ng mga pakshet sa pamantasan, baka kaya ganito ang naisulat ng aking angry youthful self (unedited, pagbigyan ang nakababatang self ko, ok?):
"A Friendly Reminder to UPCAT takers and an ROTC commentary"
GO HOME na lang. Alright?
[Read on na lang for my points. Discouragement ito. Cynical na pananaw sa Unibersidad ng Pilipinas. Kung ayaw mong makabasa ng ganun, pwede ka nang umexit sa page na ito. Salamat sa interes sa mapagpanggap na title ng post. Joke lang yung title. Hindi ito in English. Sorry. ]
Una, kasi, paUPCAT UPCAT ka pa, di ka naman papasa. Sayang yung gastos sa pinang-review mo para sa college entrance exams. Better, kung hindi ka na nag-review. Tulad ko. Pero lumusot naman akong Computer Science Program sa UPLB. Anyway, moving on.
Pangalawa, kung pumasa ka, di ka naman makakabayad. Dahil ipinasa noong 2006 ang 300% Tuition Increase. Bale, 1,000php na kada unit, by default ang babayaran mo. So, around 21,000php siguro yun, dahil sa misc. fees. At, may nabasa pa ako, sa Philippine Collegian ata yun, na posibleng umabot ng 1 million pesos kada taon na? Paki-verify. Di ako sure. Tinatamad ako magtanong kay Google.
Pangatlo, kung makabayad ka, hindi ka rin makakatapos. In general, dahil ipinanukala na naman ang mandatory ROTC. More on that later, kung bakit maari kang hindi makatapos dahil dito. In particular naman sa UPLB, dahil may pauso na itago na lang natin sa pangalang Large Lecture Class Policy. Bale, ganito lang naman yun: sa isang class, 200+ kayong mga estudyante. Ewan ko kung pano ka matututo dun. Unless, gusto mo magpaka-martyr--isang unfounded at unnecessary martrydom--sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti dahil high ka sa ideya na "tagaUP naman ako, dapat lang magtiyaga kasi iskolar ng bayan para sa bayan at mga lingkod ng bayan at kabataan ang pag-asa ng bayan at kabataan ang messiah at lulutas sa krisis at bla bla bla." Gising gising. Droga talaga minsan ang teorya at "kaalaman" no? Kainis lalo pag niroromanticize tas dun nagtatapos.
Pang-apat, kung makatapos ka, wala namang trabaho. Kung meron man, kadalasan, hindi related sa kursong tinapos mo. Ika nga ng isang UP alumnus na hindi ko na maalala kung sino, dati daw parang passport mo na sa success sa career ang UP diploma. Ngayon, asa. Goodluck.
Panlima, kung magkatrabaho ka, mababa sweldo. At kung mataas sweldo, either swerte ka o may something. Pero, sige, ipagpalagay na lang nating swerte ka, para walang away. Ang trabaho at pagtatapos naman, hindi lang sa tiyaga o kakayanan. Laging may external factors. Hindi lahat ng UP graduate, kahit may latin surname pa yan, magagaling. Anyway, mag-iiwan na lang akong quote mula kay Confucius. Narinig ko to sa TV eh, sa isang show sa umaga. Yung may "punto por punto," kaso ampanget din ng suri nung Tsinoy na host. Pfft. Lagi na lang ako nalolost sa spontaneity kuno ko, eto yung quote:
“In a country well governed, poverty is something to be ashamed of. In a country badly governed, wealth is something to be ashamed of.” - Confucius
Yung suri niya sa ROTC, eh tulad ng suri ng madaming pa-moral at pa-nationalist, para daw sa ikauunlad ng bansa. Bakit ka di makakatapos sa UP o anumang University dahil sa ROTC? Sige, enumeration ulet. Pwede namang i-refute ang mga 'to. Kaso, ewan ko kung me nagbabasa netong blog ko. Feeling ko, wala naman. Hehe. Anyway, eto na.
Una, sa krisis sa edukasyon at sa krisis panlipunan, in one way or another, maari kang maging student-activist habang nasa kolehiyo. Pwedeng maging member ka ng mass organization, traditional organization, student institution tulad ng student council o student publication--or, at the very least, ng isang bloc o barkadahan.
Lahat ng ito, matatamaan ng policies na iluluwal ng education crisis. Tulad ng large class na nabanggit ko kanina. Tinetesting ito sa UPLB, tulad ng nakasanayan ng UP admin. Then, iiimplement sa buong UP system. Then, iiimplement sa other stat universities and colleges, at maging sa private schools. Tulad ng tuition increase. So, malamang magiging advocate ka ng something--unless wala ka talagang pakialam sa kahit anong bagay sa mundo. At anumang advocate ng something, ay tinatratong terorista--unless Social Democrat ka. Hehe. Though minsan, tinatamaan sila. Pero siyempre, mas madalas, mga National Democrat. At ang terorista, tinitiktikan ng AFP. At ang ROTC, ginagamit ng AFP.
Pangalawa, cool ka. Ayaw mo magpagupit. Ayaw mo magROTC.
Pangatlo, bakla ka. Or, di ka pa naga-out, pero may mga sintomas ka na. Tas dahil homophobe yang mga milits na hahawak sa ROTC, at dapat manly ka, ayaw mo magROTC.
Pang-apat, wag naman sana mangyari, mapagtitripan ka ng mga umaastang diyos ng ROTC. Worst case, matulad ka kay Mark Chua ng UST. Kung di mo siya kilala, i-google. May artik nga tungkol sa kanya sa wiki. Grabe ka naman kung hindi mo siya kilala. Kidding. Pero, di nga. Posibleng maulit ang trahedya.
Panlima, at pinakaseryoso [naks]. Tunay kang iskolar ng bayan. Naniniwala ka sa critical thinking. Tingin mo, bullsh*t ang kaisipang "yessir! yessir!" At kino-quote mo ang Yoko ng Eraserheads [source]:
"Nasayang ang maghapon, ano ang napala?
Basura sa utak, sunburn sa batok at noo,
Nagmamartsang parang gago sa ilalim ng araw,
Baril na kahoy pinapaikot-ikot parang langaw
Paano irerespeto opiser na bobo?
Puro demitkadit, natutuli na ako,
Parang tooth decay, patakarang walang silbi,
Minsan gusto ko ng sumali ng NPA
Blow them shit away.
Tigilan na tong raket, raket ng gobyerno,
'Di ko na kelangan ng pang-aabuso nyo
Ginagawa kang puppet, puppet ng army,
Yoko na, yoko na, yoko na, yoko na, Yoko nang magCMT!
Sistemang paulit ulit, masyadong makulit,
Mukha ka pang niyog sa generic na gupit
Stick to the wall, both of you, Don't eyeball me in the eye
Drop, give me a hundred and 10, Tunton kanan, sabay sabay.
Gastos lang tong uniporme,
Pakikialaman mula kuko hanggang bigote
Amoy Glo ka na sa kintab at dulas,
Putik at pawis ka na paglabas.
Tigilan na tong raket, raket ng gobyerno,
Di ko na kelangan ng pang-aabuso nyo,
Ginagawa kang puppet, puppet ng military,
Yoko na, yoko na, yoko na, yoko na, Yoko nang magCMT!"
So, ano? Disiplina ba talaga yang ROTC? Pagiging tunay na makabayan? Tignan mo sandatahang lakas natin at ang human rights violation record nila. Sa alternative press ha. Tae kasi mainstream media, kadalasan. At sabihin mo sa akin kung disiplinado sila at maka-"bayan," kung ang bayan sa kontekstong ito ay ang taumbayan at hindi ang gobyerno.
O, ano? Mag-uUPCAT ka pa? Go. Mag-aaral ka pa? Go. Give it your best shot. Goodluck. Sana iconsider mo ang mga naipunto kong mga payong kaibigan, kasi close tayo di ba? Kasi, magkaibigan tayo. Ediwag. Anyway, kung maguUPCAT ka, makakapasa, makakabayad, magkakatrabaho, ito lang sana: Paglingkuran ang Sambayanan.
[Naks, may ganung ending. Tss. Hehe.]
Sunday, August 17, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment