burador ang salin tulad ng lahat ng salin. bago matapos ang 2012, lumabas sa kamao: mga salin ng mga tula ni mao zedong [scribd] [issuu] ang portrait ni mao, at ang adaptasyon kong "dalawang ibon: isang huntahan," na lumabas rin sa qbccc3 at siklab. ang imahe sa ibaba ay bangungot ii na lumabas sa thursday never looking back [ybb]. ang bangungot i ay unang lumabas sa philippine literary folio [blog]. ang salin ng tula ni anna swir ay, ayan, nasa ibaba
Aking Bubuksan ang Bintana
malayang salin ni Tilde Acuña
ng tula ni Anna Swir
Masyadong nagtagal ang ating pagkakayakap.
Umibig tayo nang sagad hanggang buto.
Naririnig ko ang mga butong nadudurog, nakikita ko
ang ating dalawang kalansay.
Naghihintay ako ngayon
hanggang ika'y lumisan, hanggang
ang kalampag ng iyong mga panyapak
ay hindi na marinig. Ngayon, tahimik.
Mag-isa akong matutulog mamayang gabi
sa kubrekama ng kadalisayan.
Pag-iisa
ang unang panukat ng kalinisan.
Pag-iisang
magpapalapad sa mga dingding ng kuwarto,
aking bubuksan ang bintana
at papasok ang malakas, malamig na hangin,
kalusugan bilang trahedya.
Papasok ang pantaong pagninilay,
pati ang pantaong pakikialam,
kasawian ng ibang tao, kabutihan ng ibang tao.
Mag-uusap sila nang malumanay at mabalasik.
Huwag ka nang darating.
Isa akong halimaw,
napakadalang.
Thursday, January 3, 2013
Aking Bubuksan ang Bintana
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment