Wednesday, August 8, 2012

Reverence [viii]: Nicole



*About REVERENCE: Posts labeled with reverence are photographs or images of people the resident of the carcosite admires like a fangurl. Entries such as this shall have no caption or labels, besides this caption that shall blankly describe what REVERENCE is. So blank that all you can do is wander via google about the featured entity and wonder. Well, this is, simply, a facade for fangurling; and an attempt to pretend that the label REVERENCE means something. Yes, hollow words, I know. Good day. By the way, there is a good chance that I am preparing or planning some sort of (private) hagiography for revered entities featured herein. Images below are lifted without permission from [bystarlight.org]*


"Manila, I am so happy that we still get to play tomorrow night. My heart was breaking when I thought we would be leaving here without rocking out for you!"


Tuesday, August 7, 2012

Kaligtasan (Dunn)

burador. [walang pasok ngayon, gov't offices, universities.] 
causa sui. sana ay ligtas ang lahat. mapanalasang umaga.
[silipin dito ang horror sa mga lovecraftiang pelikula.]

Kaligtasan
sobrang layang salin ni Tilde Acuña ng tula ni Stephen Dunn

Monday, August 6, 2012

Sa Isang Bintana (Sandburg)

burador. walang pasok bukas. fields of the nephilim.

Sa Isang Bintana
salin ni Tilde Acuña ng tula ni Carl Sandburg

Wednesday, August 1, 2012

shameful asuang plug

i don't know what to say. and the speechlessness doesn't necessarily mean i am happy. leaving it at that. below the cut is the complete list. lifted without permission. that is all. (let me link the final entry to last year's 31-day writing challenge at teka, bakit ako nag-iingles-ingles e buwan ng wika? ang pasimuno ng hamong iyon noon ay si ser german gervacio. ang huli kong piyesa ay fanfiction. pamagat ay "komentaryo ng kalbo" na may zine na rin, pwede umorder sa akin, iilang kopya na lamang iyon, pero kung nais mo basahin, hindi ko naman ipagdaramot: [basahin ang "komentaryo ng kalbo" at silipin ang links sa 31 na piyesa na hindi naman 31 dahil sa ilang "pandaraya."])


ASUANG by PAPER MONSTER PRESS | P150.00

Tuesday, July 31, 2012

Clotilde (Apollinaire)

burador. trip trip. bad trip.

Clotilde
salin ni Tilde Acuna
ng tula ni Guillaume Apollinaire

Anemona at kolumbina
Kung saan inilatag ng lungkot
Binuksan sa mga halamanan
Sa pagitan ng pag-ibig at pag-iring

Pinanlumo ng araw
Nagtagpo ang ating mga anino
Hanggang ang araw
Ay nilusaw ng gabi

Mga diwata ng tubig
Inilugay ang kanilang buhok
At ngayo'y dapat mong tuntunin
isang paghahangad sa takipsilim.

Monday, July 30, 2012

dagdag filipiniana section + kalas plug

kung makapanira ng schedule ang bagyo o. at ng momentum ang internet sa / suspension ng opisina o. at hindi pa nilubos. hindi man lang hinalf-day. thinree-fourths day pa o. at sa wakas, nakauwi na. at update lang sa buhay bukod sa SONA violence na gagawan ko, sana, ng kung anumang watsoeber na shit, oks, let the walangyang shameless plug galore slash groupie adventures commence:

noong biyernes, sa parangal slash lunsad-aklat slash exhibit slash birthday bash ni [jun cruz reyes], nakaiskor ako ng Ka Amado at nagpa-autograph na rin at kumain na rin at kinuha na rin ang tatlong inorder na aklat ni [mark angeles aka makoy] (Patikim, Emotero, Threesome) at nabigyan na rin ng compli copies ng Kalas, literary folio ng Kalasag, ang opisyal na papel pampahayagan ng kolehiyo ng arte at literatura (kal, akala ko, letra? yun ang nasa nasabing publikasyon. anyway--) ng unbersidad ng pilipinas diliman. apat na araw bago ang biyernes,  [wasakan sa SONA] at kinabukasan nitong martes, umiskor naman ako ng [La India or Island of the Disappeared] sa mismong lunsad-aklat ni rosario cruz-lucero, nakikain, nagpapirma, syempre naman. at, ayus dahil andami kong nakitang pamilyar na mga mukha sa dalawang lunsad-aklat sa katatapos na linggo.

sa Kalas, ilang akda ang inilimbag ng patnugutan ng Kalasag: mga tulang "Para sa ating mga Poncio Pilato," "Salusalungat na Piraso," "00 ô" na unang nilimbag bilang "[io]" sa [The Anthology of New Philippine Writing in English No .1 Spec. literary issue ng Kritika Kultura] ng ateneo de manila university; ang kuwentong "The Ouracle" na unang nilimbag sa Sunday Times Magazine; at ang mga dibuhong "Agricultural imperialism," "Error" na unang nilimbag sa UP Newsletter, at "Queen Inang Yellow" na unang nilimbag sa [Monstrous Memory Vol. 2 No. 1 May 2012 Special issue ng The Global Journal of Monsters and the Monstrous] ng the inter-disciplinary press (na hanggang ngayon yung compli ko e tila naligaw). muntik nang-- anyway, maraming matsala. at, nga pala, may nagrebyu ng ["Ang Sandatahang Banga (o Kung Bakit Maraming Banga sa Elbi)"], ngayon ko lang naalalang ibahagi. [naririto ang link sa rebyu]. that is all. i thank you.

Saturday, July 28, 2012

Paghihingalo (Pavese)

sa panahong naghihingalo dahil di makapagsulat, magsalin.

Paghihingalo
malayang salin ni Tilde Acuna
ng salin ni Geoffrey Brock
ng tula ni Cesare Pavese

Maglalagalag ako sa mga lansangang ito hanggang mamatay ako sa pagod,
matututo ako kung paano mabuhay mag-isa, kung paano salubungin ang mga mata
ng bawat dumaraang mukha at manatiling ang babaeng walang pinagbago.
Ang tumitinding lamig na umaabot sa aking mga ugat
ay mas tunay pang pagkamulat sa anumang aking naramdaman
sa umaga: ang kaso lamang, nararamdaman kong mas malakas pa ako kaysa
sa aking katawan, at mas malamig kaysa dati ang bingit ng umaga.

Saturday, July 21, 2012

Ang Taon ng Paggawa sa Pabrika

hindi ko alam kung paano maghihikayat dumalo sa SONA sa lunes. wala rin akong mailuwal na dibuho. ayoko rin tuwirang magsalin, kahit pa malaya. ito ang handog na halaw sa magtitiyaga at magbibigay ng oras. nasa pagitan ng mga linya ang kulo sa loob at pinagdaraanang hinagpis. yun lang. paumanhin sa drama shit. p.s. kung may kasalatan man, wala akong magagawa. paubos na load ng globe tattoo at hardkor sa kakupalan ang globe. wagas. makapwangwasak ng moment, hardkor.

Ang Taon ng Paggawa sa Pabrika
hinalaw ni Tilde Acuna sa tula ni Edward Hirsch

Thursday, July 19, 2012

Pasado Ala Una (Mayakovsky)

dahil kaarawan ng nagsabi ng, parang, ang sining ay hindi salaming nagpapakita kung ano ang lipunan kundi masong magpapanday at huhubog dito (isang quote na madalas naaattribute kay brecht, pero ang alam ko e kay mayakovsky nga ito), isang salin. may nauna na akong [dalawang salin] ng mga tula niya. kahapon, nagsalin ako ng ilang sipi dahil kaarawan ni [hunter s. thompson].

Pasado Ala Una
salin ni Tilde Acuña ng tula ni Vladimir Mayakovsky

Wednesday, July 18, 2012

shorts [ix]: hunter s. thompson sa peryodismo

dahil kaarawan ngayon ng pauso ng gonzo journalism, kahit hindi gaanong maayos ang pakiramdam ko, ano ba naman ang ilang saglit ng pagsasalin? bagamat hindi ko tiyak kung paano niya ito pinagdiriwang, maligayang kaarawan na rin kay hunter s. thompson. hindi mapantayan ng sinumang peryodista sa panahong ito ang bakal niyang yagbols at ang pamamakyu niya sa lipunan. sa future, umaasa ako, may katapat na siya. sana. nga pala, nakuha ang kung anu-anong ito sa kung saan-saan. wala na akong pake kung hahanapin mo pa ito, pero imumungkahi kong halawan na lamang ng aral. pagkatapos ng cut, may mga salitang hindi angkop sa batang mambabasa, bagamat may nagamit na rin pala akong.. anyway, eto na:

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]