Saturday, December 31, 2011

Pre-Bagong Taon Re-Post

Banta: puro ito tungkol sa akin, pasensya na. Reminiscing shit. Yung naka-blockquote, pagbabalik-tanaw yun sa 2009, pagwewelcome sa 2010. Yung komentaryo, pagkukumpara sa katatapos lang na 2011, kasi--

Wala pala akong post para sa new year noong iwewelcome ang 2011 at magpapaalam sa 2010. So, wala akong pagbabalik-tanaw sa 2010 blog entry. Naalala ko na kung bakit, hindi ko lang maibahagi pero bukas siguro, isasama ko. Ang naispatan ko, na ayoko i-link sa lumang blog kaya ni-re-post ko na lang ay:

" "Repleksyon sa Petsang Palindrome" noong 01022010

Medyo yan ang pamagat. Namiss ko tuloy magsulat nang conversational.

"Napressure na akong gumawa ng blog entry na pang-bagong taon, dahil sa nakakaaliw na petsang palindrome, salamat (sa anak ni) FR. Napressure, bagamat ilang pulgada na lang, at nasa kalahati pa lamang ako ng tinatapos na nobela. Ang tanging academic responsibility na hindi ko matapos-tapos dahil sa internal at eksternal na mga pang-aabala."

Hanggang IYAS workshop, bitbit ko itong tisis, nagkukumahog. Hanggang ngayon, work-in-progress itong kasabay ng santambak na works-in-progress na sana magprogress (mukha naman dahil may katuwang) at pipiliting bigyang-progress sa parating na taon bago mawasak ang mundo.

"Mapangwasak ng buhay ang taong 2009. Hindi ko malilimutan ang taon ng aking debut at ang pinaka-dabest na regalong natanggap ko, mula sa kaibigan ninyong bespren na SAY-ACT ang palayaw. Eleksyon noon. Walong estudyante ang pinangalanang komunista / terorista ng grupong gumagamit ng bangkay na taktika. Oldskul military tactic, ika nga namin sa mga room-to-room discussion. Natakot saglit. Natakot na natawa na hindi makapaniwala, dahil naihanay sa mga kilalang tibak, bagamat behind the scenes ang trip at nakasanayan kong pagkilos. Ang isang tulad kong ni hindi marunong magsalita nang diretso kapag nasa harap ng maraming tao, lalo na't tangan ang sandatang megaphone. Ang hindi ko malilimutang punto ng SAY-ACT na pinaparatang sa amin: "They act like normal students and denu their evil affiliations." Napakapanalo. Short fiction ang dating."

Nauulit na naman ata ito ngayon. Mainit na naman ang usaping iyan sa elbi.

"Ang reklamo ng ilang mga estudyante laban sa USC 07-08 at 08-09 na nagluwal ng desisyon ng Student Disciplinary Tribunal na suspindihin kami, nitong taon rin lang naganap. May ilan pang nangyari. Ang pagkaudlot ng graduation ko ng first sem, dahil nakialam si Chancy sa EIC selection process at ang inyong lingkod ang inappoint. At inupakan pa rin ng represyon sa pamamagitan ng hindi pagkolekta ng student fund ng UPLB Perspective. Binanatan din naman namin pabalik ang admin. Nakapaglabas ng tatlong special issue dahil sa suporta ng masang estudyante. At isang regular sized issue, sa dagdag na suporta ng mga alumni. Ang ganti nila? Ayun na. Suspension. Nawa'y umubra ang apila. Huwag kalimutan ang tatlondaang estudyanteng nanawagan ng pagpapatalsik kay Lt. Colonel Vivian Gonzales."

At ngayon, may manhunt sa berdugong wala naman palang yagbols.

"Mapangwasak, in the literal sense din ang 2009. Nagmarka si Ondoy, hindi lang sa kolektibong gunita ng bayan. Maging sa konkretong ari-arian ng mamamayan. Mga ganitong pagkakataon ang ginagamit ng mga reaksyunaryo para magpakalat ng malisya at panlilinlang na hindi naman gumana, dahil sa di-matawarang kamangmangan ng SAY-ACT, sa porma at nilalaman. Hindi na ako magpapalawig sa Ampatuan Massacre at ang inutil na reaksyon dito ng pamahalaan: Martial Law. At magpapatuloy ang literal na pangwawasak, bukod sa paninirang puri, kung mapapadalas ang pagtambay ng mga militar na naka-uniporme sa kampus."

At ngayon, kakadaan lamang ni Sendong. Tas--

"Ililista ko na lamang ang mga naaalala kong naganap noong nakaraan, bagamat sadyang mapurol ang memorya ko:"

Okay.

0. Naging bandwagoner ako, sa pamamagitan ng paggawa ng Facebook account.

Ngayon, may twitter pa ako. Juskogad. May tumblr, di nauupdate.

1. Una ko atang Lakbayan. At CEGP national convention.

Naki-campout at naki-strike naman ako this year.

2. Ilang waiting shed payong ang nawalay sa akin, nang hindi ko naman kasalanan. Nawalan rin ako ng maraming gamit tulad ng godlike cloak, haggard tickler, pera, at marami pang sana hindi ko maalalang naiwala ko. (Lately, graduation. With.. alam mo na. Wag na. Sikret.)

At wala na akong payong na katumbas ng crowbar.

3. Umepal ako sa tatlong art exhibit: Opus Elbi ng UP Painters' Club, Fact Sheet ng UPLB Zoomout Multimedia Collective, Talentados ng UP Photographers' Society.

Sa angkor wat ako naka-epal this time.

4. Naging arthrob, na pauso ng isang subject ng Comm Arts (yii. Salamat.), at nakapagshadowplay muli. (Tama ba? 2009 ang Arthrob, diba?) Gumawa ng backdrop, kasama ng KarMa Kolektib.

Wala akong komento dito. :L Ay, HU ART DAW Shakespeare icon na lang.

5. Nagdirek ng Martin Fierro at nagwagi ng 2nd place sa Epic battles ng Spanish I. May shadowplay din dito. At kami ang pinaka walang nagastos, kung ibabatay sa props at spectacle (Nadine, ang shirt natin? haha)

Naka one-minuter public service announcement naman kami, stopmotion.

6. Nagdisenyo din ng mga bagay na pangSakbayan. At natuto ng maraming bagay, sa proseso.

Naglelayout pa rin naman ako at gumuguhit. Ata. At, tiyak, natututo.

7. Napasaakin si Gehenna (ang laptop na puyat lagi).

Matagal na pala ang pinagsamahan namin.

8. Nakapaglabas muli, bagamat hindi pa rin regular, ng mga komiks ang KarMa Kolektib.

So far, may dalawang komix release. Collaborative pareho. "Ang Sandatahang Banga" [1][2] w Jona at Grekka at "Fragments: In Which We Are--" [1][2] w Alyza.

9. Umattend ng Philippine PEN Annual Conference at nakita sina F. Sionil Jose and Company. Nagpa-autograph na rin kay Bien Lumbera.

Haha. Kay RT at JCR ata ako nagpapirma this year.

10. Nagbasa ng kung anu-ano. Nakinig ng kung anu-ano. Nagdownload ng kung anu-ano. Nanuod ng kung anu-ano. Medyo natuto. Nakilala ka. Ikaw nga. (Yak, biglang drama)

See "Shards" posts. Tinatamad ako mag-link.

"Nanaginip ng kung anu-ano. Nakalimot ng kung anu-ano. Nanaginip ng kung anu-ano. Binangungot ng kung anu-ano. Nanahimik. Nag-ingay. Nagmuni-muni kung mananahimik o patuloy mag-iingay. At mag-iingay."

See "Reverences" posts. Tinatamad ako mag-link. Tas btw, may FB timeline pa. Na ampanget lang, pero eventually, babandwagon rin naman ako tulad mo, no choice. At ayun. Naulit lang ang ilang bagay, iba nga lang ang mukha. At, iba ang mga kasama. Hayun. Bukas na ipagpatuloy ang drama nostalgia shit na ito. Sabog na post, tutal, putukan naman mamaya. Yes, sa labas dapat, of course, wag sa loob, para di madisgrasya, yang joke na yan, parati na lang.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]