Monday, December 26, 2011

Tatlong Salin ng Mao Zedong

Kaarawan ni Chairman Mao kaya dapat may intro intro shit. Hindi ko alam kung sa tinagal-tagal ng pakikibaka ng mamamayan e may nauna nang nagsalin. Pero, wala pa kasi akong naiispatan. Anyway, ang napansin ko sa mga tula, partikular ito sa Tsina. Alay talaga marahil sa mamamayan ng Tsina. Tinangka ko munang pumili ng wala gaanong references sa mga lider o landmark ng Tsina para dumali ang buhay tas tinangka kong humanap ng kaunting kasagutan tungkol sa mga ginagayong espesipikong mga pangngalan, tas nagpasya akong gawing masaklaw yung ilang salin. Halimbawa, ang "Ang Pagdiriwang" ay medyo malayo na sa "The Double Ninth," dahil partikular ito sa Tsina at hindi ko mahanap ang katumbas nito sa lipunang Pilipino. Iniwasan ko ring gamitin ang 'niyebe' para sa 'snow' dahil ..ampanget. Tama nang daldal, eto na, kayo na bahala. Salamat sa pagbisita.

AT bago pala ang lahat, ito ang salin ko ng paboritong quote mula kay Lolo Mao: "Hindi pawang food trip sa gabi ang rebolusyon."

Ang Pagdiriwang
ni Mao Zedong [text], salin ni Acuña

Mabilis tumatanda ang tao, hindi ang Kalikasan:
Taun-taon bumabalik ang isang Pagdiriwang.
Sa Pagdiriwang na ito,
Mas mabango ang namumulaklak na amarilyo sa larangan ng digma.

Kada taon marahas ang ihip ng habagat ng taglagas,
Di tulad ng luwalhati ng tagsibol,
Ngunit nakahihigit sa luwalhati ng tagsibol,
Tunghayan ang walang wakas na saklaw ng maputing langit at dagat.

Tore ng Amarilyong Tagak
ni Mao Zedong [text], salin ni Acuña

Lubos, lubos dumaloy ang siyam na batis sa lahat ng dako ng lupain,
Lihim, lihim na lumulusot ang linya mula timog hanggang hilaga.
Lumabo sa makapal na usok ng mahamog na ambon
Kinandado ng Pawikan at Ulupong ang dakilang ilog.

Lumisan na ang amarilyong tagak, sinong nakakaalam kung saan pumaroon?
Tanging ang toreng ito ang nananatili upang multuhin ang mga panauhin.
Sinusumpa ko ang aking alak sa bumubulwak na ragasa,
Namimintog ang agos ng aking puso kasabay ng mga alon.

Mga Ulap ng Taglamig
ni Mao Zedong [text], salin ni Acuña

Mga ulap ng taglamig na pinabigat ng yelo, mulmol ng bulak na lumulutang,
Walang, kundi kakaunting, bulaklak na hindi pa nalalagas.
Umiihip ang along malamig palagos sa matarik na himpapawid,
Subalit mas nagiging marubdob ang hininga ng lupa.
Tanging mga bayani ang makasusupil sa mga tigre at musang
At hindi masisindak ng mababangis na oso ang magiting.
Binabati ng pamumulaklak ang umaalimpuyong yelo;
Naninigas at nasasawi ang mga munting mahihiwagang tutubi.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]