Monday, August 13, 2012

shorts [x]: lawa sa oktubre

walang kinalaman ang numerong 'x' sa piniling sipi. kaninang tanghali ko pa binasa ang kuwentong ito at napagpasyahang isalin kanina pa habang nanananghalian at hindi ko alam na ika-sampu na itong shorts. [tsinek ko at mula kay hunter s. thompson ang ika-ix.] andami kong shit na maaring ikunek-kunek sa iba pang shit tulad ng bukal ng pagkahumaling kong hindi pa nagwawakas pero tiyak namang magwawakas lalo at sapak sa buwan ang pagkakataong-- tama na. matapos ang ilang ligoy, naririto na ang kapiraso mula sa "The Lake" na siya ring piraso mula sa The October Country, kuleksyon ng mga kuwento ni Ray Bradbury:

Kinabukasan, lumuwas ako lulan ng tren.

Mahina ang alaala ng isang tren; mayamaya'y maiiwanan nito ang lahat. Makakalimutan nito ang maisan ng Illinois, ang batis ng kamusmusan, ang mga tulay, ang mga lawa, ang mga lambak, ang mga kubo, ang mga sakit at ang mga saya. Nilalatag ang mga ito ng sa tren sa kanyang likuran at nahuhulog ang mga ito sa abot-tanaw.

Binanat ko ang aking mga buto, nilagyan sila ng laman, binago ang mura kong isipan para sa isang mas may karanasan, tinapon ang mga saplot dahil hindi na sila bumabagay, lumipat mula balarila papunta sa hayskul, sa kolehiyo. At pagkatapos may isang dalaga doon sa Sacramento. Nakilala ko siya sa isang takdang panahon, at ikinasal kami. Nang mag-beinte-dos anyos na ako, halos nakalimutan ko na kung ano ang pakiramdam sa Silangan.

Minungkahi ni Margaret na ibalik sa dakong iyon ang naudlot naming hanimun.

Tulad ng isang alaala, sa magkabilang daan gumagana ang isang tren. Maaring apurahin ng isang tren pabalik ang lahat ng mga bagay na iniwanan mo makalipas ang napakaraming mga taon.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]