bukod sa salin at maikling pagpapakilala, ibabahagi ko na lamang ang mahalagang impormasyon mula kay ma'am jonelle marin (ng departamento ng humanidades) tungkol kay Gaudiosa Albestor a.k.a. Tita Ghing: "Sa mga naging anak-anakan, kaibigan at kasama ni Tita Ghing, may ihahandang programa para sa kaniya sa Miyerkules, 8PM sa Heaven's Garden (Anos, Los Banos). Maaari po akong kontakin sa numerong ito para sa mga tanong at daloy ng programa. (0915*******)" (itanong na lamang sa akin o tignan sa facebook post ko ang # ni jonelle.) magpahinga, salamat sa pagkunsinti at sa pagsuporta at sa pagkupkop at sa pagpapakape at sa pakikipagtsikahan at sa pang-iisyu at sa pagpapakape at sa pagpapakape at sa marami pang pakikisamang hindi magkakasaya sa salita. -mula sa mga naging bahagi ng konseho ng mga mag-aaral (USC) at ng opisyal na pahayagang pang-estudyante (UPLB Perspective) at ng marami pang student organizations; at mula sa mga humihiram ng libro sa TERC (textbook exchange and rental center). hay.
Siklo ng Idlip
malayang salin ni Tilde Acuña
ng tula ni Dean Young
alay kay Tita Ghing
Hindi natin maitutulak ang ating mga sarili palayo
sa tahimik, kahit sa ating paglalasing
sa pagkalingat, sa mga biyaherong paalis
na nagpapatay ng kanilang sindi, sa mga luhaang dumarating,
sa napakaraming pambalot, sa sigalot dulot ng pag-garahe.
Kinakayod ng hangin ang dahon sa kalagitnaan ng lansangan,
unang mga patak ng ulan, madilim na susundan pa
ng higit na kadiliman. Patawarin mo ako sa hindi
pagsulat sa mahabang panahon, isa sa mga di-mawaring
pagkabathalang humahadlang sa daan mong nangangailangang
ikumpisal ang lahat ng pumalyang pagtatangka sa pagmamahal,
kung anumang nagsimula ng buong kaguluhan. Mahal ko itong lugar,
ang tiwaling barandilya nito, ang mga upuang
bumabaon sa gulugod, mga nagmomotorsiklong
tumutukod sa mga lasing nilang syota sa umaga,
mga tambay na naglalaro ng dama sa kani-kanilang mga grupo,
mga pananagutan at babalang nagbubuyo sa atin
sa bingit ng kung anumang kanilang ipinagbabawal.
Ngunit may higit tayong magagawa sa paglampas sa
mga silid na ito at sa kanilang biglang pintig
kung saan minsang lumahok ang isang panawagang halos
hindi sinasadya na sa wakas ay mistulang
isiniwalat ang ating mga sarili sa ating mga sarili,
busilak, nagluluksa, nararapat matagpuan.
Tuesday, August 14, 2012
Siklo ng Idlip (Dean Young)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment