kaarawan ni bradbury noong isang araw. gusto ko tuloy silipin ang zen in the art of writing. parang kailan lang nang mamaalam siya. wala akong ginawang kahit ano para sa kanya maliban sa recent excerpt translation dahil tinalakay ko naman ang katha niya sa isang kumperensya. ngayon, araw ni borges. bagamat tiyak na hindi kami magkakasundo sa pulitika, lubos ang paggalang ko sa kwentistang ito. on other news, nasasanay na ako sa facebook timeline at mas madali mag-nostalgia trip at maglibang sa mga kahibangang dala ng pagiging, ewan ko, kabataan bagamat hindi pa rin naman ako katandaan. isa pang other news, long weekend na naman at binabalak kong madama ang isang ito, hindi tulad nung nakaraang long weekend na ewan ko ba. ano pa ba? wala na maliban sa
Pagsisisi
malayang salin ni Tilde Acuña
ng tula ni Jorge Luis Borges
[meron pa ritong dalawang salin]
Nagawa ko ang pinakamasahol na kasalanang
Maaring gawin ng isang tao. Hindi ako naging
Masaya. Hayaang kunin ako't walang awang sakmalin
ng mga nagyeyelong balisong ng paglimot.
Iniluwal ako ng mga magulang ko para sa mapanganib
at magandang sugal nitong buhay,
Para sa lupa, tubig, hangin at apoy.
Binigo ko sila, hindi ako naging masaya.
Pumalyang masigla nilang kumpiyansa para sa akin.
Inilapat ko ang aking isipan sa mga simetrikong
Pangangatwiran ng sining, ang mga pansilo nitong palamuti.
Ipinamana nila sa akin ang kagitingan. Hindi ako magiting.
Hindi ako nililisan nito. Palaging nasa tabi ko,
Iyang anino ng isang ginoong mapanglaw.
Friday, August 24, 2012
pagsisisi (pagbati, borges)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment